12:30 pm na.
Kanina pa ako naghihintay dito.
Darating pa kaya siya?
Ah Tricia! You're so stupid!
Sa tingin mo ba papayag siyang makipagkita sayo pagkatapos ng ginawa mo sa kanya noon?
Tumingin ako sa left side ko upang makita ang labas. Glass wall kasi ang pader nitong cafe kaya tanaw mo ang labas.
Ang daming taong naglalakad. Ang daming sasakyan sa kalsada.
Darating ka pa ba?
I took a sip of my coffee at tinignan ko'ng muli ang wristwatch ko.
12:35 na.
5 minutes na pala ang lumipas.
I decided to wait for another 10 minutes.
Kapag siya wala pa, wala na talaga.
I checked my phone, baka sakaling nag-text o tumawag siya but I saw nothing.
Nanatili akong nakaupo at naghintay pa.
I need to see him.
I want to see him.
Kailangan kong itama ang mga nagawa kong mali.
Pero natapos ang 10 mins. ay wala pa rin siya. Tumayo na ako at iniwan ang bayad ko sa table. I walked towards the door of the cafe.
Wala, galit talaga siya kaya ayaw niya na'kong makita.
Nasa pintuan na ako ng mahulog ang panyo ko kaya yumuko ako upang pulutin ito.
Pagtayo ko ay may nabangga ako...
When I looked up, I saw him...
"Tricia.."
He is looking at me.
Wala pa rin siyang ipinagbago.
"Dwight..."
In shock pa rin ako. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
"Tricia, sorry kung late ako. May ginawa pa kasi ako sa office."
Sa sinabi niya ay bumalik ako sa katinuan.
"Ah...oo. Okay lang."
Pumasok kami sa loob ng cafe at umupo sa table malapit sa dulo. Pagkaupo naming dalawa ay walang nagsasalita.
"Order muna tayo? Anong gusto mo?" tanong niya. Sobrang pormal ng pakitungo niya sa'kin. Ito pa ba ang Dwight na minahal ko?
"Cappuccino lang ang sa'kin. Thanks."
Tinawag niya ang waiter at ibinigay ang order naming dalawa.
Pag-alis ng waiter ay bumalik na naman ang awkward atmosphere sa pagitan naming dalawa.
I decided to break the silence.
"I'm so glad you made time to see me. Kamusta ka na?" bungad ko.
"Heto, medyo busy sa trabaho." sagot niya.
Tinitigan ko siya. Sobrang seryoso at pormal ng mukha niya.
Nasaan na si Dwight na masiyahin? Bakit siya ganito? Dahil ba sa ginawa ko?
Nagdesisyon ako na wag na munang magsalita hanggang sa dumating ang order naming dalawa.
Uminom lang ako ng konti sa aking cappuccino habang siya naman ay kumakain ng cheesecake. Tinitignan ko lang siya. Kulay brown ang mga mata niya,ang nipis at ang pula ng labi niya, matangos ang ilong, ang gwapo pa rin niya. Sa paningin ko, siya ang pinaka-gwapong nilalang. Pero alam ko at ramdam ko,nanatili man ang pisikal niyang katangian, iba na ang Dwight na nasa harapan ko. At yun ay dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
BACK TO DECEMBER (SHORT STORY)
Teen FictionAanhin ko pa ang kalayaan kung wala ka naman?