Samantha's POV
Masayang nagkwekwentuhan sina Ryle at mama, habang ako ay tahimik lang na kumakain ng Meryenda naming Carbonara.
Naalala ko kasi bigla si papa. Siguro mas masaya kung nandito siya. Nasa States kasi siya ngayon, inaasikaso yung negosyo na iniwan ni lolo samin.
"Uy Sam, bakit ang tahimik mo? Katabi mo lang ako oh, Wag mo akong masyadong pagpantasyahan." Biro ni Ryle sabay subo ng pagkain nya.
Hinampas ko siya.
Ang kapal talaga.
"Wag ka ngang assuming dyan! Kumain ka na lang." Inis na sabi ko sa kanya.
Natawa naman samin si mama.
"Alam niyo ang cute niyong dalawa, bagay na bagay kayo." Natatawang sabi niya.
"Mama!" Pinandilatan ko ito ng mata. "Hinding hindi ako magkakagusto sa makulit na 'to noh!" Inis na sambit ko kay mama.
"Gwapo naman." Pang-aasar pa ni Ryle.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"At saka, lugi ka pa ba sakin? Gwapo ako, mayaman. Maraming chicks ang naghahabol sakin--aray! Bakit kaba nambabatok?" Sabi niya habang hinihimas ang ulo niyang binatukan ko.
"Kumain ka na lang kasi dyan! Hindi ka na nahiya kay mama." Pikon na sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain ko.
Mawawalan lang ko ng gana kapag pinatulan ko pa ang pang-aasar ng isang 'to.
"Binibiro lang e." Nakapout na sabi niya.
"Wag ka ngang magpakyut dyan! Hindi bagay. Mukha kang pato!" sabi ko.
"Ang gwapo ko namang pato." Ayan na naman po tayo..
"Hahaha. Ang cute niyo talagang dalawa." Tumatawang sabi ni mama.
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni mama. Balakayodyan.
--
"Maraming salamat po tita." Magalang na paalam ni Ryle kay mama.
"Sige iho, balik ka huh?" nakangiting sabi ni mama kay Ryle.
"Opo tita. Maraming salamat po ulit. Bye po tita. Bye Sam! Labyu!" Sabi niya sabay wink sa akin.
Sinamaan ko na lang ito ng tingin.
Natawa na naman si mama.
Loko talaga.
"Umuwi kana nga! Mambwibwisit kapa e." Inis na sabi ko sa kanya.
Natawa nalang siya at saka tuluyan nang umalis.
"Anak, mauuna na akong pumasok huh? Magluluto na ako ng hapunan natin." Paalam sakin ni mama.
"Sige po ma, papasok na rin po ako maya-maya." Sabi ko habang nakatanaw pa rin sa papalayong si Ryle.
Nang mawala sa paningin ko si Ryle, akmang papasok na ako sa loob ay may narinig akong isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.
"Anak.."
Napalingon ako.
"Papa.."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Novela JuvenilSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...