MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 18STEFFIE POV
Lunes na ngayon so ibig sabihin nasa school na naman ako. Makikita ko na naman ang bwesit na Octupos na iyon. Nakakainis talaga siya ng sobrang sobra. Sarap niyang sikmuraan at pektusan ang bibig dahil kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya. Di niya ba alam na sa tuwing nagsasabi siya ng ganon sa akin eh tumatambol tong puso ko. Ang kapal pa ng mukha niyang pumunta sa mansion ko.Isang araw na ang nakalipas na para akong baliw kakaisip sa mga sinasabi niya kung totoo ba iyon. Puro lang kasi siya biro at tinatawanan lang ako. Nakakapunyemas siya. Nakakapanot ng ulo. Ito naman sarili ko padala agad sa sinasabi nong lalaking iyon. Naku pasalamat talaga siya at di ko siya kaya ibalibag. Bakit nga ba? Tss. Kasalanan niya to. May nilagay siguro siyang love potion sa kape na binigay niyang noong sabado kaya ganito ang puso ko ngayon. Jusko! Sana di siya magpakita sa akin dahil kalma na ang puso ko ngayon. Di katulad nong sabado at linggo.
Tahimik akong naglalakad habang kay ingay ng paligid. Grabe! Sarap dukutin ang mga mata nila gamit ang cutter ko. Kung makatitig sa akin ang mga babaeng to parang pinapatay na ako. Ipapatay ko kaya sila. Haha char lang. Ang bait ko kaya.
Siguro dahil na naman kay Octopus kung kaya't ganyan sila. Kainin ko sila ng buhay eh. Gutom pa naman ako kasi na beast mode agad ako sa mga pinsan ko. Pinabalik ko na rin ang mga katulong sa bahay dahil mamamatay ako kaagad sa kalat na ginagawa nila. Sabi ni Tito hayaan ko nalang daw sila. Babawasan nalang daw iyong allowance nila kaya pagkasabi ko non sa kanila, nagsi-iyakan sabay pagulong-gulong ang mga garapata. Tss. Bahala sila. Allowance lang pala panakot sa kanila para sumunod sila.
"Pusa!"tawag ni Octopus na nagpakulo ng dugo ko lalo. Idagdag niyo na gutom pa ako. Shonimal! Na buhay!
Hinarap ko siyang nakakunot ang noo.
"Oh. What a nice morning you have. Nakakunot na agad ang noo mo. Plansahin ko kayo"sabi niya sabay taas baba ang kila. Pisting gago. Ugh!
"Lumayas ka Octupos. Low tide ba sa dagat kaya nakaahon ka sa lupa ngayon?! "Inis kong sabi at binilisan ang lakad habang yung mga babae at lalaki sa paligid nagbubulungan na naman na di mo matatawag na bulungan dahil nyeta naririnig ko. Kasalanan ko ba na ang links ng tenga ko na kahit bulongan naririnig ko.
Pumila na ako sa cafeteria upang umorder ng makakain at nakasunod parin ang gagon.
Nilagpasan ko siya at naghanap ng pwesto. Doon sa pinakadulo ng cafeteria. Wala pa naman masyadong estudyante dito.
'Tiis lang Steff. Huwag mo siyang pansinin. Invisible siya. Di mo siya nakikita at wala kang naririnig'
Sinubo ko ang sandwich sa bibig ko lahit nasa harapan ko pa siya tas sabay inom ng Hot Choco.
"Ang pusa mong kumain"bigla niyang sabi.
'Huwag mong patulan. Gutom ka. Baka mamatay pa siya ng maaga.'
"Tsk. Tsk. Nakakaturn off kang kumain"
"Kawawa ang pusang galang to, walang kain. Ilang araw na ba"
'Gago ka talaga. Huwag mong pansinin. Huwag talaga steff.'
"Haays. Naaawa ako sa pusang tulad mo. Hoy! Pusa! Pansinin mo naman ako."nakanguso niyang sabi. Nagpanggap pa rin ako na wala akong narinig at nakita ngayon.
Tapos na akong kumain at tumayo na ako saka naglakad sa punyetang hagdanan. Siguro pagdating ko doon gutom na ulit ako kasi dini-gest ko na sa hagdanan na ito. Bakit kasi nasa taas pa. Ipagigiba ko talaga to. Nasa taas pa talaga ang room ko.
"Pusa pusa kong sinta. Pansinin mo naman ako. Dala'y dala pag-ibig mo, sisid- "putol niyang kanta na di ko alam kung anong klaseng kanta dahil naiirita na ako sa kanya kahit pa maganda boses niya. Nyeta.! Di ko aaminin sa ugok na iyan na maganda boses niya.
"Shut up! Amputa mo naman eh! Nakakagago ka ah.! Tumigil ka. Umalis ka sa mundo ko. Huwag mo kong guluhin.!"inis kong sigaw sa kanya saka ako umakyat ng mabilis sa hagdan. Parang patakbo na nga tong pag-akyat ko. Sinisira niya talaga mood ko. Sana di nalang ako lumipat sa school na to. Di ko pa sana siya nakilala. Tss!
----
DEVOX POV
Grabe iyong sigaw niya sa akin ah. Nakakabakla. Ang sakit sa puso. Hahaha. Hays nako. Paano ako aalis sa mundo niya na sa simula't sapol ginulo niya rin ang buhay ko. Bigla nalang nagbago ang lahat nong nakilala ko siya. Di ko talaga maintindihan ang sarili ko. Galit na galit na ba siya talaga sa akin? Ikaw naman kasi Devox eh. Paano ako aalis sa mundo niya kung ang paa ko ayaw naman humakbang paalis sa sinasabi niyang mundo. I want to be part of her life. One thing that I regret to my entire life is not showing to the person that I love before she gone di ko naamin na mahal ko siya bago siya umalis. I was a child back then and this girl is the only girl that I want to be with to my entire life. Nakikita ko siya kay Steff. Di niyo lang alam na masakitin akong bata noon at nasa hospital ako ng isang buwan. There's this girl na ang sobrang ganda niya, lalo na kapag ngumiti siya. Noong inaasar ki naman at nagagalit siya sa akin,doble ang ganda niya. Para nga siyang anghel para sa akin. Siya lang ang laging kong kausap noon.FLASHBACK
"Bakit ka pala nandito?"tanong ko sa kanya."Na-confine ako rito because kailangan ko ng blood transfusion. Kulang kasi ako sa dugo. Eh ikaw?"tanong niya sa akin
Ngumiti ako ng mapait saka nagsalita sa kanya.
"Dito deperensiya ko"sabi ko sabay turo sa puso ko.
"Ang weak kasi nito. Nyahaha"tawang sabi ko at napakamot nalang siya ng batok niya.
"Ilang araw ka na rito sa hospital Vox?"tanong niya
"Malapit ng mag-isang buwan"sagot ko.
"Ah ganon ba? Ako 1 week na ako dito. Sa linggo aalis na ako rito tas pupunta na ako sa US"ngiting sabi niya. Bigla naman akong nalungkot.
"Talaga? Iiwan mo na ako"malungkot kong sabi.
"Huwag ka ng malungkot. Magkikita pa naman tayo. Malay mo balang araw ipagtagpo muli tayo"ngiting sabi niya.
"Since you came into my life I never felt any loneliness anymore. You put a light into my darkness world and gave me hope to live. I want to live because someday, kung magkita tayo di na ako payatot at masakitin. "Sabi ko saka ngumiti. Nginitian niya rin ako sabay yakap sa akin.
"Ang saya ko kasi may kaibigan na naman ako. Alam mo ba may kaibigan din ako si Ric-ric. Ipapakilala ko siya sayo kung magkita muli tayo"sabi niya sa akin saka humiwalay ng yakap sa akin. My heart beat fast,and every beating my feelings for her went deeper and deeper. When the day she was discharged, I ran fast as I could para habulin siya. I thank God dahil naabutan ko pa siya bago siya umalis
"Tef?"hingal kong tawag at sumakit narin ang puso ko.
"Vox? Aalis na ako. Makikita ko na ulit si Ric. Alam mo ba na pupunta din family niya sa US for business matter. I'm so happy dahil makakasama ko parin siya. Alam mo na man na Crush ko iyon diba?"sabi niya at tumango lang ako.
I want to say to her that I love her. Even though I was 7 years old back then when I already knew how painful love can give you. At a young age, I fall in love to girl na may ibang gusto.
"Vox? Ma-mimiss kita. Paalam na. Kailangan na naming umalis. Nice meeting you. Bye"sabi niya saka sumara ang bintana ng sasakyan nila. Nakatuon parin ang mata ko sa sasakyan na unti-unti ng naglalaho at unti-unti na ring bumagsak ang mga luha ko.
'Magkikita muli tayo Teff. Magpapagaling ako at hahanapin kita. I love you so much. Balang araw masasabi ko rin ang nararamdaman ko para sayo. But I'm afraid of the thought na baka wala na akong maaabutan.'
Yan na ang update
Thank you for reading guys
Sorry sa typos and grammar
Kindly vote and comment. Please.
-Author
BINABASA MO ANG
Meeting A Tsundere Girl
Teen FictionMeeting a Tsundere girl is not easy to deal with lalo na pag naging girlfriend mo na ito.Tsundere means (act mean and sometimes violent on the outside but is sweet on the inside). Devox Ferrer Montecar is a guy who fell in love and met a Tsundere gi...