The Irony [KAISOO FANFIC]

402 7 1
                                    

THE IRONY [KAISOO FANFIC]

by: DhesDeGuzman9

Date Started:

Date Ended:

***

"Minsan kung sino pa 'yung inaakala nating makakasama natin forever, sila pa 'yung unang umaalis. The irony."

***

"Sinabe ko naman na bawal manigarilyo dito." Siya si Do Kyungsoo, isang pakilamerong nurse na inaako ang lahat ng lugar dahil pinagbabawalan niya akong manigarilyo kahit saan.

"Manahimik ka, hindi sayo 'tong lugar na 'to." Pagsusungit ko, pero hindi niya ako pinansin at kinuha ang sigarilyong hinihthit ko saka tinapakan 'yun.

"Kim Jong In, binabayaran ako ng ate mo para alagaan ka. Hindi ko naman hahayaan na masayang ang lahat ng pera ng mga magulang mo ng walang ginagawa para maligtas ka sa sakit mo." Ayan nanaman siya, dada nanaman siya ng dada.

"Kung hindi ka ba binabayaran ni ate, hindi mo na ba ako aalagaan?" Bigla akong natawa sa tanong ko, what the fuck lang. Haha. Kaya bago pa siya makasagot, pinutol ko na.

"Tara na nga, umuwi na tayo." Nauna na akong naglakad para makauwi.

***

"Hindi mo pa din ba siya napipilit na magpaopera?" Habang naglalakad ako papuntang kusina, narinig ko na lang bigla si ate habang kinakausap si Kyungsoo.

"Sorry, tinatry ko naman lahat eh, promise. I'll do my best." Sagot niya. Hindi naman ako tsismoso pero nakakacurious kasi. Ang tanga ko, bakit ko nga pa ba kasi hiniling na concern siya sa'kin?

Kung alam ko naman na lahat ng pagaalaga niya sa'kin, ginagawa niya para magkapera siya, at hindi dahil concern siya at mahal niya ako. Tangna ang galing ko talagang komedyante.

***

"Jong In, kailangan mo pa ding magpaopera. Pa'no na lang yung magiging pamilya mo? Pa'no mo pa sila makikita kung magpapakabulag ka naman?" Eto nanaman siya, pinipilit nanaman ako.

"Ayoko, for the nth time, ayoko pa din. At hindi na lang ako magmamahal para wala akong inaalala, as easy as I want my life to be." Nagtalukbong ako para hindi na niya ako kulitin. Paulit ulit. Paulit ulit lang ang nangyayari sa 'min araw araw. Siya, pipilitin ako. Ako, tatanggihan siya. Tsk. Siya, aalagaan ako. Ako, magpapanggap na okay lang. Kung tutuusin ayoko siya na inaalagaan ako kung hindi naman bukal sa sarili niya. Gusto kong alagaan niya ako dahil gusto niya. Gusto kong mahalin niya ako dahil gusto niya.

Ayoko ng pinapakita niya, ayoko ng pinapaasa niya ako. Tangna.

***

"Gamot mo." Nilapag niya sa harap ko ang pitong tablet at isang basong tubig. Kinuha ko 'yun at ininom. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit pa ba niya ako pinipilit na uminom ng gamot, eh alam naman namin lahat na mamamatay at mamamatay pa din ako.

"Tss."

"Alam ko iniisip mo. Pinapainom kita ng gamot para gumaling ka, at kapag gumaling ka na--"

"Kapag magaling na ako ano?" Hindi na siya nakailag ng hilain ko siya paupo sa kama ko. "Jong In," umupo ako at itinapat ko ang mukha ko sa mukha niya. Caressing his face was one of the most special thing I wanna do, what did you did to me Do Kyungsoo? Tinitigan ko ang mukha niya.

"Ano Kyungsoo? Anong mangyayari kung magaling na ako?" Im catching his gaze but he's not giving me a chance. Please, sabihin mong mamahalin mo 'ko. Please.

"Kyungsoo?" A knock on my door interrupted. Bigla siyang nagpanik at tumayo ng maayos paalis sa kama ko. Naramdaman ko agad ng panginginig niya ng ayusin niya ang sarili niya bago buksan ng pinto.

Si ate nanaman. Tss. "Can I borrow your nurse?"

"Do want you want." Tumayo ako at dumiretso sa CR.

Paglabas ko ng CR nakita ko pa din na naguusap sila sa pinto ko. Hindi naman na ako nakinig at uminom na lang ako ng tubig, kaya lang biglang parang nagblack out ng dalawang segundo kaya nabitawan ko 'yung baso. Nabasag yun at narinig kong tinawag ako ni Kyungsoo.

Hindi ko siya pinansin at pinulot ang mga piraso ng baso, pero bakit ganun? Bakit paulit ulit na nagblablack out ang paningin ko? Yung pakiramdam na pumipikit pikit ka kahit dilat na dilat naman ang mga mata mo? Wala akong maintindihan.

"Jong In!" Tawag ni Kyungsoo at pinatayo ako. "K-kyungsoo." Iniupo niya ako sa kama, at automatic na nawala 'yung pagpatay-sindi ng mundo ko. "May sugat ka." Tinitigan ko ang kamay ko, may sugat nga.

***

"Ano ba kasing ginagawa mo at nabitawan mo 'yung baso? At pinulot mo pa?" Lintanya niya sa'kin.

"Natural lang ba 'yun?"

"Hah?"

"Bigla na lang sumakit yung ulo ko at nagpatay-sindi ang paningin ko. Natural lang ba 'yun? Nangyayari din ba yun sayo?" Tanong ko sa kanya ng di siya tinitignan. Ayokong makita ang concern niyang mukha na taliwas sa nararamdaman niya. He doesn't care. Yun ang lagi kong tinatandaan.

"Its a sign. Lumalala na ang sakit mo kaya dapat ka ng magpaopera." Inobserbahan niya ulit ang kamay ko na may sugat habang binabalutan ito.

Ng aalisin na niya ang kamay niya sa kamay ko, ako naman ang humawak sa kamay niya. "Kung... magpapaopera ba ako? Mamahalin mo ako? Kung... hindi ba ako mabubulag? Mamahalin mo ako?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang urge ko na masabi yun pero, nasabi ko nga. At pareho kaming nagulat dun.

Nagtitigan lang kami, walang gustong magsalita, wala ring gustong bumitaw sa titigan namin. Ng gumalaw siya, pinisil ko agad ang kamay niya, "Let's stay like this for a while. I wanna stay like this... for a while." Or even forever if I can.

***

Unti unti ko ng nararamdaman ang mga sintomas ng pagkabulag ko. Minsan, nagkakaroon ako ng temporary loss na paningin. O kung di naaagapan, over night pa, o dalawang gabi, hanggang sa umaabot na ng isang linggo.

"Magpaopera ka na kasi." Yan ang lagi nilang lintanya sa'kin pero hindi. Kailangan ko ng assurance. Kailangan ko si Kyungsoo, kailangan kong malaman na mahal niya ako. Dahil alam kong kapag nagpaopera at magaling na ako, iiwan na niya ako. Hindi na niya ako aalagaan, wala na ulit akong halaga sa kanya. Ayokong mangyari 'yun dahil ang sakit ko na lang ang pinanghahawakan ko para makasama ko siya.

Pero dumating yung time na nagtagak ng isang buwan ang pagkabulag ko, pero bumalik din ito. Dun na sila napilitan na paoperahan ako kahit ayoko. At naging sobrang saya ko ng marinig ko ang matagal ko ng gustong marinig kay Kyungsoo bago ako ipasok sa Operating Room.

"Mahal kita Jong In, yun ang lahat ng dahilan kung bakit ko to ginagawa. Mahal na mahal kita." Tama ba 'yung narinig ko? Inaakala niyang tulog ako, pero hindi, gising ang buong diwa ko dahil sa narinig ko.

Mahal din kita Do Kyungsoo, gagawin ko ang lahat para maging successful ang operation ko.

***

"He's the one who donated your eyes, we should be thankful for him. Ang laki ng naitulong niya sa'tin."

"Just now, leave me alone." Sabi ko sa kanya habang tinititigan ang puntod ng taong nasa harapan ko ngayon.

Namatay siya dahil meron siyang heart failure at dahil wala naman siyang magagawa sa mga mata niya, dinonate na lang niya 'yun para sa'kin. "Do Kyungsoo." A tear fell as a smile flashed on my face.

"Ang daya mo. Bakit mo 'ko hinayaang mabuhay kung alam mo namang ikaw lang ang dahilan ng pagkabuhay ko? You're the reason why I survived from that fucking surgery. You're the reason why I took that fucking surgery. You are the reason why I am here now, fuckly living and talking to you! Ikaw ang dahilan kung bakit pinili kong mabuhay pero bakit pinili mong mamatay para sa'kin?" Nagsimula na ding pumatak ang ulan, samahan mo akong umiyak please.

"We can die together, we can live happily ever after if we want to, pero bakit napakaselfish mo?! Mahal kita Do Kyungsoo. Mahal kita."

"Minsan kung sino pa 'yung inaakala nating makakasama natin forever, sila pa 'yung unang umaalis. The irony." Si ate.

The End.

The Irony [KAISOO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon