Dalawang araw ng nakalabas si Samuel ng Ospital. Gaya ng dati ay mainitin pa rin ang ulo nito. Lagi nitong sinisigawan si Amia. Tumuloy sila sa kubo ng dalaga. Katakot-katok ang natanggap niyang masamang kumento tungkol sa kubo niya. Pero pasok sa isang tainga tapos labas sa isang tainga. Mahirap itong alagaan oo lalo na sa pagpapakain. Mabuti na lamang ay medyo nagustuhan nito ang lugaw na kanyang niluluto.
Kapag pinapakain na niya ito, hinahandaan lamang niya ito ng sapat na pagkain at iiwan sa lamesitang malapit sa papag na hinihigaaan nito. Mas naiiinis kasi ito kapag nakikita siya.
“Samuel, kumusta ang pakiramdam mo?”
“I’m so fucked up can’t you see!” sigaw nito.
Umupo siya sa tabi nito. Nakatingin ito sa bintana nang lapitan niya ito. “Samuel, huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Alam kong mahirap ang kalagayan mo pero sana intindihin mo rin na nahihirapan ako kapag nakikita kong ganyan ka.”
“Just leave me alone! No one is telling you to take care of me! Get out!”
Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. “Walang nagsasabi sa aking alagaan kita pero responsibilidad ko iyon dahil asawa kita. At ako lang ang mag-aalaga sa’yo. Asawa mo ako, Samuel! Nandito ako. Huwag mong solohin ang problema mo.”
“I said leave! Don’t come near me or else you’ll be dead!”
Natakot siya rito kaya tumayo na siya agad. Kailangan muna siguro nitong mapag-isa at mag-isip. Simula ngayon ay hahayaan niya muna ito. “Sige mauna na ako. Nandiyan lamang ako.”
Makalipas ang ilang minuto ay naalala niyang kailangan na rin maligo ni Samuel. Noong una ay pinupunasan niya ito pero masungit nitong sinabi na kaya na nitong maligo mag-isa. Damit lamang ang kanyang hinahanda. Ang mga damit ng kanyang Itay ang pinapagamit niya rito. Buti na lamang ay naitabi pa niya ang mga damit nito dahil kung hindi baka magtaka si Samuel kung bakit wala itong gamit doon.
Pumasok ulit siya sa kwarto nito. Nakatulala na naman nito sa may bintana. Hindi na niya ito kinausap. Nilapag na lamang niya ang mga gamit nito sa tabi nito. Aalis na sana siya nang magsalita ito.
“Can you help me remember everything?” malumanay na sabi nito kahit napipilitan lang. Effective siguro ang sinabi niya rito kanina na nasasaktan siya kapag mukha itong miserable.
“Oo naman. Pero kaya mo na ba?” umupo siya malapit dito.
“Just answer my questions.”
“S-Sige...pero basta paunti-unti lang ha.” Sabi niya. Baka kasi mahirapan na ang utak niyang mag-isip ng kasinungalingan.
“So, I am Samuel Angeles. Thirty years old. Married to you. Right?”
Tumango lamang siya. Kinakabahan siya. Kung nandoon lamang si Harmony ay hindi siya kakabahan ng bongga.
“What’s my work?”
“Da-driver ka ng isang pamilya.” Sabi niya.
“You mean, a family driver? Damn!”
“Dam? Anong dam? ‘Yung parang may tubig? Lagi mo nalang sinasabi ‘yon...” Hindi na napigilang sabihin ni Amia.
“What the! You can’t understand English? Asawa ba talaga kita?”
Napakamot siya sa kanyang ulo. “Ikaw asawa ba talaga kita? Parang nag-iba ka na mula ng maaksidente ka.” Palusot niya.
“You mean I’m not the usual me?”
BINABASA MO ANG
MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)
RomansaMarried. Hiroki hates it. Wife. Hiroki hates it more. Children. Never in his wildest dream. Hiroki has his own life. No one can dictate him. No woman can beat him. That's why when an opportunist tried to tie him, he runaway. Fate brought Hirok...