Nagmadali kaming magkakasamang lumabas ng gymnasium si Mimi kasi eh. "Girls kinakabahan ako.." sabi ni Kristina "Gago kasi siya eh sasaktan niya tong si Al eh" sabi naman ni Mimi "Girls umuwi na kayo mas magandang siguraduhin muna natin yung kaligtasan niyo. Dali na please" sabi ko "Okay" "Manong tara na po.." "Sige mag ingat din kayo ah" "Bye guys.." sabi nung iba "Tara na nga" aya ni Kristina.
Papunta na kaming sakayan ng biglang may tumawag kay Mimi "Mimi!" sabi nung tumawag, pagkakita namin si Macky pala "Tara sa akin ka na sumabay dala ko yung motor ko. Dali!" sabi ni Macky sabay hila kay Mimi "Girls tumakbo na kayo bilisan niyo" "Bilisan niyo baka mahabol kayo nung grupo nila Kim.." sabi nung dalawa bago umalis.
"Kristina mauna ka na bilis!" sabi ko "Paano ka? Tara na.." sabi niya "Bilis!" sabi ko sabay tulak sa kaniya "Dali!" sigaw ko. Nung nakita ko na papasakay na siya saka naman ako sumunod. Kinakabahan man pero mas nanaig sa akin na maging ligtas muna yung mga kaibigan ko. Nagmadali ako sa paglakad pero bago ako makalagpas sa parking area andun sina Kim, sinubukan ko silang iwasan pero hinila niya yung mask ko "Bitch" sabi niya sabay hawak sa buhok ko at sasampalin sana ako pero tinulak ko siya pero bago pa ako makatalikod sa kaniya at makatakbo natapilok ako, mukhang nasira yung heels ng suot ko. "Puta ka!" sabi nung isang kasama ni Alexa sabay pukpok sa akin ng bato.
Nahihilo man ako pero sinubukan kong tumayo, hinawakan ako bigla ni Kim sa braso at pilit na dinadala sa di ko alam na lugar. "Halika dito.." "Bilisan mo!" "Gago yung kaibigan mo ah" sabi nung kasama niya "Aagawin mo pa boyfriend ko tarantado ka!" sabi ni KIm nakita ko na lang na tinulak niya ako papunta sa pintuan ng storage room pero napaupo lang ako.
"Hoy! kayo na bahala dito ah.." sabi ni Kim sa bandang kanan ko. Kahit nahihilo man ako nakita ko na si Justin ay binubugbog nung mga lalaking nakamaskara. Siguro tumagal yun ng ilang minuto tas dinadala na siya kianuupuan ko. "Dalhin niyo na yang dalawa sa loob." sabi nung isang lalaki.
Tinayo ako nung mga lalaki tapos binuksan nila yung storage room sabay tulak sa aming dalawa ni Justin. Nakita ko na nagdudugo yung ilong at bibig niya samantalang ako medyo nahihilo. "Nagdudugo yung ulo mo.." sabi niya "Ha?" sabi ko naman sabay hawak sa ulo ko, nagdudugo nga..
Nagkatitigan lang kaming dalawa habang nakatayo, nahihilo man ako nararamdaman ko yung galit ko sa kaniya pero naawa rin ako di ko napansin nawalan na lang pala ako ng malay..
[Kinabukasan]
Nagising ako na nahihilo pa rin at sobrang sakit ng ulo, nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga sa kaniya habang siya nakaupo at nakasandal sa pader. Inayos ko yung sarili ko at umupo sa tabi niya.
Ayaw ko man tignan tong si mokong pero di ko mapigilan eh kaya tinignan ko siya, ganun pa rin siya tulad ng dati gwapo. Maya maya pa parang nagising na siya kaya umalis ako sa pagtingin sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin pero pagkatapos nun parehas kaming tulala, tahimik lang ang lugar siguro kalahating oras ang tumagal nang biglang bumukas yung pinto.
Yung janitor ang nagbukas, "Diyos ko po! Anong nangyari sa inyo ha?" sabi ng Janitor sabay takbo at pagkabalik niya kasama niya yung tindera sa canteen "Iha! Anong nangyari ha?" sabi sabay alalay sa akin. Yung janitor naman yung umalalay kay Justin.
Dinala kami sa clinic buti na lang at nandoon yung nurse at paparating na daw yung doctor. Nakahiga ako nun at nakaupo naman siya malapit sa akin, nakita ko na suot niya yung binigay kong kwintas maya maya pa hinawakan niya yun at tumingin sa akin. (Napansin ata niyang nakatingin ako! aarrggh!) sabi ko sa isip ko
After 10 minutes dumating na yung doctor at binigyan na kami ng gamot "Mauna na po ako baka hinahanap na ako nung lola ko.." sabi ko sa babaeng doctor "Sige iha mag-ingat ka" sabi ng school doctor. "Bye.." mahinang sabi ko sa kaniya "Sorry.." sabi niya sa akin.
Nakita ko na lang ang sarili kong naiiyak sa nangyari at nagaganap sa akin, hahawakan ko sana yung kwintas ko nang mapansin kong wala, di ko suot. Pagkalabas ko ng school nakita ako nung mga janitor at nagtanong kung anong nangyari pero sinabi ko na wala yun at nagmadaling pumunta na sa sakayan.
Bago pa ako makalagpas sa parking area nakita ko yung kwintas ko malapit sa storage room, pinulot ko at tumuloy na sa sakayan.
Kung ano man ang nangyari sa amin kagabi siguro hindi ko matatago naging mas vain ako hindi dahil si Justin at Kim na pero dahil sa nangyari sa amin, Mahal kaya niya ako? Kasi ako, mahal na mahal ko siya..
Siguro dapat na kong mag move forward kasi marami pang mangyayari at hanggang ngayon hinihiling ko pa rin na dumating yung oras na maging kaming dalawa na, masaya at magkasama..
Para na rin sa mga nabigo sa pag-ibig ituturing ko na kung mangyayari sa amin ang happy ending mabibigyan ko ng justice ang mga taong piniling hindi ipaglaban ang taong mahal nila. Dahil naniniwala ako na hindi mo dapat pakawalan ang taong mahal mo lalo na kung mahal ka rin niya pero siguro ganun talaga there is "right love at a very wrong time :("
Ending..
“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso…
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal..” - Bob Ong
BINABASA MO ANG
Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)
Teen FictionA story of love that happened years ago. About someone's greatest "first love".