Araw na isinulat: Oktubre 2, 2016
Nang dahil sa pag- ibig
Noong ako'y nasaktan ng dahil sa pag- ibig
Ang puso ko'y parang natusok ng di mabilang mga karayum
Ang aking mga paningin ay dumilim
Alam kong binigay ko na ang lahat
Pero, bakit parang hindi pa rin sapat?At ng dahil dun, aking napag- isip- isip
Parang ayoko ng magmahal ulit
Ayoko ng masaktan ulit
At ayoko ng maging shunga ulit sa taong hindi ako kayang mahalin ng pabalikPero, nang ika'y aking makilala
May mga kakaibang naramdaman
Nung una ay aking iniiwasan
Ng utak kong negatibo ang nilalaman
At ng puso kong ayaw mabiyak muli sa pira- piraso na para bang isang basong hindi na pwedeng gamitin pa.Mga mata'y nagningning ng mas maliwanag
Mga ngiti'y mas naging totoo at hindi maipaliwanag
Mga pisngi'y namula, kasingpula ng mga kamatis
At puso'y tumibok ng mabilis
At lahat ng iyon ay dahil sayoNais kitang pasalamatan sa lahat ng mga bagay na ginawa mo para sa akin
Salamat, dahil ako'y minahal mo ng higit pa sa sapat
Salamat, dahil binigyan mo muli ng kulay ang aking madilim na mundo
At salamat, dahil ipinaramdam mo muli sa akin kung gaano kasarap magmahal
YOU ARE READING
Love: Make or break?
Poetry"Ako'y tutula Mahabang- haba Ako'y uupo Tapos na po". This is a compilation of my poems about love reminding you that it can either make or break you in showing it to the people important to you.