Hi MAHAL
Tama ba ang pag-tawag ko sayo ng mahal?
Siguro nga,HINDI
Kasi,WALANG TAYO
Oo, tama ka UMASA AKO
Patawarin mo sana ako
Dahil ako yung unang umasa
PATAWAD
Pero ang tanong
Dapat ba akong humingi ng tawad sayo?
Sa tingin ko HINDI
ALAM MO KUNG BAKIT?
Hayaan mong ipaalala ko sayo yung mga araw na sobrang saya pa natin.
Naalala mo pa ba nung unang nagchat ka sakin?
Tandang tanda ko pa nun lagi kitang tinatarayan
Pero hindi mo pa talaga alam ang totoo kong ugali kaya ganun ako
Lumipas nang ilang linggo
Panay chat at tawag ka sakin nun
Naalala ko pa nga dati,bago ka matulog gusto mo munang marinig ang mala-anghel kong boses.
Nang lumipas ang isang buwan na puno ng kulitan at kasihayan
Pero tama bang kulitan lang talaga o kalandian
Nang magdesisyon kang ligawan ako
agad agad naman akong pumayag
Dahil natutunan na kitang mahalin ng sobra sobra na kahit ayoko pang aminin
Pero alam ko na ring mahal mo ko at mahal na rin kita
Oo,pakipot tayong dalawa sa isat isa
At tandang tanda ko pa nun
Lagi mo kong hinihintay sa tuwing patapos na ang klase
Habang tayo'y naglalakad pauwi
Unti-unti mong hinahawakan ang aking mga kamay
At hindi ko alam ang pakiramdam nun dahil sa sobrang kakiligan
Ngunit nang ako'y iyong tanunging "pwde na ba kitang maging girlfriend"
Hindi ko maipaliwanag ang saya at kilig dahil yun na yung pinakahihintay kong momento ma sagutin ka
Oo TAYO na.
Ang sarap pakinggan na akin ka at iyo na rin ako.
Nang, nagkita ulit tayo sinamahan kita sa mga gusto mo
At ako nama'y napansin mong sobrang lungkot ko
Ayoko lang kasing sabihin sayo nun na may problema ako at ayokong nadadamay ka
Nang nakauwi nako
Agad agad kang nagreply
" sorry hindi ako komportableng maging boyfriend mo ko "
Sorry? Hah?
Pagkatapos mo kong linigawan
Ng pagka tagal tagal tapos ganyan lang sasabihin mo ?
Nananahimik ako noon tapos gaganituhin mo lang ako?
Wala na akong magawa kundi kalimutan ka sa sobrang sakit
Alam kong masakit pero kakayanin ko to mag-isa .
Umibig,nasaktan ng sobra
Ganyan tayo eh
Kahit na paulit ulit tayong masaktan kailangan talaga nating tanggapin ito at matutunan ang ating mga pang-aral sa buhay.