CHAPTER 3: When Superheroes failed to save you

11 0 1
                                    

(NO ONES P.O.V)

" So Mrs. Magpanigan, before your operation-"

"MS. Magpanigan, at siguro pang 500x ko na nasabi sayo na walang operasyon na magaganap."

Tumigil ang duktor sa pagsusulat at tinitigan ang pasyente niyang diretso ang tingin sa pader sa likuran niya.

Ngumiti ang duktor at ibinaba ang ballpen niya sa desk.

"Theya, ganon na ba talaga ang galit mo saken?" Puna ng duktor.

"Eh kung hindi mo kinukunsinti sila Mameng, papayag pa sana akong magpakasal sayo." Sagot ni Theya.

"Hindi ko kinukunsinti sila Tita Luleng, pumayag ako at sinusuportahan ko ang gusto nila dahil gusto rin kitang makakita ulit. Eh kung kahit ganyan ang deal mo, mas pipiliin ko paring makakita ka." Sagot ni Gerald.

Tumayo si Theya sa kinauupuan niya.

Napapikit nalang ang duktor

"Aalis na kami ni Bes Reb, salamat sa pag c-check up." Mabilis na sinabi ni Theya.

Nagdadalawang isip si Rebecca kung susunod sa Best Friend niya o humiling sa duktor na ituloy ang sinasabi kanina.

"Rebecca, Tara na!..."

Nabigla si Rebecca kay Therese kaya tumayo narin siya at gi-nide si Therese palabas ng office.

Nang marinig ni Gerald na nakasara na ang pinto, dumilat ang mata niya at tumingin sa saradong pinto.

"Therese, kelan ka pa nawalan ng pag-asa?" Nasabi ng duktor sa kanyang sarili.

                                                                       B.L.I.N.D.L.O.V.E

(Therese P.O.V)

Hay! Sa wakas nakaalis rin sa ospital nayun...

Yes! Fresh Air! (Kahit polluted) Ayoko talaga ang amoy ng ospital, it just brings back awful memories.

Naasar ako kay Gerald nabigla ako sinabi niya na kung bibigyan siya ng deal between bringing my sight back or wedding with me, mas pipiliin niyang makakita nalang ulit ako.

Sineseryoso niya ang pagiging martyr niya. Simula noong bata palang kami eh lagi nalang niyang binabanggit na pangarap niyang ako ang mapangasawa niya. Akala ko kahinaan niya yun kaya pinuntirya ko kanina kaso... ako pa ata itong naguluhan ang isip.

Ang wierd talaga ni Gerald Grr.

"Bes..." narinig ko si Reb

"Oh?" Sagot ko naman

"Beso? Bes gusto mo ng beso? I'll give that to you para mapatawad mo ako." Sabi Reb.

Lumayo ako ng onti tapos hindi sumagot. Ang corny niya Bes-Oh? Sus.

"Bes, sorry talaga... forgive me."

HAHA hindi ko mapigilanXD ang O.A ng Bessie ko halos buong buhay ko kasama ko na siya. Dapat alam niyang sandali lang ako magalit sakanya tska if ever nagalit ako sakaniya kanina, tampo lang yun. Im sure pinilit lang ito nila Mameng. Hayy... kawawang Bessie. Pero dahil kasabwat siya sa Team B.T.S.B o Bring Theya's Sight Back medyo parurusahan ko siya ng onti... tsk. Tsk. Bad Theya kaya ka siguro nabulagXD

Hindi ko siya pinansin.

"Bes sorry talaga, luluhod ako! Luluhod ako!" Sigaw ni Bessie.

"Ha?! Ha?!" Gulat ko naman nasabi

Ayun lumuhod nga siya

I'm sure lahat ng tao nakatingin samin.

Nakakahiya*>.<*

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon