MSB Chapter 11

11.3K 254 31
                                    

Para 'to sa kanya kasi naman isa na rin sya ngayon sa full support para sa kalokohan na story kong ito. XDDD Thank you, Superfriend koooo. :">

Chapter 11

‘MJVillaruiz’

 

Hindi pa rin ako makapaniwalang ‘yun ang pangalan ng jersey nya. MJ? Ok na sana e, kaso bigla kong naisip na hindi lang pala ako ang MJ sa earth. -__-

Binalewala ko na lang kung ano ’yung nakita ko... sigurado naman ako na wala lang ’yun. At sure ako na hindi ako ’yung MJ! -_-

Mula dito sa kinatatayuan ko, kita ko na may mga umaalis na. Syempre, the show is over. Ano pang papanoorin nila?

Aalis na rin ako. Wish granted naman kay Shan kaya lang ako nandito. Mahirap kasi talaga syang tanggihan.

Bago ako aalis, bibigyan ko muna ‘sya’ ng isang huling sulyap.

Ang problema, ang sulyap ko, nauwi sa titig.

Sobrang saya ng itsura nya... parang gusto ko syang yakapin at makikipartey partey ako sa goal na nakuha nila.

Nung makita ko na nakikipag – usap na sya sa coach nya, umiling ako at pumikit... unti – unti kong minulat ang mga mata ko at sa kanya agad tumama ang  tingin ko.

”Bye...” nasabi ko na lang at saka ako tumalikod at nagsimula ng maglakad.

”Pwede po ba akong mag – kwento?” isang pamilyar na boses ang nakapagpahinto sa paglalakad ko.

”SUUUUURRRRRREEEEE!!!”  narinig kong sigawan ng mga tao kaya naman napalingon ako.

My Summer Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon