Hate at First Kick

4 0 0
                                    


The Sleeping Beauty

(c) ohsosweetsycamine

*1*

Hate at First Kick

"Wow, ang cute naman ng baby!" pagbati ni Aurora sa six-month-old baby na karga ni Rhoda, matalik na kaibigan ng mama niya. Nilapitan niya ito para laruin pero laking gulat niya nang bigla siyang sipain nito sa mukha.

"ARAY! Nananadya ka ba?" mas lalong nakadagdag sa asar niya nang humagikhik ang baby pagkatapos siyang sipain. "Tita Rhoda, kakaiba 'tong baby niyo. Panigurado, paglaki namin, hindi kami bati." inis na sabi niya. Tumawa naman si Rhoda.

"Aurora, 'wag mong patulan ang baby. Wala pa 'yang malay at wala siyang laban sa six year old na katulad mo." saway ni Gale, mommy ni Aurora.

"De, mommy. Mukhang inaasar ako ng batang 'to eh." binelatan niya ito kaya umiyak ito ng pagkalakas-lakas.

"Ayan na, naasiwa sa pagmumukha mo." lumapit ang mama niya sa baby. "Ano? Ang panget ba ni Ate Aurora mo? Ramdam kita lalo na kapag nagkasama na kayo ng matagal." Kinarga niya ito at inalo. Tumigil naman ito sa pag-iyak at hinahawakan na ang mukha niya.

"Ayokong makasama 'yang baby Philip na 'yan kahit isang minuto." pagsusungit ni Aurora. "Hindi kami bati forever."

"Hala, pa'no 'yan Aurora? Ipinagkasundo na namin kayo ni Philip. Siya na ang magiging asawa mo in the future!" pang-aasar ni Rhoda na sinamahan pa ng malutong na halakhak.

"Eeeew! Yuck! I hate it!" nagmamadaling pumasok si Aurora sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto. Nararamdaman niyang magiging masama ang ugali ni baby Philip. Sipain ba naman ang mukha niya? Akala niya pa naman lahat ng mga babies mababait at heaven sent pero mukhang exception doon ang batang karga ng mama niya.

Hindi pa rin mapatid-patid ang tawa ni Rhoda sa naging reaksyon ni Aurora. "Gale, mukhang mahihirapan tayo sa dalawang 'yan."

Ibinigay naman ni Gale ang natutulog na si baby Philip sa mama niya. Hindi niya maiwasang hindi mapabuntong-hininga. "Kahit anong gawin natin, si Philip lang ang may kakayahan na protektahan si Aurora. Maiintindihan naman siguro nila 'yon kapag lumaki na sila 'no?"

Tumango na lang si Rhoda kahit na hindi siya sigurado sa mangyayari. Isa na namang sugal ang gagawin ng parehong angkan nila.

After 15 years...

"AURORAAAA!"

Kasabay ng pagsigaw ni Mommy Gale ang paghulog ni Aurora sa sariling kama na una ang mukha. Instant plakda ang drama niya sa umagang 'yon.

"Ano ba?! Sinong nagtulak sa'kin sa kama?" sabi niya habang hinihimas ang mukha. "Hindi nakakatuwa ah."

"Ako." Tiningnan ng masama ni Aurora ang nagsalita. "May angal ka?"

"Pwede naman kasing gisingin ako ng maayos, hindi 'yong gano'n!"

"Oo, kasi kanina ka pa namin ginigising pero sobrang tulog mantika ka." sabat ni Mommy Gale na nakasandal sa pinto ng kwarto. "Buti nga nandiyan si Philip para gisingin ka. Tumayo ka na nga diyan!"

Padabog siyang tumayo at sinamaan ng tingin si Philip. If looks can kill, malamang nakahandusay na ngayon si Philip at matindi na ang pagdurugo.

"Hindi nga pala kita tinulak," sabi nito. "Sinipa kita ng malakas para magising ka." Binangga pa siya nito papalabas ng kwarto.

What a great way to start this morning. Great. Just Great.

"Naku talaga! Kung hindi lang bestfriend ni mama ang mommy niya, nasapak ko na siya matagal na!" inis na kwento ni Aurora kay Tiffany, ang beshie niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sleeping BeautyWhere stories live. Discover now