Araw na isinulat: Oktubre 14, 2016
Sa huling pagkakataon
Tayo'y laging magkasama
Madalas na nakikitang nag- aasaran
Nagkukulitan at nagtatawanan
Kaya kung minsan, ang mga ngiti
Sa aking mga labi ay nabibigyan na
Ng ibang kahuluganAko ang iyong laging takbuhan
Sa tuwing ikaw ay may pinagdadaanan
Ako ang una mong sinasandalan
Sa tuwing ika'y may kailangan
Pero, kailan kaya dadating ang tamang panahon
Na hindi na lang kaibigan ang turingan?Akin pang naaalala nung ika'y umamin sa akin
Ng iyong mga nararamdaman para sa akin
Ngunit, hindi kita napagbigyan
Hindi kita pinaniwalaan
Dahil lang sa ayaw kong masaktanKung kaya't, ang pagsuyong di napagbigyan
Ay nauwi sa pagkakalabuan
Mas masakit pa rin talaga yung hindi mo sinubukang mahalin yung taong
Gusto mong mahalin ka pabalikIka'y nagbitaw ng isang pangako
"Hinding- hindi kita sasaktan"
Pangakong napako
Dahil ito'y binitiwan mo nung huling araw mo sa lugar na kung saan ang ating mga alaala ay nabuo
Sa tingin mo ba, hindi ako nasaktan nung ako'y iwan mo?
Iwan mo ng hindi nagpapaalam?!Ako'y nagngangalit
Bakit hindi ko man lang namalayan na ang lahat pala ng ginawa natin ng magkasama nung araw na yun ay HULI na pala
Huling away
Huling batian
Huling tabi sa upuan ko
Huling usapan
At higit sa lahat, ang huling himig ng iyong gitara
Sa huling pagkakataonNang ika'y lumisan
Pakiramdam ko'y may kulang
Pakiramdam ko'y di na katulad ng dati
Ngunit, kailangan
Kailangan kong sanayin ang aking sarili na hindi ka na kapiling paSa sarili'y sinabi
Na walang gaya mo
Ang dumating sa buhay ko
Para hindi na lamang mangulilala sayoAko'y nagalak
Ng pagbigyan ng Diyos ang aking hiling na makita ka muli
Kahit ilang segundo lang
Dahil para sa akin sa loob ng isa o dalawang segundong yun, sapat naNgunit ng masilayan kang muli sa mga oras na yun
Para bang ayaw lumakad ng aking mga paa papunta sayo
Ako'y hindi handa sa mga oras na yun
Hindi ko akalain na nandun ka lang pala, naghihintay
YOU ARE READING
Love: Make or break?
Puisi"Ako'y tutula Mahabang- haba Ako'y uupo Tapos na po". This is a compilation of my poems about love reminding you that it can either make or break you in showing it to the people important to you.