“Grabe ka naman Louise! Antaray mo naman! Blowout!”
“Oo nga naman. Valedictorian ka kaya! ‘Di pedeng walang handaan diba?”
Hay nako. Bakit ba nauso ang salitang ‘blowout’ sa mga na-announce na valedictorian? Psh. Ganito pala ang feeling ng ganito. =_=
Oo, ako ang tinutukoy nila na valedictorian. I am Louise Alvarez. At tama nga kayo, ako nga ang kakasabi na valedictorian lang kanina ng batch namin. Hindi ko na nga alam kung ano ang isasagot ko sa kanila the next time na aasarin pa nila ako ng ‘blowout’ at ‘maghanda ka naman’.
Bumuntong-hininga nalang ako at sinabing, “Osya, sa McDo nalang tayo mamaya. Kayong dalawa lang nila Abby lang ha!”
Humiyaw naman si Mai. “Yehey! Thanks naman Louise! Naks!”, sabay yakap sa akin.
“Congrats Louise. It was a close fight between us.”
Isang lalaki ang bumungad sa aming tatlo habang tumatambay sa paboritong tambayan naming: Garden.
Napangiti ako ng wala sa oras. “Congrats din Jimuel. Thanks for being a challenge to me.” Matapos noon, kinamay ko na siya.
Pagkaalis ni Jimuel ay todo hiyawan sina Brianna at Gabbie. “Ayiee! May pa’congrats-congrats’ pa kayong nalalaman dyan ah! Yun oh!”
“Sira ulo kayo.” Yun lang ang nasabi ko sa kanila sabay tawanan.
Kung nagtataka kayo kung sino yung lalaki na yun, siya si Jimuel Mark A. Salvador. At kung gagamitin ang common sense, siya ang salutatorian ng batch namin. Tama siya, close fight yung naganap sa amin. Mga 0.5 lang siguro yung lamang niya sa final average.
At isa pa, first love ko siya.
Cliché na kwento ng isang hopeless romantic na highschool girl yan. First year kasi kami noon. Section I siya noon habang ako ay Section II. Pagkakitang-pagkakita ko sa kanya ay crush ko kaagad siya. Kaya siya ang inspirasyon ko na magsipag ng pag-aaral. Kaya lucky enough at Section II ako noong second year. Medyo nagkaroon na ako ng infatuation sa kanya. Then third year came, bago ang JS Prom, na-confirm ko na first love ko siya. Until now.
Kaya lang, medyo na-down ako kasi bago recently, sabi niya na sa araw ng graduation ay i-susurprise niya ang babaeng gusto niya. Syempre excited ang lahat kasi isang ‘mystery’ ang babae niya dito sa school. Andami na rin kasi ang nalilink sa kanya. Mga mas maganda at mas attractive tignan. Eh ako, isang babaeng rebonded nga ang buhok, nakatali naman. Atsaka don’t forget the braces. Boom. Paano ba ako mapapansin?
Minsan nga, pinapangarap ko na ako ang sorpresahin niya sa graduation. Then, I can have the best graduation gift to receive.
Mabilis lumipas ang mga araw. At eto, graduation na. Hays, matatanggap ko na ang highschool diploma ko. Yehey! College students na kami!
Habang nasa seremonyas kami ng graduation, napansin ko lang, bakit wala pa si Jimuel? Ang alam ko ay magkakatabi ang mga honor students eh. Tsk, baka absent yun. Bahala na siya. XD
Pero noong magbibigay na ng salutatory address, nagtaka ako. Bakit nandoon siya? Teka nga Louise, kanina, gusto mo siyang pumunta pero ngayon, bakit pinapaalis mo na siya? Atsaka, siya naman ang salutatorian diba? Mamaya ka pa. Valedictorian ka eh.
Nagsimula si Jimuel. “Today is I can say a milestone in our academic life. This is the day when we receive merits for all the hardships that we endured in the four years of our high school life.”
Tumigil siya ng saglit. “First of all, I would like to thank our Lord Almighty for giving me a chance to live this life. Thank you for letting me be a salutatorian, which I am proud of. To my mother, thank you very much for raising me. Even though wala na si Dad, you still continued to raise me. To all graduates, let us thank our parents. Let us thank them for their support. To the Academy, thanks for being our home for four years. Thank you for letting us carry your name wherever we go. We will never forget that you are our alma mater. Our training ground for the future.”
Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi niya. Nag-buckle muna siya bago ipinagpatuloy ang speech. “And to my special girl there, thank you. Thank you for letting me invade your heart. Thanks for letting me love you for four years. At hindi ko papalampasin ang araw na ito nang hindi ko naaamin sa iyo ang nararamdaman ko.”
Isa ako sa mga kinilig sa sinabi niya. Hanggang ngayon, nangangarap ako na sana ako iyon. Sana, ako.
Matapos noon, nagkaroon ng isang blackout sa loob ng auditorium. Everyone gasped. Matapos noon, bumukas ang isang spotlight kay Jimuel at …………. SA AKIN?!?!?!?!?!?!
Hinawakan ni Jimuel yung kamay ko at nagsimula siyang nagsalita. Honestly, hindi ko alam kung anong nangyayari. Pakiramdam ko ay nakalutang ako at ayaw bumaba.
“Alam mo Louise, inaamin ko na isa akong barumbadong estudyante noong first year. Oo, siraulo ako noon. Pero noong nakita kita sa garden noon, ewan ko kung bakit naging inspirado akong mag-aral simula noon. Tapos, naging magkaklase tayo noong second year, tuwang-tuwa ako noon. Noong JS nga dapat ikaw ang aayain ko pero hindi ako nakapunta kasi namatay si Dad. Then, noong 4th year tayo, nalaman ko na, na mahal kita. Until now, we became adversaries sa honors. Pero okay lang sa akin yun kasi ikaw naman ang valedictorian.”
Pagkarinig ko ng mga salitang iyon ay napansin kong unti-unting tumutulo ang mga luha ko. Ang mukhang ito lang pala ang iibigin ng isang Jimuel Mark Salvador na minamahal ng lahat. Ang mukhang ito na geek, at may pagkakabisote.
Nakarinig na rin ako ng hiyawan ng muling magsalita sa Jimuel. “Louise, alam ko na pangkaraniwan etong gagawin ko.” Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko. “Louise Alvarez, will you be my valedictorian forever? Hindi lang ngayong highschool, pwedeng forever?”
Tumawa lang ako. Itinayo ko siya at niyakap. “Yes. At ikaw din ang valedictorian ng puso ko.”
Napatawa din siya at hinalikan ko na siya. Sa pisngi nga lang. Nakita ko kasi ang mga magulang ko. Todo palakpak din sila at sumigaw pa si Dad ng “Anak ko yan! Oy Louise, sa cheeks muna ah!” tumawa naman ako.
Sa gitna ng standing ovation, sinabi ko kay Jimuel:
“Jimuel?”
“Yes?”
“Thank you.”
“Thank you for what?”
“Thanks for giving me the best graduation gift ever.”
Hinalikan ko siya sa pisngi at dali-daling pumunta sa stage kasi ako naman ngayon ang magbibigay ng Valedictory address ko. Can’t wait to tell it!!! :)
FIN
----------------
Thanks for reading!!! Well, kung gusto niyo po ng mas mahaba, yung Hey Mr. Nerd, Can You Notice Me yung basahin niyo. http://www.wattpad.com/51060204-hey-mr-nerd-can-you-notice-me . That's the link. Thanks po!
Tweenstanax :)
Kung may time lang naman, please vote and comment. :) Follow me din kung pwede. KUNG PWEDE LANG. Ang hirap mamilit diba? XD.
BINABASA MO ANG
The Best Graduation Gift (One-Shot)
Teen FictionSometimes we don't need material gifts as graduation gifts. Listen to your heart and you'll know what it is. :)