Chapter 34 - Part-time Daydreamer

478 26 0
                                    

Chapter 34 - Part-time Daydreamer

Anne’s POV

Shit kasi naman hindi ako nagiisip eh. I was right the time na naisip kong pwedeng si Josh nga ang dahilan. Sa totoo naman kasi hindi ko inexpect na magiging ganun kabilis, kasi the last time I saw Josh eh sabi nila he is doing okay. And para namang he is not going anytime soon.

But anyway, I think this is the first time that Macey said something na may sense. Na hindi nakakairita at hindi nakakaumay. Meron siyang point. Hindi ako nakasagot when she told me that I am the selfish, self-centered one. Natauhan ako when she said that the world doesn’t revolve around me.

Deep inside, alam kong napahiya ako pero alam kong totoo din naman yung sinabi niya sa akin. At least nalaman ko ang sagot sa mga tanong ko sa buhay ko nung nawala sya. Umalis siya kasi nga si Josh kailangang maipagamot at unfortunately nawala.

Nalungkot ako nung inisip ko yung batang ‘yun. Una at huling paguusap na pala namin nung time na pumunta kami ni Martin dun sa ospital.

Hindi siya nakatawag dahil nga nawala si Josh. Hindi ko man lang inintindi na nagluluksa sila. Inisip ko lang is yung nararamdaman ko. And tama silang pareho ni Macey na selfish ako at sarili ko lang ang iniisip ko. Puro galit lang sa kanya yung inintindi ko na kesyo hindi siya nagparamdam without knowing may dinaramdam at pinagdadaanan na pala yung tao. Ni hindi ko kinamusta.

Siguro mahigit three points din ang nakuha nila sa akin.

Swerte naman ni Macey, narinig niya yung usapan nung sinundo si Martin ng papa niya dito. Yung mga panahong ngumanga ako ng malala sa library. Yung araw na masaya kami at para kaming lovebirds sabi nga ni Ina. Nalungkot ako talaga. Sobra. Pero kung kaya magpanggap ng ibang tao na magmuhkang masaya siguro naman kaya ko rin and that is what I am exactly doing right now.

Masakit yung sinabi ni Macey at ni Martin kasi totoo sila lahat. Kasi madalas kapag naiimagine ko bukambibig lang nun is make up tips.

When Martin is the one doing the talking, kahit maikli, it hurts even more. He is giving me a blank face while saying “Sandali lang ako umalis at pagbalik ko magandang welcome ceremony ang binigay mo sa kin. ‘Wag mo awayin si Macey. Totoo naman ang sinabi niya na selfish ka at self-centered ka.”

Masakit marinig lalo na at galing pa sa kanya, parang ang hirap lunukin. Even when he said “Come on Macey hayaan mo na ‘yan, wala na rin ako panahong makipagusap sa kanya.” para akong sinaksak. Sobrang sakit. Alam ko galit siya sa akin pero telling me I am not even worth his time made me feel na wala akong silbi at parang wala kaming pinagsamahang dalawa. Parang hindi kami naging close at parang wala lang yung mga nangyari nung bago siya umalis.

I tried looking at his eyes for the longest time. He just gave me a blank expression. Parang hindi niya ako kilala. Parang akala mo isa lang akong tao na nasalubong niya. Since tama lahat ng sinabi nila and sa sobrang pagkapahiya na nararamdaman ko ngayon, right away I have decided na kung ayaw na niya akong makausap, dapat intindihin ko.

Kasi meron akong kasalanan sa kanya. At naiintindihan ko na yung ginawa ko na nagalit ako sa kanya ng wala namang ganun kalalim na basehan eh unfair nga sa kanya ‘yon.

Oo nga hindi ko man lang muna siya kinamusta. Ako nga talaga ang may kasalanan at napakababaw ko.

Si Arvin naging sobra din ang away namin pero as far as I can remember, he never told me na selfish at self-centered ako. Kaya mas masakit kasi si Martin na gusto ko from the very beginning na akala ko hindi yun magagawa, surprisingly, walang pakundangan niyang sinabi sa akin.

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon