Tula # 3

2 0 0
                                    

Araw na isinulat: Hulyo 14, 2016

Ayoko

Ayoko, hindi pwede
Ayoko, kasi mali
Ayokong umasa
Ayokong masaktan

Magpasahanggang ngayon
ay hindi ko matanto
na ako pala ay may iba
ng nararamdaman para sayo
Noong una ay kaibigan lang
ang naging turingan
Hanggang sa di ko namalayan
na ang pagkakahulog ko sayo
ang kahahantungan

Di ko lubos maintindihan
Kung bakit kailangan mo pang
tumingin sa malayo para lang makita mo ang taong laan para sayo
Na para bang nakakita ka ng isang
eroplano na naglalakbay sa himpapawid

Mga nakakubling damdamin
Kailan mapapansin?
Kailan iintindihin?
Ng mga mata mong bulag
Ng mga tenga mong bingi
At ng puso mong manhid

Ngunit, para hindi na lang masaktan
ang aking puso
Ang mga damdaming iyon na nasa
aking dibdib
ay akin na lamang kikimkimin
Para hindi ko na lang mapansin
na ang mga iyon ay naglalaho
na pala na para bang isang bula

Love: Make or break? Where stories live. Discover now