Kabanata I

4 0 0
                                    


👑

Marahang bumaba ang dalaga sa sasakyang kinalululanan matapos mapagbuksan ng kaniyang drayber na si Mang Caloy.

Narating na nila ang tapat ng malaking mansyon at doo'y nasulyapan ang tatlong babaeng sakanya marahil ay naghihintay.

"Iha! Maligayang pagdating!"

Masiglang bati ng may edad ng ginang na unang sumalubong sakanya.

Inilatag nito ang mga bisig na wari'y gusto syang yakapin habang ang dalawang babae namang nasa likod nito ay mabilis na nagsi pag galaw upang kunin ang kanyang mga dalahin.

Sabay nagsipagbati nang sandaling makalapit ang mga ito sakanya.

"Magandang araw ho senyorita."

Bilang sagot ay kanya naman itong nginitian. Bago muling ibinalik ang tingin sa naunang ginang.

"Kamusta po kayo?"

Nagagalak nyang bati na kaagad ding niyakap ang matandang ngayo'y nasa kanya nang harapan.

"Ikaw na ba talaga ito iha?! Diyos ko namang bata ka, dalagang dalaga ka na!"

Tila hindi mapaniwalaang salita nito na hinagod pa ang tingin sakanya mula ulo hanggang paa.

Isang malawak na ngiti ang kaniyang ipinaskil sa sariling mga labi bago mahigpit na yumakap sa matanda.

Labis labis ang kanyang naramdamang pangungulila para rito. Parang kailan lang ng iwan sya ng ginang upang dito na mamalagi sa rancho.

Hindi man kadugo ay itinuring na nya itong tunay na kapamilya. Hindi dahil sa ito ang nag alaga sakanya noong panahong walang oras sakanya ang sariling mga magulang. Kundi dahil sa tagal na nang panahon nya itong nakasama simula ng sya ay bata pa.

Sa pagtatapos sa koliheyo, napagdesisuynan ng kaniyang mga magulang na dito na manatili. Bagama't hindi nya ikinatutuwa ang planong  ito. Wala na syang magagawa kung hindi ang magbigay respeto sa desisyon ng mga nakatatanda.

Sa pagdaan ng panahon sakanyang paglaki. Napagpasyahan rin ng kaniyang mga magulang na paalisin na ang butihing ginang. Ngunit hindi naman talaga ito tuluyang pinaalis sakanilang poder bagkus ay inilipat lamang.

Matapos ang lahat. Ito ay lubos nyang ipinagpapasalamat. Dahil hindi sila iniwan ng nasabing ginang.

Lumaki sya sa kabihasnan dahil na din sa trabaho ng kanyang mga magulang. Ang lupaing ito ay pamana ng kanilang yumaong mga ninuno subalit, kahit na ngayun lamang sya napadpad sa ganitong lugar. Hindi naman lingid sakanya ang pagbabagong taglay ng kanyang bagong kapaligiran.

Ang makalumang pamumuhay.

Pansamantalang humiwalay ang dilag sa nakatatandang ginang mula sa kanilang pagyayakapan. Sinimulan nyang pasadahan ng tingin ang kabuuan ng mansyon na kanya ngayun ay tinatapakan maging ang kapaligirang dito ay nakapalibot.

Sa isang malakas na pag ihip ng hangin ay wala sa sariling napapikit ang dalaga para lasapin ang pagdampi ng sariwang hangin sa kanyang pandama.

'Is this how these place welcome me?'

The King of Madison: Meet The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon