Chapter 31 : Jelous

35 0 0
                                    

Misaki POV

Pagkatapos ng nangyari samin dun sa piano.. nag aya si rouki na mag family bonding daw kami hay ang baby ko talaga hindi ko alam pero masaya ako na kung titignan mo kami ngayon para kaming isang masayang pamilya pero nakakalungkot man isipin na ilang araw na lang ay aalis na kami ni rouki.. hindi na rin siya nag aya pa sa palawan mas gusto daw niya makasama ang daddy niya.. ay! kawawa naman ako ayaw na sakin ng baby ko (TT____TT)

Andito pala kami ngayon sa mall kasi nga daw family bonding nga daw di ba pero hindi ko naman ipagkakaila na masaya ako ngayon dahil nakikita kong masaya ang baby ko, Mas narealize ko na ang dami ko pa lang sinayang na panahon para maging masaya ang baby ko at maramdaman ko ulit na buo ako..

Habang andito kami sa mall na naglalakad bigla naman may sumulpot na babae at biglang niyakap si rou? kaya napabitiw si rouki sa kamay ni rou muntik pang matumba ang baby ko dahil sa pagsagi sakanya nung babaeng mukhang payaso sa kapal ng make up buti malapit lang ako at nasalo ko agad siya..

"are you ok baby?" tanong ko sakanya at nag nod naman siya at nakatingin pa pala sa dalawang malandi.. psh! sino pa ba edi si rou saka yung babae niya teka hindi ako nagseselos huh ang akin lang kasama niya kami ng anak niya..

"Mom? who is she?" tanong ng anak ko bigla naman napalingon samin si rou at dun lang siya natauhan kaya tinaggal na din niya pagkakayakap niya dun sa babae niya..

" i don't know baby, let's go baka may pag uusapan sila" sabi ko kay rouki

"but mom tayo ang kasama ni daddy, it's our family bonding right?" tanong sakin ni rouki.. tumingin ako kay rouki pero hindi na katulad kanina na nakangiti o ano pa man dahil tinanggal ko lahat ng emosyon na pwede niyang makita sakin.. ibinalik ko ang dating ako na malamig pa sa yelo kung makitungo sa ibang tao..

"maybe next time baby" sabi ko at hindi ko na siya inantay pa sumagot at binuhat ko na siya para makaalis kami dun.. binilisan ko na lang ang lakad ko dahil parang nanghihina ang mga tuhod ko parang any moment babagsak na ang luha ko pero hindi pwede kasi kasama ko si rouki.. maya maya bigla naman may umakbay sakin at pagtingin ko si rou pala..

" tanggalin mo yang pagkakaakbay mo sakin" sabi ko sakanya na malamig na tinig..

"Hey? wife are you jelous?" sabi niya na ngingitingiti pa..

" no, im not" sabi ko na hindi siya nililingon..

" daddy you promise me that you won't hurt my mom" sabi ni rouki anong pinagsasabi ng baby ko.. napahinto ako sa paglalakad at ganon din siya..

"yes son, lets talk later young man" sabi niya kay rouki at sinamaan ko siya ng tingin..

Jirou POV

Hindi ko akalain makikita ko siya dito at bigla bigla na lang nangyayakap?.. ano naman kaya trip nitong babae na to at kelan pa natutong mag make to.. nabitawan ko si rouki pero buti nasalo siya ni saki.. napayakap na lang ako sakanya.. namiss ko tong makulit kong pinsan na to hahaha.. nakita ko naman ang titig ni saki at bumalik na naman siya sa dati.. 

Naririnig ko pa silang nag uusap at naglakad na sila paalis kaya nagpaalam na din ako sa pinsan ko..

"Kuya jirou she's pretty but i think you should follow her hahaha" sabi niya.. tsk! baliw talaga to..

" i know, before ako umalis pumunta ka ng cr at hindi bagay sayo ang make up mo" sabi ko sakanya at nag pout naman siya at tuluyan na ako umalis nakita ko naman siya agad kaya inakbayan ko na siya..

" tanggalin mo yang pagkakaakbay mo sakin" sabi niya sakin at tama talaga ako bumalik na naman siya sa dati siguro nagselos to hahaha.. teka nga mainis nga muna..

"Hey? wife are you jelous?" tanong ko sakanya pero hindi pa din siya lumilingon sakin..

" no, im not" yun lang nasabi niya..halata naman na nagseselos ayaw pa umamin nyahaha.. bigla naman sumingit si rouki

" daddy you promise me that you won't hurt my mom" sabi niya na napaka seryoso ng mukha at nakita ko naman na naguluhan si saki..

"yes son, lets talk later young man" sabi ko at nakita ko siyang nag nod at nakatingin na pala sakin si saki na parang bang sinasabing anong-pinagsasabi-niyo-look kaya nagkibit balikat lang ako..

Nag ikot ikot pa kami sa mall, binilan ng toys si rouki tapos tumatanggi pa si saki kasi daw hindi nila mabibitbit lahat yun pagbalik ng amerika as if papayag pa akong bumalik sila dun kaya kailangan madaliin ko na ang pagproprose ko bago mahuli ang lahat..

Kumain din kami, ayaw pa nga magpasubo ni rouki kasi malaki na daw siya pero sempre pinupunasan pa din naman ni saki ang nagkalat na pagkain sa mukha ng anak namin hahaha makalat siyang kumain pati mukha pinapakain niya..

Ilang oras pa kaming nagtagal at umuwi na kami ng mansion mukhang pagod na din naman si rouki eh.. andito na kami ngayon sa byahe at habang nagdridrive ako hindi ko maiwasan tignan ang mag ina ko na natutulog.. nung nag stop kami dahil naka stop pa ang stop light kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ko sila.. ang cute nila.. 

Hindi naman nag tagal at nag go na din.. maya maya lang andito na kami sa mansion at nagising na si saki pero si rouki tulog pa din.. kinuha ko na siya kay saki at inakyat ko na siya sa kwarto niya kasunod ko lang din si saki na bitbit yung mga pinamili namin yung iba pinakuha niya sa katulong kasi sobrang dami nun eh..

Nung na iaayos ko na si rouki lumabas ako sa kwarto at pumunta na sa kwarto namin, hindi rin naman nag tagal at pumasok na siya.. hindi niya ako pinapansin at ganon pa din ang trato niya sakin.. hayy nag selos nga to.. habang naka upo siya sa kama at may kung ano ano kinakalikot sa cellphone niya umupo ako malapit sakanya at binackhug ko siya na nagpagulat sakanya..

"wife wag ka naman ganyan sakin oh, pinsan ko yung babae kanina kahit tanungin mo siya o kaya kay nadine malapit sila sa isa't isa nun eh.. simula ung naging tayo four years ago wala akong naging ibang babae alam mo naman yun di ba" paliwanag ko sakanya pero siya tahimik lang na ewan ko kung nakikinig ba o ano..

"r-rou ano bang meron satin ngayon" tanong niya sakin na napaisip nga ako kung ano bang meron samin dahil wala naman kaming napag usapan na magiging kami ulit parang naging M.U lang..

"Simula ng bumalik ka hindi ko na kailangan sabihin na meron tayong kasi kahit kelan hindi natapos ang tayo.. yung nangyari satin isang pagsubok lang yun.. walang ibang pwedeng mag may ari sayo kundi ako lang wifey" sabi ko sakanya..

Hindi ko lang pero ang hirap pigilan an sarili ko pag malapit ako sakanya kaya hinawi ko ang buhok niya sa bandang leeg niya at hinahalik halikan ko na ang leeg niya hindi naman umalis si saki at napahawak lang siya sa mga braso kong nakapaikot sa bewang niya..

%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%

private po ang next part nito kasi po SPG siya hehehe.. pero maya maya konti ko po ipopost.. sorry po sa mga typo error..

White Blood Prince's and Ms. LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon