"Mommy Rhein!!" napalingon ako sa may hagdanan nang may sumigaw ng pangalan ko at isang bata ang lumilipad este tumalon sa harapan ko kaya pareho kaming bumagsak sa sahig!
Bugbog na bugbog na katawan ko huhu.
"Waahhhh Mommyyyyyy!!!" Kahit nakahiga pa kami at nakadagan sya sakin ay niyakap nya ako ng mahigpit na para bang limang taon kaming 'di nagkita.
Pinitik ko ng mahina ang noo ni Gabriel atsaka sya tumayo at pinagpagan ang sarili nya.Sinubukan ko nang tumayo pero ansakit talaga ng balakang ko huhu.
"Halaaa mommy sorry huhuhuhu" maluha-luhang sabi ni Gab
"Ayos lang baby. Ikaw naman kasi eh, bigla-bigla kang sumusulpot hahaha" sabi ko kahit namimilipt nanaman ako sa sakit.
Sabay naman kaming napalingon ni Baby Gab ng tumatakbo sila Nathan at Kuya Angelo papasok dito sa bahay.
"Anong nangyari? Sino yung sumigaw? Ano yung bumagsak??"aligagang tanong nilang dalawa. Magkapatid nga.
"Huminahon nga kayo!" sigaw ko sa kanila pero mas lalong sumakit yung balakang ko aish! Ang arte naman nitong balakang na to!
Lumapit sakin si Nathan at si kuya Angelo naman ay lumapit kay Gab na ngayon at umiiyak na.
"Ayos ka lang?" tanong nito sakin.
"Alam mo tanga ka rin eh noh? Ikaw kaya talunan ng bata na galing sa hagdan tapos tanungin ko ng ayos ka lang?" sabi ko sa kanya sabay irap.
"Nagtatanong lang eh. Ang sama mo talaga,"naka-pout naman na ani nito atsaka ako tinulungan tumayo
Iika-ika akong naglakad hanggang sa maka-upo kami sa sofa.
"Salamat" sabi ko sa kaniya.
"Mommy! Sorry po talaga hehe" pagpapa-cute ni Gab.
"Naku!Ikaw talagang bata ka! Sinaktan mo pa mommy mo! Hahaha" natatawang sabi ni kuya Angelo atsaka ginulo ang buhok ni Gab.
"Ihhh!! Kuya naman eh! Sorry na nga diba mommy???" tanong nito atsaka inambahan ako ng yakap pero para sakin more on sakal ang ginagawa nya dahil sobrang higpit nito.
"Hahaha ayos lang baby" sabi ko at niyakap sya pabalik.
"Oh tama na yang momment niyong mag-ina kuno at kakain na tayo" sabi ni unggoy kaya humiwalay na sa pagkakayakap si Gab atsaka sabay-sabay kaming pumunta sa sala.
Nang makarating kami sa sala naka-handa na ang mga pagkain kaya umupo na sila kuya Gelo at Gab sa kaliwang bahagi ng table kung saan naka-upo si Nate at ako naman ay umupo sa kanang bahagi nito. Ganyan talaga lagi ang pwesto dito sa sa kainan, laging nasa kaliwa ang mga lalaki at nasa kanan naman ang mga babae. Si tita ang nag ayos non kasi sabi nya girls are always right at dahil girls are always right nga wala ng nagawa sila tito.
"Ay nakalimutan kong sabihin umalis pala sila mama bago kayo makarating dito sa bahay dahil may emergency daw sa company" biglang sabi ni kuya.
"What?? Eh bakit ngayon mo lang sinabi! Inaantay pa naman natin sila!" si Nate yon, sino pa nga ba.
"Nakalimutan nga diba?"
"Ang ingay niyo mga kuya," saway sa kanila ni Gab na nasa gitna nilang dalawa hahaha. Kita mo bata pa ang sumaway sa kanila .
Napatahimik naman silang dalawa dahil sa sinabi ni Gab. Ayan kase daig pa bata
"Gab, baby hayaan mo na sila kumain nalang tayo," sabi ko kay Gab.
"Opo mommy!" Sabi ni Gab at nag simula ng kumain. Sinamaan naman ako ng tingin nitong dalawa nyang kuya kaya inirapan ko nalang sila at nag simula naring kumain.
BINABASA MO ANG
[Slow update]War of the past
Mystery / ThrillerLife is full of mystery, So expect the unexpected, And believe the unbelievable. Date started: December 24, 2017 Date finished: -----