Tula # 10

3 1 0
                                    

Araw na isinulat: Abril 26, 2017

Magkaibang mundo

Isang basketbolista
Isang balibolista
Mga mundo'y magkaiba
Ngunit, tibok ng kanilang mga puso'y naging iisa

Sila'y naging matalik na magkaibigan
Naging bunga ng kanilang pagiging malapit sa isa't isa'y tuksuhan
Napagtantong ang mga damdami'y hindi na mapigilan
Hindi nagtagal ay nauwi rin sa pagiging magka- ibigan

Mga mata nila'y nagningning ng mas maliwanag
Mga ngiti nila'y mas naging totoo at hindi maipaliwanag
Mga pisngi nila'y namula, kasingpula ng mga kamatis
Mga puso nila'y tumibok ng mas mabilis

Hindi lang sila patuloy na nagiging matibay sa palakasan
Nananatili rin silang matatag sa kanilang pag- iibigan
Anumang pagsubok na dumating ay kanilang tatanggapin
Buong puso at tibay nila itong haharapin

Kahit gaano man naging mahaba ang paglalakbay
Kahit gaano man naging mahirap ang daan patungong tagumpay
Paulit- ulit man silang paglayuin at paglapitin ng tadhana
Sa dulo'y matatagpuan at matatagpuan pa rin nila ang isa't isa

Love: Make or break? Where stories live. Discover now