Satsuki's POV
Asar na asar kong hinagis yung mga gamit ko sa damuhan dito sa garden ng academy. Dito na ko madalas tumambay kapag vacant period namin.
"Kaasar kayooo! Tandaan niyo, may araw din kayo sakin!!" inis kong bulong sa sarili ko.
Buti na lang ako lang mag-isa yung nandito, kundi baka napagkamalan na kong nababaliw ng mga taong nakakakita sakin.
Pano ba naman, sinusuntok ko at pinagbubunot yung mga kawawang damo dito. Naiinis lang kasi talaga ko! ▔___▔
Wala sina Kae at Lyt ngayon dahil may group meeting sila para sa project namin sa English. Buti pa nga sila magkasama nanaman sa isang group. Ako lang nahiwalay sa kanila.
Mamaya pa yung meeting namin pagka tapos ng klase kaya wala akong magawa ngayong vacant. Yung dalawa kasing babae wala, yan tuloy wala akong makulit at masabihan ng sama ng loob.
Kakatapos ko lang kasi kumain nang bigla nanaman akong pagtripan nung 4D, as in 4 Devils!! Haha. Ayan na tawag ko sa kanila simula nung pagtripan nila ako at i-bully. Anlakas kasing mantrip at mga walang awa!
It's been three weeks simula nung magbago yung pakikitungo nila sakin. At ang nakakainis ay LAHAT SILA NAGBAGO. Yung 4D ang tinutukoy ko ah. Diba dati si Zhien lang? Biglang sumunod at nakigaya sa kanya yung tatlong unggoy. tss.
Kung anu-ano yung pinag gagagawa nila sakin.
Andyan yung pinatid nila ako habang naglalakad sa hallway. Nakita tuloy yung undies ko kasi napasubsob ako sa sahig! Argh! Pinagtawanan lang naman ako ng buong campus. Kumalat kasi agad yung picture ko nun.
Tapos meron din na dinikitan nila ko sa likod ng paper na may nakasulat na "Libre lait, i won't mind." Kaya pala lahat nung makasalubong ko nun kung anu-anong pinagsasabi sakin. Nakaka hurt kaya yung mga lumalabas sa bibig nila! Buti na lang nakita nila Kae yun. Pinagtanggol naman nila ko sa mga schoolmates namin.
Tapos may nagsabi sakin noon na pinatawag daw ako sa auditorium namin dahil kakausapin ako ng guidance counselor. Nagtaka ko kung bakit ako pinatawag at bakit sa auditorium pa at hindi sa guidance office. Pagka pasok ko sa auditorium, natigilan ako sa nakita ko. Nag mi-meeting lang naman ang lahat ng teachers dun! Nakuha ko tuloy attention nila. Hiyang hiya akong nag sorry sa kanila. Alam kong SILA yung may gawa nun.
Nung isang araw naman pinahiya nila ko sa buong klase namin. Pinag solve kasi ako sa board ng problem. Naririnig ko nun yung bulungan at tawanan ng classmates ko habang nagsusulat sa harapan. Lumapit sakin si Blythe nun at sinabing may tagos ako. Eh ang alam ko kakatapos ko lang nun last week. Ayun pala nilagyan nila ng red paint yung upuan ko. Arrgh! Inis na inis ako sa kanila nun!!
Marami pa silang ginawa sakin at baka sa isang araw pa tayo matapos kapag inisa-isa ko pa sa inyo.
Eto na lang kukwento ko, yung nangyari sakin sa caf na kagagawan nanaman nila!!
***Flashback***
Hindi sumabay sakin kumain sina Lyt and Kae. May group meeting daw sila at sabay sabay na silang kakain.
Dumiretso na lang ako sa cafeteria at doon kumain mag-isa. Payapa naman akong nakakain sa loob ng caf. Nagbuklat muna ako ng notes ko para mag review sa quiz namin sa next subject.
Napa sigh of relief ako dahil hindi ko nakita ang apat na unggoy at hindi nila ako ginulo ngayon.
Pero yun ang akala ko...
Biglang may naupo sa magkabilang dulo ng inuupuan ko at dalawa naman sa harapan ko.
Alam ko ng sila yan kahit di ko tignan yung mukha nila.
BINABASA MO ANG
He Who Stole My Heart
Teen FictionIs it really true that nothing is permanent in this world? Even your feelings? This is a story about a girl that faces reality in her life. She fell in love with a guy that really stole her heart away. But will her feelings change as she discovers m...