Araw na isinulat: Agosto 15, 2016
Kaibigan
Minsan, ang sarap maging kaibigan mo
Pero, madalas masakit kasi hanggang kaibigan mo lang ako
Mahal mo ako bilang kaibigan mo
Pero mahal kita higit lang sa kaibigan koImbes na ang mga damdaming ito'y pigilan
Parang kasing mas pinili ko pang ipaglaban
Iniiwasan kong masaktan
Sapagkat ako nama'y walang karapatanHindi naman nakapiring ang iyong mga mata
Pero bakit hindi mo ako makita?
Ang iyong mga tenga'y hindi naman nakasarado
Pero bakit hindi mo maramdamang ako'y palaging handang makinig sayo?
Ako pa rin nama'y maayos na nakapagsasalita
Pero bakit hindi ko masabi sayo na mahal kita?
Ang isip ko'y tama pa rin naman ang itinatakbo
Pero bakit ang shunga ko pa rin pagdating sayo?Tatanggapin ko kung sino ang mahal mo
Ipakikita ko pa rin ang buong suporta't respeto ko sayo
Kahit alam kong hanggang dito lang talaga tayo
Alam ko namang sa aki'y may iba pa Siyang plano
YOU ARE READING
Love: Make or break?
Poetry"Ako'y tutula Mahabang- haba Ako'y uupo Tapos na po". This is a compilation of my poems about love reminding you that it can either make or break you in showing it to the people important to you.