Chapter 6: Selfish Possesion

3.9K 52 0
                                    

“Huy, magpahinga ka naman. Dumukdok ka diyan oh para makaidlip ka naman.” Sabi sa kanya ni Harmony na kasama niyang nagbabantay.

“Okay lang ako, Mona. Huwag mo akong pansinin. Gusto ko kapag nagising siya, ako ang una niyang makita.”

Pagdidiin niya. Wala siyang pakialam kung gaano siya napapagod na. Tignan lamang niya ang lalaki ay parang ayaw niyang bumitaw dito. Mas lalong lumilitaw ang kakisigan nito dahil unti unti ng bumubuti ang lagay nito.

Napatayo siya sa kinauupuan nang makitang gumalaw ang kamay ng lalaki. “Mona! Gumalaw ang kamay niya! Nakita mo ba iyon?!”

“Sigurado ka ba, Amy?”

Muling gumalaw ang kamay nito. “Ayan oh! Dali tawagin mo ang doctor.”

Sa pagtakbo ng kaibigan ay niyuko niya ito at hinawakan sa kamay. Hindi niya alam kung bakit imbes na matuwa siya ay tumulo ang kanyang luha. Masayang masaya siguro siya. Sabi nga nila ay tears of joy. Natupad ang ilang araw niyang pagdarasal. Ito ang gumising na ang lalaki.

Tumingin sa kanya ang lalaki. Inaaninag siya nito. Ang mga mata nito ay inililibot nito sa bawat sulok ng kwarto. At pumikit ulit. Lalo siyang napaiyak sa kalagayan nito. Mabuti na lamang ay dumating na ang doktor.

“Samuel, ano ang nararamdaman mo? Ako ang doctor mo.” Sabi ng doctor. Hindi pa rin sumasagot ang lalaki. Nakatitig lamang ito sa kanya. “May masakit ba sa’yo? Nasa Ospital ka. Nasagasaan ka nang iligtas mo ‘yung batang lalaki.”

Kumilos na si Amia para lumabas ng kwarto. Makasasama sa lalaki kung malalaman pa nitong ang alam ng lahat ay asawa niya ito. Mabuti ng lumayo muna siya.

“S-Sino ako...”

Napalingon si Amia sa nagsalita.

“Sino ako? Nasaan ako?!” ulit nito na parang naguguluhan.

Pinalapit siya ng Doktor dito. Dahan dahan siyang lumapit. “Ikaw si Samuel. Ito ang asawa mong si Amia.”

Mas lalong nangunot ang noo nito. “Why? I do have a wife?! Tell me! Who am I!”

Pinakalma ito ng Doktor. “Samuel, huminahon ka. Makakasama sa’yo yan. Ikaw ay may amnesia dahil sa pagkakabagok ng ulo mo. Sa ngayon ay magpagaling ka muna. Kausapin mo ang asawa mo. Hindi ka niya iniwan dito.”

Natakot si Amia na salubungin ang mga mga nito. May amnesia ito! Mas lalo siyang naawa. Lumapit siya dito. “S-Samuel...ako ang asawa mo. Aalagaan kita. Pangako..”

Nang hawakan niya ito sa kamay ay pumalag ito. “Don’t touch me!”

“Amia, mabuti pa sigurong iwan mo muna kami ng asawa mo. Mas makabubuting kausapin ko muna siya. Intindihin nalang natin siya.”

Inalalayan siya ni Harmony palabas. “Kawawa nga siya, Amy. Hindi niya alam kung sino siya. Buti nalang at hindi natin siya iniwan.”

“Salamat sa Diyos at nagising na siya, Mona. Hinding hindi natin siya iiwan lalo na ngayong may amnesia siya. Kukupkupin ko siya.”

Hinagod nito ang kanyang likod. “Malamang dahil ikaw ang kinikilala niyang pamilya ngayon. Asawa mo na siya at asawa ka na niya.”

“Tama ba itong gagawin natin? Baka mamaya may asawa na siya at pamilyadong tao pero kukunin natin sa kanya lahat iyon?” nahirapan siyang sabihin ito. Ayaw niya ang ideyang may asawa na itong iba.

“Huwag mo munang isipin iyon, Amy. Meron o Wala ay wala namang nakakaalam. Miski nga siya hindi alam, eh. Sa ngayon ay ang isipin mo kung paano ang magiging buhay mo sa pagdating niya.”

“Pero natatakot ako, Mona.”

“Sinong hindi? Pero mukha siyang mabuting tao. At saka isipin mo, sa pagdating niya maaring tigilan ka na ng Tiyang mo dahil alam niyang may magtatanggol na sa’yo. At saka para may makasama ka naman sa buhay. Hindi ‘yung laging mag-isa ka nalang sa bahay n’yo. Sa nakikita ko, napapasaya ka niyang tao niyang.”

Gusto niyang isipin ang sinabi nito. Gusto niya ang ideyang ito pero nangangamba siya talaga sa kung anong maaring mangyari. “Pero hanggang kailan siyang nasa tabi ko, Mona?”

“Hanggang sa makaalala siya.”’

“Pero baka magalit siya sa akin dahil sa pagtatago ko sa kanya? Mona, ireport nalang kaya natin siya sa pulis?”

Napapalatak ito. “Ngayon pa ba Amy?! Siyempre magtataka lahat lalo na si Samuel na bakit kailangang i-report pa siya. Asawa  mo na siya ngayon. At bilang asawa, hindi tamang ipaako mo siya sa iba.” Napaiyak siya ng napaiyak. “Amy, wag ka muna kasing mag-isip ng mag-isip. Wala pa naman siyang naalala, eh. Tsaka mo na ‘yan isipin.”

“Natatakot kasi ako, Mona....” Yumuko siya. “Natatakot akong dumating ang panahong makaalala na siya at iwan na niya ako....Hindi ko yata kakayanin.”

“Ano bang sinasabi mo?”

Hinawakan niya ang kanyang dibdib.”Mahal ko na yata siya.....”

Magre-react na sana si Harmony nang biglang dumating ang Doktor. “Misis, puntahan nyo na po ang asawa n’yo. Okay na siya at mukhang naintindihan na niya ang kalagayan niya.”

“Sige ho.” Sabi ni Harmony. “Kung kaya mong pigilan ,Amy.  Pigilan mo. Parang awa mo na. Hindi mo kilala ang lalaking ‘yan. Kung hindi, ako ang magrereport niyan sa Pulis. Sige na at puntahan mo na siya.”

Naiintindihan niya ang kaibigan. Masyado itong  nag-aalala para sa kanya. Kung sakaling tuluyan niya itong mahalin, kailangan na rin niyang matutunang pakawalan at pigilan ang nararamdaman. Pumasok ulit sila sa kwarto. Siya lamang ang lumapit sa asawa niya.

“K-Kumusta?”

“Are you really my wife?” masungit na sabi nito. Masama ang titig nito sa kanya.

“Oo. Ako si Amia.”

“The fuck! You are not even beautiful to be my wife!” Kaswal lamang na sabi nito.

Hindi siya nagpaapekto sa sinabi nito. Bukod sa dumurugo ang ilong niya sa kaka-ingles nito ay hindi niya yata kayang i-take ang panlalait nito sa kanya. “Nagugutom ka ba? Anong masakit sa’yo? Tubig gusto mo?”

“I really don’t undertand what’s happening. Who Am I? Where am I? What the hell I have this bullshit amnesia. And why I do have a wife! I feel like i don’t like a wife!” hinawakan nito ang ulo nitong may benda. “I’m such a big mess!”

Natigagal siya sa sunod-sunod na pagsasalita nito. Anong isasagot niya? “Kasi nga ano..ano...may  amnesia ka kaya kaya ganyan...”

“So, we are married ha. How come?”

Anong sabi nito? Hindi siya magaling mag-ingles. Simple lamang ang ang nalalaman niyang ingles. “Tsaka ko na ipapaliwanag sa’yo lahat. Mamaya mapwersa ka kakaisip. Baka mas makasama kayo. Hayaan mo...i-pa..ipapaalala ko sa’yo ang lahat ng tungkol sa atin.”

“What’s your name again?”

“Amia.”

“How old are you?”

“Beinte-dos na ako.”

“You look old. Anyway, how old Am I?”

“Ahm...”

Tumaas ang kilay nito. “You’re not even look like wise. What happened to me? Why  I married somelike you?  Pathetic!”

Nasaktan siya sa sinabi nito. Kumpirmadong may sinabing angkan ang pinaggalingan nito. “Treinta ka na, Samuel. Kung may kailangan ka sabihin mo lang. Dito lang ako. Sige.” Lulugo lugo siyang lumayo dito.

Pero kahit anong mangyari ay aangkinin niya ito. Kailangan lamang niyang intindihin ang pagsusungit nito. Alam niyang hindi madali ang pinagdadaanan ng asawa. Ang pagintindi lamang ang maaari niyang magawa para rito.

 

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon