Chaper 5: Song

71 2 0
                                    


Nathaniel's POV

Psh! May gusto yata 'yong Jheff na yon kay Minda. Kung maka tingin e akala mo mamamatay na. Hindi naman sa may pake ako, ang sakin lang bakit ganun s'ya makatigig kay Minda eh 'di naman sila close.

E ano bang pake ko?

Andito ako ngayon sa kwarto at hindi ako mapakali, nakatungtong ang akong dalawang paa sa pader habang nakahiga ang aking katawan at nakapikit ang aking mga mata.

Tahimik lang kayo... nag iisip ako. Masyadong malalim ang aking iniisip, bakit ba kasi hiningi pa neto ang numero ni Minda? E hindi naman malayong hindi sila mag kikita at mag uusap sa paaralang iyon, hindi ba?

Nag ti-text ba kaya sila?

Ano kaya ang pinag uusapan nila?

Kasama naman ba kaya ako?

AY EWAN!

Paikot-ikot lang ang mga tanong na bumabalog sa aking isipan.

Wala akong pake. At kahit kailan ay wala akong pake!

Tatawagan ko nalang s'ya. Good idea!

Ringing...
Arminda Cute <3

"Oh?"

"San ka?"

"Saan ba gusto mo?"

"Ganda mo kausap! Ahmm... Ano gawa mo?"

"Eto nakahiga lang, bakit ikaw ba?"

"Wala nag iisip isip lang?

"Nag iisip isip? Ano naman 'yang pinag iisipan mo? Ha?"

"Hindi, wala 'to. May ka-text ka ba ngayon? Baka nakaka storbo lang ako eh."

"Ahh, oo. Si Jheff, natatandaan mo? At bakit ka naman magiging storbo? Duhh."

I knew it.

"Ahh sige bye na. Matutulog na ako. Enjoy kalang jan sa ka-text mo ahh."

"Weird. Okay! Goodbye Bestfriend! Muahh!"

"Geh!"

Ended.

S'ya nanaman ang kausap. Psh! Ewan ko sakanya bahala s'ya sa sarili n'ya bwiset!

Makatulog na nga lang!

Kinabukasan...
7:50AM

Goodmorning Everyone!

*HAYYAAAAAAAAAA!*

Ininat ko ang mga katawan ko para tuluyang magising ang aking diwa. Ansarap ng tulog ko kahit bad mood ako. Ang ganda din ng panaginip ko na hindi ko sasabihin sainyo! Akin lang 'yon.

Dumaretso ako sa CR at nag hilamos. Pag katapos ko namang mag hilamos ay bumaba na ako ng kwarto at pag baba ko ay nag kasalubong ang mga mata namin ni Mamang na hindi ko mawari kung bakit.

"Bakit?"

"Anong bakit?

"Bakit ganyan ka po makatingin, Mang?"

"Panong makatingin? OA ka."

"Oo nga, Mang. Ay ewan! Kakain na po ako."

Kumuha ako ng plato sa cabinet at kumuha ng plato, kutsara at tinidor. Kumuha ako ng isang isda at maraming sabaw. Tahimik kaming kumain ni Mamang hanggan sa matapos na akong makakain.

Friends not ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon