"Ugh" hirap na hirap akong bumangon dahil sa sakit ng ulo ko. Naparami ata ang nainom ko lintek na Travis iyan!
Unti-unti akong dumilat at tuluyang napadilat nang makita ko si Mana Josie sa harapan ko."M-mana Josie?! " nakapamewang siya at nakasimangot. I'm dead!
"Aeryn? Eto ba ang ginagawa mo dito ha? " matabang ang kaniyang boses
No! I just feel like a mess last night that's why!
"No, mana Josie. I want a break that's why. Sorry po " imbes na pasagutin ko siya ay tumayo ako at niyakap siya. "I miss you po. Why are you here? " nagising ang diwa ko at naisip kung bakit at paano ako naka-uwi.
"Dumaan lang ako dito. Kasama ko si Madame. Nakita ko si Casey kanina kaya tinanong kita sa kanya. "
"Madame? Sino po? " kumunot ang noo ko.
"Madame Mendoza. Binisita niya ang mga anak niya kasama ako. Nagtatrabaho ako sa isang bahay nila " nanliit ang mga mata niya
"At nalaman ko pang si Travis at Casey ang naghatid sayo dito! " ohmen. Napatalon ako sa biglaang pagsigaw ni mana Josie and wait, Travis!?
"Whoa! Easy there Mana Jos. " tumawa ako sa pagsigaw niya
"Sorry po talaga " nilungkutan ko ang mukha ko"Bakit ka ba naglasing ha? " mag-isip ka Ae!
"Uh, nastress po ako sa school. I need a break " pilit kong nilungkutan ang mukha ko para maniwala si Mana Jos. Jusko!
"Osige. Pinagluto ko na kayo ni Casey ng almusal. Umayos kang babae ka ha! " napangiwi ako sa pagsigaw niya.
"Opo opo! " sigaw ko at lumayo ng kaunti dahil may hawak na siyang tambo.
"Osiya. Aalis na ako huwag ka ng makainom naku! " Bigla niya akong niyakap kaya napangiti na lang ako sa kaniyang balikat. "Kumain kayo ni Casey sa baba " pahabol niya tsaka bumaba. Sumunod ako upang ihatid siya sa labas. Nadatnan ko si Casey na nanonood ng movie sa sala.
Nanatili ako sa labas para hintaying makapasok si Mana Josie nang lumabas si Troye. Nanlaki ang aking mata nang naghubad siya ng T-shirt palabas ng kanilang gate.
"Shit! Troye! Magsuot ka nga ng damit! " sigaw ko sa pagkagulat.
"Oh Ae andyan ka pala " humalakhak lang siya. Shit!
"Huwag kang lalapit jusko! " this is not my first time to see abs pero jusko?! Mapangakit masyado yung kay Troye! Sa puti niya ay tumitingkad ang pawisan niyang abs na nasisinagan pa ng araw. Lintek na yan.
"Oh sorry hehe " kinuha niya ang T-shirt niya at unti-unting sinuot ito. Ang pagtaas niya sa dalawang kamay niya ay nagpapasilip sa V cuts niya.
"Tang.ina. " napatalon ako sa nagmura sa gilid ko. Nilingon ko si Casey na laglag pangang tinitignan si Troye.
"Troye wear your freaking shirt! " sigaw ni Travis na iginagulat naming lahat. Tumawa lang siya.
"Chill bro " inakbayan ni Troye si Travis. Naku, gusto kong manapak ha!
Sinimangutan ko si Travis dahil naalala ko ang ginawa niya kagabi. Dahil sa inis ko ay pumihit ako para pumasok ng bahay nang hinila niya ako.
"Where do you think you're going, lasinggera? " kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Oh what an endearment, Travis " nagpout ako at lumapit sa kaniya natalisod ako dahil sa paglayo at pandidiring pinakita niya. That's how you do it, Ae. But then, something inside my system hurts. Not good.
Ginulo ko ang aking buhok at pumasok sa gate. Hinila niya ulit ako ng malakas dahilan para mabangga ako sa dibdib niya. Walang kumikibo sa aming apat maski ang puso niya ay wala akong marinig. Habang ang akin, gusto na atang lumabas. Lumayo ako nang mapagtantong nakasando at shorts lang ako. Ghad! Kahiya-hiya!
BINABASA MO ANG
Past In The Future
Teen FictionSa unang araw ng klase ay hindi inakala ni Aeryn na makikilala niya ang lalaking hahangaan at kaiinisan niya. Perfect man na e, masungit nga lang at may nakakainis na attitude. Pwede ba 'yon? Kainisan at gustuhin pareho? O una pa lang gusto mo na ta...