BESPREN KITA BESPREN MO SIYA

17 2 1
                                    

Hi bespren kong maganda
Na Para ring kapatid ko na
Pakinggan mo tong munting Tula ko Para sayo
Nang  sa gano'y maintindihan mo ko

Sabi mo magulo
At ako'y biglang nagbago
Pero ngayo'y malalaman mo
Kung anong nangyari satin

Mula simula
Noong nagkita tayo
May kakaibang koneksyon na agad na nabuo
Walang makapag hiwalay satin
Kahit ano at sino

Pero bakit noong dumating siya sa buhay natin
Yung mundo ng pagkakaibigan natin biglang gumuho
Lahat ng Plano at alala
Binura mo

Akala ko madadag dagan tayo
Pero ang nangyari ay inalis mo ko
Itinaboy at kinalimutang tuluyan

Habang tumatagal mas lalong di tayo naguusap
Di na rin nagkakasama dahil ang panahon mo ay para Lang sa kanya
Okay lang na magkaroon ka ng kaibigan
Pero sana naman walang kalimutan

Miss na miss na kita bespren
Bumalik ka na sana
Gusto na kita mayakap ulit
Gusto na kita makasama ulit
Sana Kaya pa nating ibalik yung dati
Yung mga panahong ikaw lang at ako
Mahal Parin kita pero sana mahalin mo rin ako
Tanggap kita ano man ang mangyari
Pagbumalik ka sakin tatanggapin kita't patatwarin

Miss na miss na kita bespren nasan ka na ba?
Bumalik ka na sana
I love you Bespren

SPOKEN WORDS(HUGOT VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon