May crush kasi ako. Magkaiba nga lang kami ng section. Sa School kasi namin (public School) may sectioning.
Nakilala ko siya sa group chat ng buong Grade 7 at that time kasi nagloloko Phone ko eh nagbaback read ako accidentally ko na-clear yung nickname niya. Nag-sorry ako tas tinanggap naman niya.
Di ko lang alam kung bakit pero bigla ko na lang naisip na I-stalk siya. Di naman ako stalker pero parang may naramdaman ba naman akong kakaiba kaya naisip ko man stalk.Nung tingnan ko Fb niya pogi naman talaga. Sinave ko lahat ng pictures niya sa phone ko tapos wallpaper ko pa nga yung profile picture niya eh.
Pagpasok ko sa School nung monday hinahanap ko siya tapos mali pala yung section na pinaghahanapan ko. Kinuwento ko sa beshie ko kasi natural lang naman na I-share ko lahat sa kanya eh. Tapos kilala pala niya. Buti na lang na hindi naman kalayuan yung room nila tapos palagi pa siya dumadaan sa labas ng room.
Habang tumatagal Edi naging kaibigan ko na siya tapos palagi ko pa siya ka-chat. Palagi din siya nakatingin sakin kapag dadaan siya sa room.Nung siguro mga december 2017 binigyan ko siya ng Lollipop tsaka chocolate. Di ako nanliligaw ah sadyang gusto ko lang talaga siya bigyan. Lahat actually ng mga bestfriend ko. Nagtaka nga sila kasi di naman kami sobrang close.
Nung Christmas party nag pa-pic ako sa kanya. Tapos mga 23 ng december na yun sinabi ko na sobrang na-fall na ko sa kanya.
Ang response niya naman sakin ay may girlfriend na daw siya. Nung nabasa ko yun sobrang na break talaga ako kasi sobrang paasa siya. Sinabi ba naman niya na ang cute daw ng pic ko (my day sa messenger) tapos palagi niya ko tinitingnan. Di naman sa umasa ako pero sobrang disappointed lang ako.Sa galit ko nga bina- black mail ko siya tsaka ayoko sagutin mga chat niya. Para bang umaarte ako na kami pero kailangan ko lang talaga ng Space.
Pagpasok naman namin sa School pilit pa rin niya akong kinakausap. Ako naman todo iwas pero di ko maiwasan na tumitig minsan.
Crush ko siya pero crinash niya ung heart ko
#teamsawiakoatteamlikodsiya