Chapter 3: A Ticket to Revenge

166 6 6
                                    

"Nasabi pala sa akin ni Tita na magaling ang sumayaw..." sabi ni Donghae habang magkasama pa rin kami sa bahay kasi hindi pa siya tinatawagan ng manager niya.

"Ay... hindi naman... medyo lang" sabi ko. Syempre pa-humble pa. Magaling ding kasing sumayaw 'tong si Donghae at balita ko, isa siya sa best dancer sa Super Junior.

"Woooh! Pa-humble pa 'tong si Jae-eun..." sabay tawa at lumapit sa may lamesa para kumuha ng ilang pang pagkain.

"Hahaha... Hindi nga, hindi naman ako katulad mo na ang galing-galing sumayaw. Tapos ang dami-dami pang fans..."

"Anong ang dami-daming fans? Madami lang... Grabe naman..." sabay inom nung juice na kapit niya.

Wushu!~ pa-humble pa 'tong si Donghae na ito. Kung alam ko lang, uber na sa pag-lobo ang ulo nito dahil sa compliment ko...

"Well, about nga dun sa sinasabi kong pag-sayaw... May balak ka bang ipagpatuloy yung hilig mo sa pagsayaw?" pagpapatuloy niya.

"Syempre naman. Mahal na mahal ko ang pagsayaw and gusto ko ring maranasang yung magkaroon ng sandamakmak na fans..."

Para na rin mapakitaan kong hindi lang ang Hyukjae na yun ang may talent sa pag-sayaw.

"Oh, talaga? Oh, eto..." may inabot siya sa aking papel.

Tinignan kong mabuti yung papel na yun, "Ano ba 'to?" tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan kung anong kailangang gawin at kung para saan yung papel na yun.

"May audition na magaganap sa Entertainment namin next month. And I want you to try your luck na makapasa sa audition. This will be a step towards your dreams to be a dancer..."

"T-talaga?" namangha kong tanong sa kanya, tapos tinignan mabuti yung papel na ibinigay niya. "Makakapasok na ba ako kapag ibinigay ko 'to sa guard dun?" tanong ko ulit sa kanya. Balita ko kasi mahigpit yung guard dun at hindi basta-basta nagpapasok ng kung sinu-sinong tao galing sa labas lalo na maraming 'sasaeng' fans... *sasaeng fans: wild/overly obsessed fans*

"Oo naman. Gusto mo sunduin pa kita sa labas para siguradong makapasok ka sa loob eh..."

"Naku! Wag na, nakakahiya naman sa'yo. Ang laking tulong na nito... Salamat ah..."

"Ayos lang yun... ikaw pa, friends pa rin naman tayo diba?" sabay lahad niya ng kamay niya sa akin.

Inabot ko yung kamay niya, "Syempre naman. Friends tayo noh! Kung gusto mo, bestfriends pa..."

Yay! I'm so happy... Once in a lifetime chance lang itong pagpasok ko sa SME. Kaya susulitin ko na ang lahat-lahat, kailangan kong magpasikat ng bongga dito. Para matupad ko yung kagustuhan kong maging dancer at makapaghiganti na rin dyan sa Hyukjae na yan. Oh! diba? It's hitting two birds with one stone.

Salamat ng marami sa idea at sa chance na ibinigay mo sa akin Lee Donghae... You're really an angel... :)) Pero ayoko pa rin sa'yo. Ka-close mo rin kasi yung unggoy na iyon at balita ko ay super close kayo nun. As in mukha kayong mag-bestfriend. Kaya I can't fully trust you with my plan to ruin Hyukjae's performance once and for all.

---

SM Entertainment

Woah! I'm finally here. Kabado pero excited. This is one step closer to my dreams eh...

Papasok na sana ako ng gate ng SME ng biglang may taong nakajacket, na naka-shades at may suot pang mask ang nakabangga sa akin. TAKE NOTE: Siya yung bumangga, hindi ako. Pero imbes na tulungan ako ay tinignan lang akong nadapa sa sahig at dire-diretso ng pumasok sa loob ng building.

Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon