Samantha's POV
"Ma, nandito na po ako." Sigaw ko nang makarating kami sa bahay. Hindi kasi ako agad maririnig ni mama kung mahina lang ang boses ko.
"Upo ka muna." Alok ko kay Ryle.
"Salamat." Nakangiting sabi niya.
"Oh anak, may bisita ka pala? Sino itong binatang kasama mo, boyfriend mo?" Bungad sa'min ni mama.
"Hindi po."Sabay na wika namin ni Ryle.
Nagkatinginan kaming dalawa na ikinatawa ni mama.
"He's not my boyfriend, ma. He's just my bestfriend." Sabi ko.
"Okay, sabi niyo e." Kibit-balikat na sabi ni mama.
Lumapit si Ryle kay mama saka nagmano.
Aba, magalang din pala ang lokong 'to?
"Hello po. Ryle Marcus Ortillo po, best friend ni Samantha." Magalang na bati nito kay mama.
"Nice meeting you, iho.." Bumaling sa akin si mama. "Siya ba yung nabanggit mo sa'kin na kaibigan mo sa eskwelahan mo, anak? Kagwapong bata naman pala nito." Tuwang tuwang sabi ni mama.
Lihim na napangisi sa'kin si Ryle.
Napairap ako.
Tsk, lalaki na ang ulo ng lalaking niyan!
"Ma, akyat lang po ako sa kwarto ko para magbihis." Paalam ko kay mama saka inirapan si Ryle.
--
Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako para makipagkulitan kina Ryle.
"Hahaha. Opo, tita. Lumapit po ako kay Samantha para talagang makipagkaibigan. Loner po kasi siya at saka parang may nakikita akong kalungkutan sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag."
Nananatili pa rin ako sa hagdan at nakikinig sa usapan nila.
"Ah ganun ba? Naiintindihan ko naman ang anak ko kung bakit mas pinipili niyang mag-isa. Minsan na kasi siyang nasaktan sa isang tao na minsan na rin niyang naging kaibigan." Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan nila. Ayoko ng alalahanin pa ang lahat. Binaon ko na sa limot ang aking nakaraan na ayaw na ayaw ko ng balikan.
"Ma, anong meryenda natin? Nagugutom na ako." Kunwaring reklamo ko.
"Sino po iyon tita?" Nagtatakang tanong ni Ryle.
"Wala. Ang tsismoso mo, kalalaki mong tao." Pabirong pag-iiba ko ng usapan.
"Curious e. Sino ba kasi yun? Best friend mo ako tapos nagsisikreto ka." Reklamo niya.
Walang nagawa si mama kundi ang umiling at ngumiti nalang.
Umiling din ako at pinipilit ibahin ang usapan.
"Past is past, Ryle. Hindi na dapat binabalikan pa ang nakaraang matagal ng nabaon sa limot." Seryosong sabi ko.
"Tama na yan, kumain na nga lang tayo."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Roman pour AdolescentsSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...