05 The Congressman's Daughter

17 1 0
                                    

Dahil mabilis lang dumaan ang mga araw, dumating ang araw na aalis kami for Saint Louis Academy, tulad ng nakaplano, sumama samin si Zoe bilang replacement sa invite kay President Prof. Mallari. Isang backpack lang ang dala nito at may dlsr na nakasabit sa leeg nya. Akala ko madaming dinadala ang mga babaeng essentials?

Ang van ng university ang sinakyan naming papuntang SLA. Nagkulitan kaming pito habang tahimik at panaka-nakang kumikibo si Zoe, madalas din nitong sinisilip ang phone nya. Di ko alam pero mukha syang kinakabahan, pero kami ang magpeperform hindi ba? Hinayaan ko nalang sya.

Pagkadating namin sa academy ay sinalubong kami ng isang estudyanteng nakasalamin, mukhang kilala naman ito ni Zoe kaya sya ang nakipag-usap.

Pagkatapos kaming batiin isa-isa ay iginiya kami sa mini hotel ng SLA sa center building, doon daw kami matutulog ngayong gabi.

"Iisa lang kwarto? Paano tayo magkakasya doon?" tanong ni Column kay Zoe.

"Master Suite daw ang ibinigay, at inayos nila para magkasya ang walong tao," sagot naman ni Zoe sa kanya, tumango naman si Column sa diretsong sagot ni Zoe.

Pagkadating naming sa floor kung saan nakalocate ang master suite ay si Zoe ang nagbukas ng pinto at inabot ang spare key kay Column. Pagkapasok namin sa loob ay binati kami ng isang malaking kwarto. Nakapaloob doon ang walong single bed pero hindi mukhang dikit dikit ang mga ito. Apat na kama sa kanan at kaliwa, magkakatapat kumabaga. This room is spacious.

"Yung bathroom sa kaliwa," pagpapaalala ni Zoe at tinuro ang comfort room sa kaliwa namin.

Agad namang pumwesto sa mga kama ang mga kasama namin. Nanatiling nakatayo si Zoe at inaantay na makapwesto isa-isa, naiwan namang bakante yung dulong kama na nasa tapat ng kama ko, doon naman dumiretso si Zoe at inilapag ang backpack nya.

Busy sa pag-aayos ang lahat at napagod sa byahe, si Nathan naman tuwang-tuwa dahil katabi ng kamang pinili nya ang kama ni Zoe. Ang bakla talaga neto.

"Guys, follow up lang ako ng lunch, almost 11 na din para makakain na kayo," tumayo si Zoe, kinuha ang phone nya at tsaka lumabas ng silid.

"Ang thoughtful nya no," nakangiting sabi ni Nathan pero walang pumansin sa kanya at hinayaan syang magpantasya mag-isa.

Napansin ko naman na may kinuha si Jimin sa loob ng bag nya at nagpaalam na lalabas lang sandali.

Bakit ako lang ata ang nakahalata na sabay silang umalis dito? Bakit parang ako lang nakakakita na may connection sa dalawang yun?

Gusto ko sanang sumunod sa kanila, at nagtataka ako bakit gusto kong gawin yun. Pero pakiramdam ko mas gugustuhin ko nang manatili dito kaysa sundan silang dalawa. Ang weird lang dahil naapektuhan ako sa kanilang dalawa.

Minabuti kong tanungin si Column tungkol sa magiging performance namin para naman hindi sila ang iniisip ko. Gabi daw ang start ng event at alas otso ang performance matapos ang ibang opening speeches.

Matapos ang halos thirty minutes ay dumating si Jimin at di na ako nagtaka ng kasabay nyang pumasok si Zoe.

"Gaja guys, ready na yung pagkain sa baba," ("Gaja = Let's go, Come on" in Korean) Nakatutok sa cellphone si Zoe at di nya namalayan na tumigil maglakad si Jimin sa harap nya at bumangga sya dito. Nagsorry si Zoe at ngumiti si Jimin. Nakakaasar lang dahil walang nakapansin sa kanila maliban sakin, dahil isa isa nang lumabas ng kwarto ang mga kasama naming dahil pagkain ang usapan.

Hindi ko maintindihan bakit ako nagkakaganito. The mere sight of them interacting triggers something inside me, something that even I can't understand.

LighthouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon