Arminda's POV"Hahahaha! Oh tapos?"
"And then she broke at me! Diba? Sa ganoong kababaw lang ay nakipaghiwalay na s'ya saakin?"
"Okay lang... Medyo naiintindihan ko naman ang nararamdaman n'ya. Babae rin naman ako kaya alam ko 'yon. Ikaw kasi eh, masyadong pabaya nakahanap tuloy ng iba hahaha!"
"Hahaha! Hayaan ko nalang sila. Kung san sila mas sasaya."
"Oo para kang si Nathan, pareho kayong broken!"
"Who's Nathan?"
"Yung lalaking kasama ko nung tinour mo kami sa SJA? Natatandaan mo?"
"Ahh yeah, I remembered!"
"Good. Pareho kayong sira ang puso!"
"Wait, I'll call you later. My mom called me."
"Ah okay. Sige, bye-bye!"
*Call Ended*
Andito ako ngayon sa terrace ng bahay at kausap ko si Jheff, simula kaninang umaga ay kausap ko 'tong conyong to.
Hindi ko alam pero kapag binabanggit ko si Nathan sakanya tila e nagiging ewan. Nito nga lang nang pagbanggit ko ng pangalan ni Nathan kesyo tinawag raw ng Mommy n'ya.
Ayoko maging assuming, okay?
Tiningnan ko naman ang 'call' sa cellphone ko at nakita ko ang maraming tawag ni Nathan sa akin.
Lagot.
Ngayon ko nalang ulit 'to nagawa kay Nathan. Matapos kong makita ang napakaraming tawag ni Nathan ay dinial ko agad ang cellphone n'ya at hindi 'to ma contact.
Lagot! Baka galit 'yon sa akin. Baka 'di ako pansinin non hays.
Naka 11 missed calls ako sakanya pero kahit isa ay wala s'yang sinagot. Ganon ba talaga s'ya kagalit saakin?
Sorry na Nathan! 'Di ko naman sinasadya ehh!
Agad akong nagbihis at pupunta ako sa bahay ni Nathan para humingi ng paumanhin, ayaw ko ng may kagalit!
Nasa harap ako ng bahay ni Nathan at nagtatangkang kakatok...
"Tao po!" malakas kong kinatok ang bahay nila Nathan at nang magbukas ito ay nakita ko ang mukha ni Aleng Teodor..
"Oh, Iha? Bakit ka nandito? Hindi ba wala naman kayong pupuntahan ngayon?"
"Ahh, oho! Pumunta lang po ako dito kasi miss na miss ko na ang anak ninyo. Nasan nga ho pala s'ya?"
"Ahh. Umalis s'ya kani-kanina lang, may kukunin lang s'ya sa kabilang kanto alam ko, napasarap lang ata ng kwento, kanina kasi wala s'yang ka-kwentuhan kanina kaya lumabas s'ya ng bahay at nag hanap ng kausap.."
Kailangan ko bang ma-guilty?
"Ahh okay po Aleng Teodor.. Mauuna na ho ako, salamat!"
Kapag wala s'yang kausap sa kanilang bahay, ako ang una't una n'yang tinatawagan nang sa gayon ay mag karon s'ya nang kalibangan. Ngayon lang ako hindi nakasagot sakanya dahil nga kausap ko si Jheff.
Hindi man lang ako ti-next ni Nathan hays.
Nathaniel's POV
Kukunin ko ngayon 'yung CD na pinagawan ko ng tono kay Kuya Jael, saktong pag karating ko sa Shop ay katatapos lang at nag-usap lang kami saglit dahil wala rin naman akong makakausap sa bahay at sobrang busy ni Minda.
BINABASA MO ANG
Friends not Forever
Fiksi Penggemar[ON-GOING] What if nahuhulog kana sa kaibigan mo nang hindi mo nalalaman? Nahuhulog ka na sa kanya habang s'ya naman ay nahuhulog sa ibang taong, hinding-hindi ikaw. Paano mo makakayanan ang nararamdaman mo para sa kanya? Is it Friends Forever or...