Guns Of Roses

13 0 0
                                    

Paulit-ulit.
Araw araw iisa lang ang nangyayari.
Paikot ikot ang aking mundo sa araw na hindi alam ano ang halaga.
Nakakapagod at nakakawalang gana.
Ibat ibang klase nang mukha ang nakikita, may mga magkasama, may iba na hindi nakikita o nabibigyan ng importansya, may mga mukha rin na nagiisa, at meron din na sa iisang katawan madaming pinapakita na mukha. Lahat nagkukubli sa maskara.
Araw araw eto ang aking nakikita, dahilan para manghina at unti unting sumuko sa bigat ng nadarama. Pilit na hinahanap ang rason bakit at para saan ako humihinga.

Isang gabi, parang lahat naging iba. Habang nagiintay ng masasakyan pauwi galing trabaho tila nakaramdam ako ng konting pagbabago, dahil parang lahat ng bagay nagkaron ng halaga.
"Wag!!!..." sigaw ko nang aking makita ang isang babae na may hawak na isang baril at nakatutok sa isang lalaki na tila walang napapansin. Nagulat sya at ang lahat ng taong naka paligid samin.
Lumapit ako at nakiusap "please! Wag! Wag mo ituloy. Maawa ka sa kanya!!" May iba na nag sitakbuhan pero karamihan ay nagtataka at nangangamba.
Lumingon ako sa lalaki at sinenyasan na umalis na sya.
Kanya naman tong ginawa.
"Di ko alam bat mo gustong barilin yung taong yun pero sana pag isipan mo muna tong aksyon nato dahil di naman mareresulba yung problema mo sa pagpatay ng tao."
Tumawa ang babae na tila may pagka inis.
"Sira ulo ka ba? Di ko balak patayin yung taong yun!"
"Tinutukan mo nang baril tas sasabihin mo na wala kang balak patayin sya?" Pagtataka kong tanong.
"Tama."
"Please ibaba mo na yung baril mo at pag usapan natin to ng mahinahon"
Di ko alam ano tong pinapasok ko.
Isinuksok nya ulit yung baril nya dahilan para huminahahon ang mga tao at itinuloy ang paglalakad sa gilid ng kalsada.
"Ano gusto mo pag usapan?" Tanong nya
"Bat mo gustong barilin yung taong yun?"
Muli natawa nanaman sya.
"Di ko gustong patayin yung taong yun, gusto ko lang malaman ano nasa isip nya."
Baliw ba to?
Natahimik ako dahil di ko alam ano ang sasabihin ko. Delikado.
Nainip sya at unti unting lumapit sakin "sige sisimplihan ko para maintindihan mo. babarilin ko sya at malalaman ko ano talaga yung nilalaman ng puso nya."
Baliw nga to.
"Sabi na di mo naiintindohan, teka..."
Binunot nya ulit yung baril at itinutok sa naglalakad na lalaki.
Bang....
Alingaw ngaw ng baril na nagdulot na aking pagkabato.

Nakakapagtaka na sa halip na bumulagta ang lalaki e dali dali tong tumakbo papasok sa convenient store.
"Kita mo na?? Di sya namatay!"
"A-ano nangyari?" Tanong ko dahil gulong gulo ako. Sa nararamdaman ko at sa iniisip ko.
Nainis ang babae at umirap sakin.
"Osige john uulitin ko ulit sayo! Binaril ko yung tao at malalaman ko ano yung tumatakbo sa isip nya!"
Nagulat ako sa sinabi nya.
"Bat mo alam pangalan ko?"
"Kasama ka kasi sa babarilin ko"
Bang...
Sa pagkakataon naman na to isang lalaki na nasa pagitan ng trenta at kwarenta ang edad ang tinamaam. Biglang may hinugot ang cellphone na dala at may tinawagan
"Hello nak..." dinig ko sa di kalayuan
Unti unting nawawala ang aking kaba ng muling magsalita ang babae.
"Naiintindihan mo naba?" Tanong nya.
"Sa palagay ko."
"Sige aayusin ko na ang pagpapaliwanag. Ako si pia, volupia buong pangalan kaso mabaho pakinggan kaya pinaiksi ko nalang. Walang kwenta magpangalan magulang ko e, at yung nakikita mong ginagawa ko? Yun yung kakayaahan ko."
"Volupia? Listahan? Kakayahan?"
"PIA NGA SABI EHH!!" Sigaw nya.
"Oo kakayahan ko to at kailangan kong gamitin to sa mga taong nasa listahan ko"
Iniabot nya yung tablet na may mga pangalan ng taong dapat nyang barilin. Sa tabi ng pangalan e may oras na sa hula ko schedule kung kelan nya babarilin yung tao.
Inagaw nya yung tablet at may binaril nanaman sya.
Bang...
biglang umiyak yung babae na nakaupo sa convenient store hawak yung cellphone na dala.
"Ano nangyayari sa kanila?" Tanong ko dahil di ko alam ano na nangyayari sa paligid ko.
Ngumiti si pia at dun ko naisip na talaga palang ang ganda nya, halos lumiliwanag ang kutis na sobrang kinis na mas napapatingkad ng kanyang suot.
"Pag binabaril ko sila ang tinatamaan yung kaluluwa nila, yung bala ko? May kakayahan na palabasin kung ano talaga gusto at nararamdaman ng  isang tao."
"Parang si kupido?"
Umirap sya.
"Oo parang ganun na nga."
"E bat baril dala mo imbis na palaso?"
"KASE DI BAGAY SAKIN YON! At isa pa mas hot ako tignan dito."
Bang... bang...
Dalawang alingaw ngaw na tumama sa dalawang magkatabing magkasintahan na dali daling naghalikan kahit nasa pampublikong lugar.
"Ikaw ba si kupido?"
"Hindi! Mas magaling ako dun kase hindi lang pagmamahal kaya kong palabasin."
"Hindi lang?"
"Oo"
Bang...
Pagkatama ng bala sa katawan ng lalaking nasa kabilang kanto e bigla itong nagmadali na tila galit na galit. Papunta sa direksyon kung saan may dalawang magkasintahan na naghahalikan.
"TANG INA MOOOO!" Sabay sapak sa lalaking may kahalikan.
Lumingon yung galit na lalaki sa babae at sumigaw. "Manloloko! Tandaan mo to! Tapos na tayo!"
Sabay sapak sa lalaking nakahiga. Walang humpay sa pag suntok ang lalaki. Nang mapagod ito ay nagsalita. "Magsama kayo!" Utos nito sa babaeng walang magawa kundi umiyak.

"Kita mo na? Di lang pagmamahal kaya ko, kasama nadun yung emosyon, yung takbo at estado ng utak ng isang tao." Pagmamalaki nya.
"Sa pamamagitan ng baril nato? Kaya kong palabasin ano talaga nararamdaman ng isang tao at kung ano kailangan ng isip nya."
Nararamdaman? Kailangan ng isip?

"Malinaw naba?"
"Oo..."
"E ano pa problema mo?"
"May naisip lang ako."
"Ano naman yun?"
Natahimik lang ako.
"Nabaril mo naba ako?"
"Oo... madalas..."
"Pero bat parang wala akong nararamdaman?"
Sya naman ang walang imik ngayon.
"Maiba lang, pansin ko kase bat parang ako lang nakakakita sayo?"
Yumuko lang sya at nakita ko kung gano kalungkot yung kanyan mata.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Sorry..."
"Para saan?"

Bang.....

Napahiga ako sa lakas ng naramdaman ko, nawalan ng malay.
Umaga na ng magising ako. At dun ko namalayan kung gano kadungis yung damit ko.
Punit punit.
Sira-sira.
Puno ang katawan ko ng grasa.
Kumakalam na sikmura.
At luha na pumapatak saking mga mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Guns Of Roses Where stories live. Discover now