Sinadya po naming itago ang mga pangalan at lugar ng mga karakter upang mapangalagaan ang kanilang tunay na pagkatao.Maraming salamat po.
Si Katrina ay isang tahimik at simpleng babae lang.Ugali niyang hindi lumalaba ng bahay at hindi rin masyadong palakaibigan.Sya ang gumagawa ng mga gawaing bahay dahil siya lang ang naiiwan sa bahay.Ang kanyang mga kapatid ay pumapasok sa eskwela at nagtatrabaho naman sa opisina ang kanyang ama,Ulila na sila sa ina,maagang namatay ang kanilang ina nung elementary pa lang sila.
Apat silang magkakapatid,dalawang babae at dalawang lalaki,siya ang pangalawa.
Lumalabas din siya minsan kasama aang kapatid na babae.Nang makapag-asawa ang kapatid niyang si Malou ay siya nalang ang naiwan sa bahay,dahil sa bahay na ng lalaki tumira ang kapatid.
At ditto na rin nagsimula ang mga bagay na hindi inaasahan.Isang gabi na mahimbing ang kanyang pagkakatulog ay bigla siyang nagising,kitang-kita nya ang maitim na damit,mahaba ang buhok at nanlilisik ang mga mata,nakatingin at palapit sa kanya.Dumaan sa likod niya,lumalakas ang kaba sa kanyang dibdib,naramdaman niya na halos dumoble ang bigat sa likod at bigla siyang nanginig.Habol ang kanyang hininga,mainit ang katawan,para siyang napapaso,parang sasabog ang kanyang dibdib at halos hindi makahinga.Napanganga siya at may hanging lumalabas a kanyang bibig at nakita niyang may itim na usok palabas sa kanyang kwarto.Tumayo ang kanyang balahibo sa sobrang takot.Pinagpapawisang
lumabas ng kwarto at uminom ng tubig.Walang kamalay-malay ang mga kasama niya sa bahay kung ano ang nangyayari sa kanya.Hindi siya nakatulog ng gabing iyon,iniisip niya kung ano ‘yun hanggang mag-umaga.
Patuloy pa rin si Katrina sa kanyang mga gawain ng umagaing iyon.Binalewala lang niya iyon,ngunit ang pinagtataka nya ay tuwing alas sais ng gabi ay biglang lumalakas ang kaba sa dibdib.Siguro nerbyos lang ito, dahil mahilig akong magkape,naisip niya.Nanonood nalang siya ng tv para mawala ang nararamdaman.Maya-maya ay biglang bumigat ang kanyang likod na parang di siya makakilos,maya-maya lang ay gumaan na naman ang kanyang pakiramdam.Siguro sa pagod lang ito,naisip niya,kaya pumasok nalang siya sa kanyang kwarto at natulog.
Pagsapit ng alas dose ay nagising na naman siya,nakita na naman uli ang black lady at inaabot ang kamay,para bang nanghihingi ng tulong.hindi na naman siya makakilos sa kanyang nakita,nagtayuan na naman ang kanyang mga balahibo at nagtatakbo palabas ng kwarto.Gusto niyang umiyak,pero walang lumalabaas na luha,takot ang nararamdaman niya.
Nagpasya na lang siya na matutulog sa sala.
Kinaumagahan,may naisip na si Katrina na paraan upang tumigil na ang panggugulo sa kanya ng black lady. Mayroon din siyang konting nalalaman tungkol sa mga paranormal na bagay dahil mahilig din siyang magbasa about ghosts and spirits.Nag-alay siya ng tubig,kanin at isda a walang asin at doon niya inlalagay sa lugar kung saan nakatayo ang black lady.Totoo nga,hindi na nga nanggugulo ang black lady sa kanya,pero kumunsulta pa rin siya sa albularyo at sinabing may kaluluwa na dumadalaw lang. Sinimulan ng tawasin si Katrina at hindi na muling nagpakita ang black lady.
Balik na naman sa normal ang buhay ni Katrina,maayos na ang pagtulog.Isang araw,napansin niyang mayroong maliliit na sugat sa kanyang magkabilang binti na sobrang Makati at kapag ito’y kinakamot ay lumalaki.Pati na rin ang talampakan ay nagkaroon din.Bumabalik na naman ang kanyang kaba at nerbyos,nilalagnat pa siya,pagdting ng hapon,halos hindi na rin siya makalakad sa sobrang sakit.
Habang tumatagal ay lumalaki ang kanyang sugat,may tumutulo pang mga tubig sa kanyang mga paa,kapag natutuyo ay nagiging sugat din.Nagpunta na rin siya sa albularyo,binigyan ng langis ngunit hindi pa rin gumagaling,bagkus ay lalong lumalaki at sumasakit.
Napagpasyahan na din niyang magpunta sa doctor,di malaman kung anong klaseng sugat ang dumapo sa kanya.Nagbigay nalang ito ng antibiotic na pinakamataas ang milligrams,ngunit di pa rin gumagaling.