Naglalakad ako ngayon ng nakayapak sa gitna ng kalsada ,6:00 P.M palang pero wala ng nadaan na sasakyan sa paligid
'kaya naman pabor rin sa akin ito para feel na feel ko ang paglalakad sa gitna ng kalsada ^.^
Pero nakakatakot padin ang paligid lalo nat may mga bampira dito sa lugar namin, Pero kung kakainin nila ako ay ayos lang! Iyon naman talaga ang pakay ko dito kung bakit ako naririto at pagala gala na parang si dora eh!
'Gusto ko ng magpakain sa bampira
Para matapos nadin ang paghihirap kong ito!
"Gutom na Gutom nako, Kelangan na nating humanap ng makakain "
Nagulat ako ng may marinig akong nag uusap hindi kalayuan sa akin,naglalakad sila papunta sa direksyon ko kaya naman dali dali akong nagtago sa likod ng poste nitong ilaw na sige sa Pagpatay-sindi
Malapit na sila sa akin kaya naman halos pigil hininga nako !
"Wait parang may naaamoy akong tao"Rinig kong sabi nung isang lalaki doon sa kasama niyang babae
'Paktay!
Wala ng atrasan to tutal ito naman ang pakay ko dito
Hinanda ko ang aking sarili, huminga ko ng malalim at dahan dahang umalis sa kinatataguan ko saka humarap sa dalawang bampira
Halos manlumo ako ng makita ko ang kanilang mga itsura
'Mapupulang mga mata at may matutulis na pangil na nakalabas ang aking nakikita
Pero hindi makakaila ang kagandahan at kagwapuhan nilang taglay kahit ganyan ang itsura nilang dalawa
Mukhang kelangan ko ng tanggapin ang aking kamatayan
Ginusto ko to ehh! Kaya paninindigan ko ,Total kahit umatras pako ay wala na akong takas
"Kainin niyo ako"matapang kong wika sa kanila
Pero sa loob loob ko halos mangiyak ngiyak nako sa katangahan ko
Arghh!
Tumingin silang dalwa sa akin at tila ba kumislap ang kanilang mga pangil
Dahan dahan silang lumapit sakin
Saka bumulong
"Your Wish is our command" sabay nilang sabi sakin
At nararamdaman ko na ang mainit nilang hininga na dumadampi sa aking leeg
"W-wait lang "sabi ko
Well gusto ko lang na ma aware sila
"ANO?"sabay nilang sabi na may halong inis dahil nabitin sila at hindi agad natuloy ang pagkain sakin
"Ahh.. Ehh, Gusto ko lang sabihin na baka hindi kayo mabusog sakin, kasi may Leukemia ako kulang ako sa dugo, You know baka onti lang masipsip niyo sakin" Seryoso kong sabi
Bakit? Totoo naman diba?
"Ok lang " Sabi nila
Saka linapit muli ang kanilang mga pangil sa aking leeg
Napapikit nalamang ako
"Ibigay niyo nalang sa akin iyan"
Napamulat nalang ako ng mata ng makarinig ako ng boses
"Sige po Mahal na Aziar " Sabay na sabi nung dalawa
Nakalayo na pala sila sa akin
"Mauna na po kami " Dugtong nila saka yumuko
Nagulat nalang ako ng bigla silang naglaho
Napatingin ako dun sa lalaking Mahal na Aziar daw?
Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ito Napakagwapo nito sa suot niyang itim na jacket na may puting V-Neck na panloob at pantalon Simple pero Swabe *.* Matangos na ilong, Mapupulang labi at medyo bagsak ang iba niyang buhok na siyang medyo nagtatakip sa mata niya In Short SOBRANG GWAPO
"Stop Staring at me " sabi nito saka tumalikod
"W-wait bampira kadin ba? " Tanong ko dito
Napatigil siya sa paglalakad
At dahan dahang lumingon at dahan dahang naglakad palapit sa akinTila ba tumigil ang ikot ng mundo at para bang kaming dalawa lang ang tao -----
Scratch that
Wala nga palang ibang tao dito
Lumapit ang mukha niya sakin naaamoy ko ang mabango niyang hininga
Shett! Ang sharap shinghutin ^.^
Napapikit nalang ako
"Oo" bulong niya sakin
Napamulat nalang ako bigla at nakita kong medyo malayo na yung mukha niya sakin
Nakakainis ano bang ineexpect ko? Na halikan ako ng isang tulad niya na inangkin na ata lahat ng kagwapuhan sa buong mundo? Arghh!
Pero halos matunaw ako ng ngumiti siya sa akin.....
Ngiting pang asar
"Oh?bat ka ngumingiti diyan? "
Tanong koTila Nakalimutan kong bampira nga pala ito kung makaasta ko!
Ngumiti lang siyang muli I mean ngumisi
Arghh nakakaiyamot talaga to
"Sabrina tumingin ka sa mga mata ko " wika nito
Kaya naman nagulat talaga ko
Pano niya nalaman ang pangalan ko?
Napatitig nga ako sa mata niya
Tila ba napako na ang mata ko sa kanya dahil hindi ko na talaga maalis ang tingin ko sa kanya
And in just a snap naramdaman ko ang pag ikot ng paligid
Nakakahilo
And all went black.
YOU ARE READING
That Vampire
VampirePaano kung magustuhan mo ang isang tao . Oh scratch that hindi nga pala ito tao sapagkat siya'y kakaibang nilalang .Nanaisin mo parin ba siyang gustuhin ?Kung malalaman mong ito ang pumatay sa iyong mga mahal sa buhay?.