Panyo

36 7 1
                                    

Iisa lang ang masasabi ko ngayon. I. AM. LATE. Ughhhh. I am so freakin' dead.

Kung hindi ko lang kasi ini-stalk yang account ni Jax edi sana nakatulog ako ng maaga.

Jax Lopez is my schoolmate and at the same time my neighbor. I have been crushing on him since I was Grade 6. Naalala ko pa nung niligtas niya ako sa mga bubuyog. Funny how it seems right?

"Miss watch your steps please." Napalakas yata yung impact ng pagkakabunggo ko dahilan para mahulog lahat ng mga gamit ko.

"I'm so sorry ma'am." I said napatango na lang yung teacher na nabunggo ko at tuluyan ng umalis. And here I am picking these freaking books and bag that I fell.

"Tulungan na kita." Oh no this can't be... Dahan dahan akong napalingon and I was right it was Jax flashing his enchanting smile.

"O-okay." I stutter. Pinulot niya lahat ng mga libro ko habang tinititigan ko siya. Ang gwapo talaga niya.

"Here. Next time be careful." Inabot niya sa akin ang mga libro ko na nahulog pero hindi ko tinanggap dahil nakatitig pa rin ako sa kanya.

"Staring is bad." He said while smirking. Mas lalo tuloy lumiit ang mga mata niya.

My eyes widened. Umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi dahilan para mamula ito.

Gosh! Nakakahiya. Tumakbo kaagad ako dahil number one late na ako at number two nahuli niya ako na nakatitig sa kanya.

Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon dahil baka madagdagan pa ang kahihiyan ko.

Nahanap ko naman ng mabilis yung classroom ko. Dahan dahan akong sumilip dahil baka andyan na si Sir Viray.

Napahinga ako ng maluwag dahil wala pa si sir yes! Ginala ko ang paningin sa buong classroom para hanapin si Yoana.

"Jill tabi tayo dito, oh." Kinawayan niya ako at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Napangiti ako. "Dumating na ba si Sir?" Hinihingal na tanong ko. Paano ba naman tinakbo ko itong building dahil sira ang elevator.

"You're lucky! Wala si Sir ngayon!" Napatili pa niyang sabi.

Yoana is definitely beautiful. Bukod sa mala-model niyang katawan ay siya ring kinaganda ng kanyang mukha. She's a head turner. Madami rin ang nanliligaw sa kanya ngunit ni isa sa mga ito ay wala siyang sinagot.

Taliwas naman ito sa itsura ko. Hindi naman ako pangit. Simple lang kumbaga. Nakatali lagi ang lagpas balikat kong buhok at simple lang manamit.

"Halika punta tayong cafeteria. Libre kita." Hinila niya ako kaya hindi na ako nagpumiglas pa.

"Ang dami mo nang nililibre sa akin, Yoana." I said.

"What are friends for diba?" Nakangiting sabi niya.

Naghanap kami ng table at mabuting na lang meron pang bakante. Sa pinakasulok kami nakapwesto.

Umorder ako ng steak with rice and burger. Samantalang Lemon juice lang kay Yoana.

"Kain ka nga ng madami ang payat payat mo na, oh."

"Okay lang busog pa naman ako."

"Ikaw bahala masarap pa naman itong steak." Isinubo ko ang kutsara ng dahan dahan at nginuya ko ito na parang takam na takam.

Napalunok tuloy si Yoana. Nagwork siya yes!

"Sige na nga, mukhang sarap na sarap ka e." Sumusukong sabi nito.

"Ako na lang mag-oorder tutal nilibre mo naman ako."

"Sige. Thank you Jill."

Pumunta na ako sa counter para mag-order. Hanggang sa may narinig akong hiyawan.

"Bro, liligawan mo ba talaga siya?"

"Yup, pupunta ako mamaya sa room nila." Oh no! Kilalang kilala ko 'tong boses na ito.

Bumalik agad ako sa table namin baka maabutan pa niya ako.

"Jill? Okay ka lang ba't parang nakakita ka ng multo?" Nag-aalalang tanong ni Yoana.

"W-wala. B-bilisan na lang natin kumain."

"Sure ka ha?" "O-oo." Nauutal na sabi ko. Nang dahil sa pagmamadali ko nabuhusan ng sauce ang damit ni Yoana.

"Hala! Sorry Yoana. Teka may panyo yata ako dito." Dali dali kong hinugot sa bulsa iyong panyo pero nagtaka ako dahil wala ito. Hanggang sa naalala ko na nahulog ko pala lahat ng gamit ko kanina.

Siguro naiwan ko sa hallway, sana nandoon pa. Favorite ko pa naman na panyo 'yon.

"It's alright may extra t-shirt naman ako sa locker." Yoana said while she smiles reassuringly.

-

"Class dismissed." Prof said. Hay! My most favorite part of the day, dismissal.

"Tara na?" I said to Yoana while I am arranging my things.

"Mamaya muna maaga pa naman e." Sabi niya habang tinitignan ang relo niya.

"Oy, Jill may naghahanap sayo!" Pasigaw na sabi ng classmate ko.

"Sino?" Nagtatakang tanong ko. Wala naman kasi akong sinabihan na pumunta sa room.

"Ako." Oh crap! Si Jax. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. What is he doing here? Si Jax na lang ang lumapit sa akin dahil hindi pa rin ako makaalis sa pwesto ko.

"Clumsy girl." Natatawang sabi niya. Sumilip tuloy yung dimples sa pisngi. Inabot niya ang panyo.

"T-thank you." Nanginginig kong inabot ito. Naramdaman ko tuloy ang malambot niyang kamay.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng nginitian niya ako."May sasabihin pala ako sayo. Pwede bang ibulong ko na lang?" Nahihiyang sabi niya.

Namula tuloy ang pisngi ko sa sinabi niya. "S-sige."

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan.

Hanggang sa nanlamig ang aking katawan ng marinig ko ang sinabi niya.

"Sige." Mahina kong sabi.

Pumunta ako sa malapit na bench. Mas lalong sumikip ang dibdib ko ng maalala ang sinabi ni Jax.

"Pwede mo ba akong tulungang manligaw kay Yoanna?"

Hindi ko namalayan na tuluyan na palang bumuhos ang kanina ko pa pinipigilang mga luha.

Inilabas ko ang panyo na inabot kanina ni Jax. Napangiti ako ng mapakla. Ipinunas ko ito sa mga luhang patuloy pang dumadaloy sa mukha ko.

Hindi ko akalain na magagamit ko pala ang panyong 'to. Sa hindi inaasahang paraan nga lang.

Panyo [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon