Tula # 4

10 0 0
                                    

Araw na isinulat: Hulyo 14, 2016

Tunog ng gitara

Mga kakaibang nararamdaman
Nung una ay iniiwasan
Ng utak kong negatibo ang nilalaman
At ng puso kong ayaw mabiyak sa pira- piraso na para bang isang basong hindi na pwedeng gamitin pa.

Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon
Napagtanto kong wala naman palang mali sa aking mga nararamdaman para sayo
Mga nararamdaman na hindi ko sukat akalain na aking paninindigan.

Tayo'y nagsimula sa pagiging magkaibigan, hindi lang basta- basta magkaibigan kundi matalik na magkaibigan
Na para bang hindi na tayo mapaghiwalay
Tulad ng isang maliit na bata na ayaw bitawan ang kamay ng kanyang ina.

At dahil sa pagiging matalik na magkaibigan natin at sa mga bagay na ating nagawa at napagkasunduan ng magkasama sa loob ng isang taon
Ang ating mga kaklase, ang iyong mga kaibigan at ang aking mga kaibigan ay nasanay ng itanong sa akin na
"Kayo ba"?
"Anong meron sa inyo"?
Ngunit, iisang sagot lang ang tangi  kong pinanghawakan iyon ay walang tayo, walang namamagitan sa ating dalawa
At alam kong kahit kailan ay walang magiging tayo.

Nang ika'y aking makilala, mga mata'y nagningning ng mas maliwanag
Mga ngiti'y mas naging totoo at hindi maipaliwanag
Mga pisngi'y namula, kasingpula ng mga kamatis
At puso'y tumibok ng mabilis

Ang mga damdaming ito ay nagsimula
Nung itinugtog mo ang iyong gitara
Gitarang kahit pasira na
Ngunit para sayo ay may puwang pa
At sa tuwing ika'y tumutugtog
Ako'y paulit- ulit na nahuhumaling sa magandang tunog nito na naglalakbay patungo sa aking mga tenga.

Mapaluma man o bagong kanta
Ay kaya mong tugtugin
Sa aming harapan man o sa harapan ng ating klase o sa harapan man ng mas maraming tao
Ay hindi ka nahihiya
At dahil dun, aking nakita sa iyong mga masasayang mata kung gaano ka kasaya sa tuwing ika'y tumutugtog

Setyembre 21, 2015
Kung saan ang ating asignatura sa araw na yun ay "Health"
Unang beses na ako'y iyong gitarahan at kantahan sa buong klase at sa harap ng ating guro
Mataray man ako sayo nung araw na   yun, ay ramdam ko naman ang init na sensasyon na dumadaloy sa aking mga pisngi
Na para bang inuutusan ako ng mga ito na ngitian ka na at tignan ka sa iyong mga mata.
At alam ko namang kahit kailan, hindi ka nabigong pasayahin at patawanin ako kasama ang iyong gitara.

Love: Make or break? Where stories live. Discover now