Chapter 5: The Playboy's New World

29K 483 150
                                    

9am sa coffee shop…

10am pa talaga yung shift ko pero pinakiusapan ako ng manager namin na pumasok ng maaga kasi may bago daw na barista. Ako na daw muna mag-orient kasi yung naka-assign talaga para sa training niya, 11am pa raw makakapasok.

Dumiretso ako sa staff room para ayusin yung gamit ko. Hinihintay ko na puntahan ako ng manager namin at sumusulyap sulyap na din ako kung dumating na ba yung bagong barista.

After 15 minutes…

Manager: (lumapit kay Jill sa staff room) Jill, I need you outside. Pumunta ka sa counter. (naglakad palabas ng staff room)

Sumunod ako sa boss ko sa may counter. May lalaking nakatalikod. Hindi ko masyado napansin yung itsura kasi inaayos ko yung apron ko.

Manager: Jill, he is the newest addition to our staff.

Tumingala ako pagkatapos ko ayusin yung apron ko. Yung lalaking nakatalikod, humarap. Sa pagtingala ko una kong napansin yung suot niya. Mula baba, pataas…. simpleng sneakers, jeans, at plain white shi…… shit! ZANDER?!!!!!

Manager: Jill, ikaw na bahala mag-orient sakanya. Palit nalang kayo ni Ann pag dating niya mamaya. (tumingin kay Zander) Zander, she’ll be in charge. If you have questions, itanong mo lang sakanya. Any concerns, I’m sure alam na ni Jill yan. Babalikan ko nalang kayo mamaya. (inabot yung apron kay Zander) Here’s your apron. Bukas ka na mag-uniform. In the mean time, use that. Maiwan ko na kayo. (bumalik na sa office niya)

Jill: (natulala muna bago nakapagsalita) Anong ginagawa mo dito?

Zander: (sinusuot yung apron) Ahh… magsosoccer? HELLO!! Obvious ba? Magtatrabaho!

Jill: (inapakan si Zander sa paa) Alam kong magtatrabaho! Wag mo ko daanin sa pamimilosopo mo!

Zander: (iika ika) ARAY!!! Tsk! Eh gusto ko magtrabaho dito, bakit ba? Ano ba masama dun??

Jill: Magtrabaho?? Ikaw?? Para saan??

Zander: Wala lang. Wala ako magawa eh. More than a month pa bago magpasukan. Tsaka according to your manager, on leave yung isang barista niyo so you need a replacement. O diba? Meant to be.

Jill: Meant to be mo mukha mo!! Kung gusto mo talaga ng magagawa, bakit of all places dito pa?

Zander: Ikaw ba may-ari nitong coffee shop??

Jill: Hindi! (naiinis na) UGHHHH!!! Halata namang sinusundan mo lang ako eh!!

Zander: Wow! Ganda mo ah!! Sinusundan?? Sigurado ka?? And by the way, the manager…. Oh let me correct that… OUR manager said na ioorient mo ko. Parte ba talaga ng orientation dito at pawelcome sa mga newbies ang maagang pagtatalak ng trainer? Train me well Bru. Or else I’m gonna report you to Mr. Mendoza. Ewan ko lang kung di ma-boljak yung evaluation mo. (making his “in your face” smirk)

Jill: UUGGGHHHH!!!!!!

Zander: So… are you going to start this orientation o tatawagin ko na manager natin? (making his “in your face” smirk again)

Naiinis ako sa totoo lang. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya dito. Unang una mayaman siya. Hindi niya kailangan magtrabaho. Pangalawa, hindi siya sanay mapagod. Alam ko medyo ang feeling ng dating pero bakit parang pakiramdam ko binabakuran niya ko? Dahil ba kay Kyle? Kasi lagi kaming magkasama dito? I know I should find it sweet that this guy is so bothered na talagang papasukin niya tong mundo ko para lang mabantayan ako pero iba ang naiisip ko. Nanliligaw palang siya pero ganito na. So ano ‘to? Pag kami na magdidikit na pwet namin??? Kung nasan siya nandun din dapat ako at kung nasan ako nandun din dapat siya?? Wala pa man pero nasasakal na ko. Pero dahil marami pa kong bagay na mas kailangan isipin ngayon gaya ng pagkawala ng laptop ko at si mysterious letter sender, I will choose to deal with this accordingly dahil wala akong panahon para problemahin pa siya. Gusto niya magtrabaho dito? Pwes magtiis siya.

Project WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon