Si TATAY ang haligi ng tahanan.
Ang tahanang nasa kanyang kanlungan.
Kung nasaan ang kanyang mga kinagigiliwan.
Ang mga kinagigiliwang kanyang prinoprotektahan.
Kapag wala si INAY,
Siya ang nasa bahay.
Ginagawa ang mga gawaing bahay.
Pati na rin ang pagawa ng tinapay.
Maton man siyang ituring,
Sa loob nama'y para siyang bading.
Ang maton na animo'y praning,
kapag ika'y wala sa piling.
Si TATAY ang super hero ko.
Sa tuwing ako'y nakararamdam ng takot,
Siyay aking tinatawag,
"Tay hug mo ko.."
Kapag nakita ka naman ng tatay mong kumikeringkeng,
magtago ka na sa saya ng nanay mo,
dahil hindi lang sermon ang abot mo,
kundi pati na rin grounded ang mapala mo.
Si TATAY man ay strikto.
Si TATAY man ay masungit.
Si TATAY man ay lageng nasa trabaho.
Ang lahat ng ito'y para rin sa iyong kinbukasan.
At ang tulang ito ay para sa ating mga TATAY.
Mga TATAY na handang ibuwis ang buhay,
para lang mapabuti ang ating kinabukasan.
Naway atin silang pasalamatan.
----------------------------------------------------------------------------------
TATAY, DADDY, PAPA, ERPAT at kung anu-ano pang tawag natin sa ting mga AMA .... paki bati naman ako ng "HAPPY FATHERS DAY"... maraming salamat.. ^___^
--> maetot <3