Araw na isinulat: Abril 24, 2017
"Ako na lang, ako na lang ulit"
Isang kaibigan ang nagpadala ng mensahe sa akin
Sabi niya'y "Ikaw pa rin"
Alam na ang patutunguhan ng usapan kaya ito'y dapat ng pigilin
Ang bigyan ka ng pagkakataong patunayan ang pagsinta'y hindi kaagad dininggin"Maghihintay ako" dagdag niya pa
Ayaw ko siyang umasa
Ayaw ko siyang masaktan
Kung kaya't ito'y hindi kaagad napagbigyanTingin ko'y espesyal ako sayo
Ako'y binilhan mo pa ng Chicken sandwich sa Mcdo
Tinanggap at kinain ko pa rin ito
Kahit na iyong regular burger Mcdo ang mas gusto koPareho tayong tao
Pero, sabi ng ating mga guro'y bagay raw tayo
Ako'y dumepensa't tumanggi
Ikaw nama'y tahimik ngunit nakangitiHindi alam kung dapat bang magpaapekto
Sa iyong sinabi tungkol sa patalastas na napanood mo
Ika'y may nararamdaman
Sa isa sa mga matatalik mong kaibiganPasensya na kung kahit hindi pumapag- ibig, ako'y maligaya
Pasensya na kung hindi pa ako handa
Pasensya na kung ang iyong mga nararamdaman para sa aki'y hindi ko maramdaman
Pasensya na kung hanggang magkaibigan lang talaga tayo at di rin talaga nakatakdang magka- ibiganUnang pagkakataon para sa ating dalawa'y dumating
Pangalawang pagkakataon, dapat pa bang humiling?
Hindi nga talaga siguro tayo nakatadhana para sa isa't isa
Ang pagmamahal at kaligayahan ay matatagpuan sa piling ng iba
YOU ARE READING
Love: Make or break?
Poetry"Ako'y tutula Mahabang- haba Ako'y uupo Tapos na po". This is a compilation of my poems about love reminding you that it can either make or break you in showing it to the people important to you.