Araw na isinulat: Disyembre 22, 2015
Magkabilang mundo
Iniwan ang bayang aking nakalakihan
Ang Lebanon
Pilipinas ang naging destinasyon
Ng eroplanong sinakyan koMinulat ang sarili sa mga kultura at tradisyon dito
Sinanay ang sarili na bigkasin ang wikang Filipino
Nakakilala ng iba't- ibang klase ng tao
Di ko akalain na isa ka pala sa makikilala koMasasabi kong dito ko natagpuan sa Pilipinas
Ang sa tingin ko'y taglay ng lalaking hanap ko
Na hindi ko nakita sa bayang nakagisnan ko
Kaya masasabi kong iba ka sa mga lalaking nakilala koAng dami nating pagkakapareho
Pareho tayong tumutugtog ng gitara at sumasayaw
Ngunit, tayo rin naman ay may pagkakaiba
Magaling kang kumanta
Samantalang buhay ko naman ang pagrampaTayo'y nagkasundo kaagad
Bunga nun, tayo'y naging magkaibigan
Na di ko akalain na mauuwi pala
Sa matamis na pagtitinginanAng dami mong napatunayan sa akin
Nung mga panahong ayaw kong paunlakan ang iyong nararamdaman para sa akin
Ginawa mo ang lahat
Higit pa sa sapatDi rin nagtagal, ako rin pala sayo'y nahulog na
Nung una, ako'y natakot
Ngunit, ito rin ay napalitan kaagad ng galak
Nung ako'y saluhin moSa loob ng ilang buwan
Agad tayong nakabuo ng mga alaala
Alaalang alam kong sayo lang galing
Kung kaya sayo'y araw- araw ring nahuhumalingAkala ko, palagi na kitang makakasama
Akala ko, palagi tayong magiging masaya sa piling na isa't- isa
Akala ko, walang sinuman o anuman ang hahadlang sa atin
Hanggang "akala" lang pala ang lahatAko'y nabulabog
Sa balitang, sa susunod na 2 taon
Ako'y muling lilisan
At ika'y aking iiwanAlam kong masakit
Ang iwan ka
Pero, kailangan
Kahit sobrang labag sa aking kaloobanMahirap ang iwan ka
Kasi baka hindi na tayo pagtagpuin muli ng tadhana
Ayokong mawalan ng pag- asa
Na ako'y babalik paAng dapat na lang siguro nating gawin
Ay hintayin ang TAMANG PANAHON para sa atin
Dahil alam kong sa paglisan ko, masasabi kong ako'y may babalikan pa
At iyon, ay IKAW, TAYO
YOU ARE READING
Love: Make or break?
Puisi"Ako'y tutula Mahabang- haba Ako'y uupo Tapos na po". This is a compilation of my poems about love reminding you that it can either make or break you in showing it to the people important to you.