Special Chapter 1 (Mimi, the Bestfriend)

165 1 0
                                    

Nanggaling ako sa isang hindi gaanong mayamang pamilya, nakakaluwag naman pero minsan kailangan talagang magtipid. Maraming mga katulad kong kabataan na nagsusumikap sa pag-aaral hindi lang para matulungan ang pamilya balang araw kundi dahil mayroon ako o tayong pangarap.

Ako nga pala si Miranda Del Rey, "Mimi" for short, 14 years old na at turning 15 this coming May 25, 2008. 3 weeks na lang at magpapasukan na, excited na ako at masaya kasi scholar ako ng school na papasukan ko parang exclusive type siya pero private lang daw. 

Isa po akong matapang na babae, loka loka daw, pranka, palakaibigan, maasahan at sinisigurado ko sa inyo na kapag friend niyo na ako ipagtatanggol ko kayo! Oha.. ganiyan po ako pasensya na kung medyo parang ewan hahaha.

[June 2008]

Pasukan na, unang araw pa lang kakapagod na agad andaming kalokohan ng school pero kaya pa naman. Natatawa ako kasi ang ingay ko agad feeling close ako sa adviser namin si Ms. Ella, dalaga pa daw siya at kakagraduate lang niya this year at kami ang first class na ihahandle niya, katuwa lang lahat kami freshies! 

Di ako masyadong nakapagingay sa room siyempre medyo pahiya effect pa daw muna kaya eto parang nanghina tuloy ako hahaha. 

Para sa isang katulad ko na marami ang naiinis pero siguro marami rami rin naman ang nagmamahal as in friends ah hindi boyfriend wala pa kasing nakakapagpatahimik sa akin eh sana nga magkaroon eh naghihintay pa, ang pag-ibig ay isang giyera na ang nanalo lang ay yung mga nakatadhana nang maging para sa isa't isa siguro sabihin na lang nating mas naniniwala ako na meron talagang tao para sa isang tao at kung hindi talaga sila ang inilaan ng diyos na maging magkasama panghabang buhay kahit gaano pa sila katagal maging magkasintahan maghihiwalay din yan!

After almost 6 months..

[December 2008]

It was our christmas party ng papunta na ako sa gymnasium, halos tumatakbo na ako kasi may program pa kami at may attendance daw yun tong mga pakana ng mga teacher eh haha (ang kulit ko kainis lang)

Malapit na sana ako sa entrance ng gym ng bigla akong nadapa yung tuhod ko biglang nagdugo at ito namang mga dumadaan (hayup!) di man lang ako sinubukang tulungan. Sinubukan kong tumayo pero mapapaupo sana ako ng may biglang umalalay sa akin hindi ko siya kilala pero (infairness hahaha) ang gwapo niya. "Miss, anong masakit sayo?" sabi niya "Etong tuhod ko.." sabi ko "Tara sa clinic" sabi niya "Paano yung program?" sabi ko naman na pinipigilan siya dalhin ako sa clinic "Okay lang yan wala naman yan eh wag kang magalala" sabi  naman niya sabay ngiti sa akin bigla akong nahiya, (for the first time ata :D) 

Nakarating na kami sa clinic at wala yung nurse dun "Teka.." sabi niya pagkatapos akong iupo dun sa kama sa clinic, mukhang tumitingin siya ng ipapanggamot dito sa sugat ko "Marunong ka?" sabi ko "Oo naman, ako pa!" sabi niya, napangiti na lang ako..

Siguro mga 10 minutes lang at nagamot niya ako, konting lagay ng panlinis at band aid. Okay na sana ang lahat kinikilig na eh, "Dre!" sabi nung lalaking pumasok "Tara na bilis.." sabi pa ng isang bagong pasok din sa clinic "Sige, miss hintayin mo na lang yung nurse, bye.." sabi niya sabay takbo nila "Teka hoy!" sabi ko (tatanungin ko pa nga pangalan mo eh, tsk..)

Ilang sandali lang at dumating na yung nurse, kinamusta niya lang ako at tumuloy na ako. Pagkarating ko naman sa gymnasium may sumasayaw at si pogi kasama dun (kaya siguro tinawag siya kanina)

Sana malaman ko pangalan nito nako ah, 1st year pa lang in love na agad! Ano to maagand buntis? hahaha. Pero ang galing niyang sumayaw ah, sexy style. 

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa gitna ng court pagkatapos nilang sumayaw at nakita ko siyang napangiti sa akin at yung buong student body pinalakpakan ako hahaha (nakakahiya)

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon