Araw na isinulat: Agosto 5, 2016
C. J. G. C
Matangkad, payat
Pero hindi naman nagpupuyat
Maganda't matalino
Pero marunong pa ring magbiroUnang ekspresyon ng karamihan sa kanya'y masungit
Pero kapag siya'y kinilala mo nang mabuti'y para ka ng nasa langit
Kaya naman masasabi kong taglay niya ang kabutihan, kagandahan at katalinuhan
Na panigurado akong hanap mo sa isang kaibiganUnica Hija man sa kanyang pamilya
Hatid naman niya'y ligaya
Tatahi- tahimik iyan pero minsa'y baliw
Ngunit, ikaw nama'y maaaliwIsa rin siyang masipag na mag- aaral
Na may mabuti ring asal
Kung kaya para sa akin "Batak" ang kanyang palayaw
Na buong pagmamalaki ko namang isinisigawMasaya siyang kasama
Tunay na kasiyahan lang ang iyong madarama
Sa maikling salita, siya'y kalog
Pero, babala lang sa mga binata, nagbibinata at magbibinata diyan, iwasan sa kanya'y mahulog
YOU ARE READING
Love: Make or break?
Poetry"Ako'y tutula Mahabang- haba Ako'y uupo Tapos na po". This is a compilation of my poems about love reminding you that it can either make or break you in showing it to the people important to you.