Kabanata 8

7 0 0
                                    

Kabanata 8



At dahil nasa kalahati na kami ng shooting, hindi ko napansin na nasa pinakanakaka-ilang na scene na pala kami.



Kissing scene



Paulit-ulit kong binasa ang script at kinabisado ang mga linya ko. 8:30pm na ngayon at nandito kami ngayon sa isang park malapit sa school. Walang makikitang stars ngayon dahil sa makulimlim na panahon. Sinadyang ngayon magshooting at hihintayin na lang na umulan para matuloy ang kissing scene.

Shanaiah gave me a thumbs up as a sign na magsisimula na kami. Nang sumigaw si ma'am ay sakto namang pagbuhos ng ulan. Sa eksenang ito ay kakatapos lang magconfess ni Niel tungkol sa nararamdaman niya sa last scene. This time, tumakbo si Lian palayo kay Niel at naabutan siya ng ulan dito sa park.

Mabilis akong nabasa habang tumatakbo dahil sa malakas na buhos ng ulan. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang kamay ni Von sa balikat ko. Hinarap niya ako sa kanya.

"Tigilan mo na ako, pwede ba? Ayoko sayo!" umiiyak kong sabi.

"Kung ganon, bakit kailangan mo pang tumakbo palayo Lian? Bakit ka umiiyak? Bakit mo 'ko gustong lumayo?" malapit ang mukha niya sakin habang binibitawan ang mga salitang 'yon. Ang mga mata niya ay napako sa akin. Habang ang dalawa niyang kamay ay nakahawak sa magkabila kong balikat. Gaya ng nasa script ay buong lakas ko siyang tinulak.

"Hindi ako umiiyak, okay? Bakit naman ako iiyak?! Tumakbo ako dahil ayoko sayo. Ayokong mahulog sayo dahil sasaktan mo lang din ako!" lalong bumuhos ang luha ko. Mas maraming luha, mas matutuwa si ma'am. Humakbang nang dalawang beses palapit si Von saka binitawan ang linya niya.

"Pero nahulog ka na," umiling ako nang paulit-ulit habang humahakbang palayo. Nagpatuloy siya sa paglapit hanggang sa mahapit niya ang bewang ko.

"Nahulog ka na. Sinalo naman kita, Lian. I promise. I can show you that I'm better than your good-for-nothing ex-boyfriend. I swear baby. I can prove it," idinikit niya ang noo niya sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko nang lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa akin na nagging dahilan ng lalong paglalapit naming sa isa't isa.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko. Hanggang sa ang labi niya ay nakadikit na sa akin. Hindi nakalapat dahil hindi ko pa ibinubuka ang labi ko.

Kasabay ng buntong hininga ko ay ang pagbuka ng aking labi. Doon na niya tuluyang napaglapat ang mga labi namin. Unti-unti 'yong gumalaw.

The rain got heavier as if it's raining cats and dogs. Hindi naming alintana ang marahas na paghampas ng hangin sa aming katawan na dulot ng malakas na ulan. His kiss got deeper as I try to move my lips with the same rhythm with his.

I wrapped my arms around his nape and pulled him closer to deepen the kiss. He did the same as his left hand held my waist tighter and his right hand on my nape. We savored the kiss under the heavy rain and against the harsh blow of the wind. I was about to pull out from the kiss when he held me tighter then bit my lower lips but it did not hurt me. Instead, it made me think more of his lips. Again, I kissed him back for the second time around.

"Cut!"

Doon na ako tuluyang bumitaw. Muli ko na namang naramdaman ang lamig ng hangin nang maglayo kami. Malalalim na hininga ang ginawa ko dahil kinapos ako ng hangin sa nangyari. That's not my first kiss but my first long and deep kiss!

Burning ROSES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon