Tula # 1

8 1 0
                                    

Araw na isinulat: Disyembre 12, 2015

Bakit

Bakit parang hindi napapagod ang ang aking mga mata na iyakan ka gabi- gabi?
Bakit parang hindi sumasakit ang ulo ko sa tuwing ika'y aking naiisip?
Bakit parang nakapiring ang aking mga mata sa katotohanan?
Bakit magpasahanggang ngayon, umaasa pa rin ako sa salitang TAYO?

Di ko pa rin lubos maintindihan
Kung bakit ako'y nagpapakabulag pa rin sa katotohanan
Kung ang mga nakapaligid na lang sa akin ay puro kasinungalingan
Na kung saan hanggang salita na lang ang TAYO

Sabi ng mga kaibigan
"Tanga siya"
"Bulag siya"
"Nasa harap na nga yung taong hinahanap niya"
Pero, lahat ng yun ay aking binalewala
Hindi pinag- tuunan ng pansin
Hinayaan
Kinalimutan

Oo, alam kong hindi ka karapat- dapat na iyakan
Dahil alam kong sobra na akong nasasaktan
Pero, hindi, hindi ko magawang pakinggan ang mga sinasabi nila
Dahil may nararamdaman pa rin ako para sayo

Pasensya na
Kahit ipagtabuyan mo pa ako
Kahit kalimutan mo pa ako
Kahit saktan mo pa ako ng paulit- ulit
Kahit maghanap ka ulit ng iba
Tandaan mo to, lagi kang may espasyo ka sa buhay ko
Kahit alam kong wala ako sayo

Sana'y ito na ang pang- lima at huling beses na susulatan kita ng tula
Sana'y ito na rin ang pang- lima at huling beses na iiyakan, iisipin at magpapakabulag ako sayo
Sana'y ito na rin ang pang- lima at huling beses na maniniwala ako sa IKAW, AKO at sa TAYO
At, sana'y ito na rin ang pang- lima at huling beses na papatayin mo ako ng paulit- ulit

Love: Make or break? Where stories live. Discover now