Ganun pala talaga yun... ganun pala yung feeling ng iniwan ka nang wala kang idea bakit ka iniwan. Hindi ba ako worth it para pagpaliwanagan. Siguro sa iba iniisip nila napaka arte ko pero masakit talaga. Yung tipong hinihiwa at pinipiga ang puso mo sa sobrang sakit. Kami yung tipo ng couple na naka LDR mode. He's from the mindanao while aq nasa Luzon. May common friends kami and we're both kasali sa isang org kaya kami nagkakilala.
I am talking about my own experience. Sa totoo lang ang tagal na nun almost 2yrs na pero yung sakit andun pa din.
Hindi ko alam kung anung nangyari bakit nagkaganon. Ang alam ko talaga ok kami.
9 days bago ang 18th monthsary sana namin ok pa kami. Ang sweet pa nya. Yung I LOVE YOU palaging sinasabi tpos may kiss pa na kasama.
One night pag uwi ko galing sa work tumatawag ako sa kanya. Di nya sinasagot naisip ko bka busy nag luluto ksi gnun yung usual na gawa nya sa gabi,kaya ang ginawa ko nagtxt na lang ako para sabihin na nakauwi na ako. Kaso hindi pa din talaga sya nagreply. Naisipan ko iload na lang sya. After ilang minutes nag txt sya nareceived nya daw yung load. Sabay tumawag din sya.
Him: Bhi, ikaw ba nag load sa akin?
Me: yes bhi
Him: Sana di muna na lang ako niload, busy lang ako kanina pero thank you bhi
Me: Ok lang ngayon lang naman kita niload ih nxt tym di na muulit yn
Him: Ok Bhi, wait lang ah,nag luluto pa ko. tska may gagawin pa txt ako after Love you
Me: Ok bhi. I love you wait na lang kitaNaghintay ako, naghintay ako hanggang mmidnight pero walang msg naisip ko siguro madami syang ginawa maghapon napagod kaya nakatulog. Ako na lang ang nag msg sa kanya.
To: Bhi
Hi bhi d k n po nag msg, nk2log ka n cgro,cge sleep na dn aq. msg mu aq pag gcng mu bkas ah? I love you, Gudnyt.. mwaaaaahh :*
The next morning:
Wala akong nareceive na txt from him, nag msg na lang aq ulet ng good morning s kanya. Buong araw ako naghintay ng message from him pero wala akong nareceive. Nag try akong tumawag pero kung hindi busy ung phone nya out of coverage area naman. Nag woworry na ako. Nag message din ako sa viber nya. The whole day wala syang paramdam sakin. Pero puro txt pa din ako sa kanya na imsg lang ako pg andun na sya. Kasi may time na hinihiram ng ate nya ung phone nya naisip ko baka di nya hawak phone nya.
After 2 days wala pa din syang paramdam. Kinabukasan monthsary na namin. Naisipan ko imessage sya sa fb nya.
Hindi ko alam kung nabasa nya ba yung message ko. Kasi nung nagcheck ako ng message after lunch hindi na ako pwede mag message sa kanya. Naka block na ako.
Nataranta na ako, nag iisip na ako,paranoid na ako after ko makita yun.
Sabi ko bakit?bakit ganun anung nangyari?May nagawa ba ako? May kasalanan ba ako? Bakit biglang nawala? Bakit walang pasabi? Di ako umiiyak kinikipkip ko lang. Wala akong sinasabihan. Iniisip ko na lang na baka gusto nya lang ng space,baka may nangyari lang di nya masabi sakin.
Umaasa ako,umaasa na mag me-message sya sakin. Sasabihing "Baby sorry kung bigla akong nawala pero andito na ako". Nung una sa messenger lang ako naka block hanggang sa after a month pati sa account nya naka block na ako.
After 4mos. to be exact nagulat ako kasi may friend reccomendation ako sa fb. Nagulat ako kasi inalis na nya yung pag block sakin. Nagulat ako kasi pangalan nya ang nag appear. Pero mas nagulat ako kasi sa profile picture nya di na sya mag isa,may kasama na syang babae. Yung smile nya ibang-iba sa smile na nakikita ko sa kanya dati. Yung smile nya makikita mo na sbrang totoo at sbrang saya na nya kasama yung babae sa picture. Nung nakita ko yun dun lang nag sink un sa akin ang lahat. Dun ko lang narealize na wala na pala akong hinihintay,wala na pala talaga sya. Na di na pala sya babalik. Iniwan nga na pala talaga ako,ayaw nya na pala sa akin.
Sana man lang nag sabi na lang sya sakin. Sana sinabi na lang nya ang totoo. Na may nakita na pala syang ibang babae. Na may iba na pala syang mahal. Hindi nya pala ako mahal.
Mag damag akong umiyak pero walang may alam na umiyak ako kasi tahimik lang akong naiyak. Swerte ko kasi ako lang mag isa sa kwarto matulog nung gabing yun. Kinabukasan nauna pamasok s trabaho mga kasama ko sa bahay kaya di nila nakita na magang-maga ang mata ko.
Pinilit ko na mamuhay ng normal parang nung mga nagdaang araw. Kagaya nung mga panahon na di ko pa alam na may mahal na syang iba. Ang hirap, sobrang hirap mag panggap na masaya pero ang totoo hindi. Yung mga ngiti na pinapakita ko sa iba alam ko hindi totoo.
Pag kasama ko ang mga common friends namin alam ko iniiwasan nila na bangitin sya. Alam nila na di ako totally ok kahit di ko sabihin sa kanila.
After 1yr akala ko ok na ako. Kasi di ko na sya naaalala,pero di pa pala. May common friend kami ang nagsabi na ikakasal na sya s girlfriend nya kasi buntis na si girl. Para akong nanghina nung nalaman ko yun, sobrang sakit ng dibdib ko,ang hirap huminga. Yung sakit na akala ko wala na andun pa pala. Iyak na naman ako ng iyak kinagabihan. Ilang buwan ako na parang wala sa sarili. Sabi ko ok ako pero alam ko hindi.
Hindi ko alam pero lumipas na lang ang mga araw parang nakasanayan ko n yung sakit. Sa totoo lang hanggang ngayon masakit pa din. Pag natatanong sya sakin sinasabi ko na lang na ok ako ayaw ko sila mag alala sakin. Sabi ko move on na ako pero hindi pa talaga.
May baby na sila. Ang balita ko nga ikakasal sila kapag nag 1yr birthday na yung baby nila.
Parang nagka phobia ako ng dahil dun. Hindi ako maganda pero may nanliligaw naman pero parang hindi ako handa na pumasok sa ganung sitwasyon. Ayoko na masaktan dahil kung masasaktan ako ulit parang hindi ko na kakayanin.
Sya may happy ending ,pero ako wala.
End-
Gaya ng sabi ko po nag share lang ako ng experience ko.
Pasensya na po kung Lame at walang kwenta yung pag kukwento ko ng sarili kong experience.
Salamat po sa magbabasa at sa makaka appreciate.
BINABASA MO ANG
My own Heart Break experience
Short StoryMasakit pa din talaga.. gusto ko lang ishare ung heartbreaks q yun lang... its in you kung gsto mu basahin wla namn pilitan.. Salamat kung babasahin mo,salamat na din kung hindi :) TRY Lang