Cally's POV
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Sino ba namang hindi iiyak eh iiwanan mo na yung pinakamamahal mong bestfriend dahil lilipat ka na ng school. Kita mo 12 years na kaming mag bestfriend tapos maghihiwalay din pala kayo. I know that we can use internet to communicate everyday pero iba pa rin naman kasi kung kasama mo siya araw-araw sa school. Ang drama mo Cally!! Pwede naman kayong magkita di ba. Pero pero.. Hayyss. I think we need to bonding for a week. Sabi nila maganda daw sa Palawan, so ititreat ko nalang siya!! I'm so excited. Pero isusuprise ko nalang siya. Sweet ko no. I'll need to call Lorine maybe tomorrow kasi aasikasuhin ko na yung pagpunta namin sa Palawan.
Oh b y the way my name is Cally Mae Wilson. 16 years old. Lilipat na ko ng school sabi ng parents ko nakakalungkot talaga, sa Maynila na ko mag aaral. Tiga Bacolod ako. Pinalagaan ako ng parents ko sa yaya nila dati. Si mama Rina ayokong mapahiwalay sa kanya kasi 16 years niya ko inalagaan. Tapos di manlang ako binibisita ng totoo kong parents. Sa totoong lang mas gugustuhin ko pang maging mahirap kesa mayaman. Pero hindi kami totally mahirap katamtaman lang naman. Tapos ngayon kukuhanin na nila ko GEEEZZZ ayoko😞
Hayys matawagan na nga lang si Lorine
After a few seconds sinagot na din niya
" Hello besty. Bonding naman tayo bukas oh treat ko sa Palawan please alam mo namang minsan nalang tayong magkikita eh please"
[ Besty mamimiss kita ng sobra. Sige bonding tayo. Mga ilang araw ba tayo doon?]
" One week lang naman. 7 days. My treat"
[ Oww!! Talaga besty!! ONE WEEK!! nakakahiya naman mayaman ka na ako hindi]
" Ano kaba besty hindi naman ako mayaman, ganon pa rin ako may simpleng buhay. Basta punta tayo sa Palawan ha. "
" Sige sige I'll wait for you. Mamimiss kita besty see you. Love you besty"
[Love you too besty. Sige mag- aaral pa ko ha]
*End call*
Naisip ko dapat isinama ko si Bam. Mamimiss ko din siya kahit may girlfriend na siya. Gusto ko na din namang mag move on. Crush ko kasi yon. Dalawa bestfriend ko. Si Lorine at si Basty. Yes I'm in love with my best friend. Curious kayo kung bakit Bam ang tawag ko sa kanya kasi.... Sasusunod ko nalang sasabihin ayoko ng maalala yung nakaraan umasa lang ako sa kanya. Hayyys matutulog nalang ako. I set my alarm clock at 4:00 pm.
........................................
*Cringggggggg*
Nagulat ako sa alarm clock ko ang lakas ng tunog. Bumangon na ko at naghilamos. Excited nako bukas magbobonding na kami ni Lorine. Siguro hindi ko muna isasama si Bam para mabilis na kong mag move on.
........................
Monday na what a nice day. Magbobonding na kami ni Lorine. I pack my things na nakapagpaalam na ko kina mommy at daddy na magbobonding kami ni Lorine.
*Palawan*
Grabe ang ganda pala dito. Picture doon picture dito selfie doon selfie dito. Naglalakad lakad lang kami ni Lorine hanggang sa napadpad kami malapit sa dagat. Umupo kaming dalawa sa buhangin. " Alam mo ba Lorine, pinangako sakin ni Bam na pupunta kami dito bago mag collage.. Pero hanggang ngayon di pa rin niya ko dinadala rito." Malungkot kong sabi
" Alam mo Cally kalimutan mo na siya este yung feeling mo sa kanya. PAST IS PAST. Alam kong masakit yon para sayo kasi bestfriend natin siya. Alam ko na you fell inlove with our bestfriend, pero sana tanggapin mo na may girlfriend na siya. Itulog nalang natin yan ." Sabi nya.
" Alam ko pero hindi ata kaya na kalimutan siya. Alam mo madaling matulog mahirap bumangon,ang daling mahulog mahirap mag move on" Sabi ko. Hugot lang. Choss. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa pisngi. Masakit para sakin na kalimutan siya kasi best friend ko yun eh tapos minahal ko na rin siya. Sana makalimutan ko na ang feelings ko sa kanya. Sana maka move on na ko agad.
.....................................
Two weeks na ang nakalipas noong pumunta kami sa Palawan ni Lorine. Grabe ang saya saya na may halong lungkot. Basta ang daming emotions akong nararamdaman noon.......
Pasukan na. Hindi ako excited kasi alam ko namang walang magkakagusto sakin na maging kaibigan ko. Ahhh basta bahala na mamaya. Naligo na ko't nagbihis, pagbaba ko sa sala may nakita akong isang lalaki siguro kasing age ko lang tapos kasama niya siguro yung mommy niya. Hayss basta kakain na ko ng breakfast gutom na ko eh.
Pagkatapos akong kumain nagpahatid na ko sa H.U.H school namin. Grabe ang konti palang ng estudyante pero mas ok na rin yon para makapaglibot libot muna ko school na to. 2 hours pa bago ang class ko. Syempre hinanap ko muna yung room ko para di na ko mahirapan mamaya. Pagkatapos ko pumunta sa room namin dumiretso ako sa cafeteria. Grabe yung cafeteria ang laki.
Habang naglalakad lakad ako may gumugulo sa isipan ko na para bang may nakalimutan ako. Ayun!!! yung bracelet ko. Nakalimutan kong isuot kasi nagmamadali ako. Kaya dali dali akong pumunta sa parking lot kasi laging nasa kotse yung bracelet ko. Mahalaga sakin yung bracelet ko kasi bigay sakin yon ng nag alaga sakin.
Pagkakuha ko ng bracelet ko sa kotse may narinig ako nag uusap sa isang gilid sa parking lot. Ayokong pumunta doon dahil baka may gulo don. Ayoko namang madamay. Pero, pano naman akong di makakaiwas eh malapit sila sa may gate ng H.U.H. Inintay ko silang umalis, siguro 10 minutes akong naghintay. Pero sa paglalakad ko may nakita akong wallet. Pinulot ko to. kanino kayo to? Naisip ko na baka isa sa mga nag uusap kanina dito. Kailangan kong ibalik toh sa kanila pero....... Pano nakakahiya naman eh. ..... basta ibabalik ko to sa kaniya. Naguiguilty ako na hindi ibalik eh.
Cliff's POV
F*ck ayoko pang pumasok! nakakairita. Kinausap ko ang mga tropa ko sa may gilid ng parking lot. Tungkol to sa bagong transfer. Kailangan ko siyang ilibot sa school kaya nagpatulong ako sa mga tropa ko. Bakit kasi ako pa. Ano yun??... C-cally Wilson ba yun? kinausap kasi ako ng mama niya kaya F*uck. nautusan pa ko
Hinanap ko yung Cally pero wala nagtanong tanong pa ko sa mga estudyante dito. Pero damn F*ck hindi daw nila kilala yun. Hanggang sa..................may tumawag sakin. Sh*t di niya ba ko kilala?? "WHAT!!" sabi ko pag gantong mainit ang ulo huwag niya kong gaganyanin. Pero pagharap ko sa kanya F*uck damn sh*t ang ganda niya di ko siya kilala pero she's so f*cking beautiful.
"Ahh sorry mukhang galit ka ata gusto ko lang sanang tanungin kung sa inyo ba tong wallet?" tanong niya
Teka parang akin yun ahh wait tiningnan ko yung bulsa ko pero sh*t wallet ko nga yon. F*uck nakakahiya baka sabihin niya di ako maingat sa gamit. F*ck nakakahiya talaga.
"Ahh miss akin niyan salamat" sabi ko sabay kamot ng ulo ko. Binigay niya sakin yung wallet. Nakakahiya talaga. First time kong magpasalamat sa babae. Pero sakto sa maganda pa talagang babae ako napatapat na mag pasalamat. F*ck ang swerte ko.
"Ngayon ko lang napabigay sa iyo kasi ang bilis niyo maglakad eh tapos naligaw pa ko. Sorry. Pero wala naman akong kinuha diyan. Sige alis na ko" sabi niya
Hinawakan ko yung wrist niya at sinabi ko "Wait!! Thank you ulit. Don't say sorry because it's my fault too. By the way what's your name?" masaya kong sabi.
"Ahh C-cally Willson po" sabi niya. nagulat ako sa sinabi niya Cally Willson siya yung sabi sakin ng mommy niya, at kaya pala parang hindi ko siya namumukhaan. Grabe namumula siya. siguro sa kaba. Teka bakit siya nag po po sakin. Magkasing age lang naman kami ah. Grabe ang galang.
" I'm Cliff Tristan Haeys nice to meet you"pakilala ko. Tinaas ko yung kamay ko at nag shake hands kami. grabe ang lambot ng kamay niya, pero ang lamig halata sa kanya na kinakabahan siya.
"Sige alis na po ako may klase pa po ako eh. Sige po nice meeting you po". sabi niya sabay wave ng kamay.
Grabe she's so damn beautiful.