Ito na po ang huling storya na aking ikukwento dito. Sa mga nakaraang buwan ng aking buhay, sobrang daming seryosong nangyari na halos ika baliw ko. Haha. Seryoso. Mahirap naman na bitinin kayo at pag-isipin kung may susunod pang storya o wala na kaya naisip kong tapusin na lang. Marami pa rin naman akong mga storya na isusulat dito sa wattpad kaya stay tuned lang. Haha. I want to feel you're support guys! Please vote and comment for other suggestions or kaekekan lang na message niyo. Maybe I can feel the love from someone else. Haha. Oh siya, basahin niyo na ang aking huling makapanindig balahibong storya. Muli, salamat sa pagsubaybay. ❤❤❤
Nakatira ako sa tiyahin ko sa nirentahan niyang bahay sa Malabon. Dahil galing akong probinsya at magtatrabahong muli dito sa Maynila, naisipan niya na patirahin ako sa kanyang bahay para may kasama na rin siya. Maliit lang naman ang nirentahan niyang bahay. May dalawang kwarto, isang cr, at magkatabing sala at kusina. Nasa loob lang din ang sampayan dahil daanan na ng sasakyan sa labas, meaning wala ng gate.
Halos dalawang buwan na rin ako dito, sa una wala naman akong nakikitang kakaiba. May mga nararamdaman pero madalang lang. Hanggang sa sumapit ang ikatlong buwan ko dito at nasanay na ako sa lugar at bahay na tinutuluyan ko, saka ako madalas makaramdam ng kakaiba. Yung pakiramdam na kahit mag-isa ako eh parang may kasama pa rin ako.
Lunes ng umaga..
Maagang pumasok sa trabaho si Aunty dahil may meeting sila sa opisina tuwing lunes. As usual naiwan na naman ako sa bahay dahil wala pa akong trabaho. Linis, nuod ng TV, at tulog lang ang ginagawa ko. Pagsapit ng ala una ay napagpasyahan kong matulog muna. Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng ingay sa kusina. Para bang may naghuhugas ng plato. Imposibleng si aunty dahil alas syete pa ng gabi siya dumadating. Hinayaan ko lang ang narinig ko dahil na rin sa antok.
Alas singko ng hapon ng maalimpungatan ulit ako. Isang ingay na naman ang narinig ko mula sa kusina. Hindi na ako nakatulog ulit simula noon. Naisipan ko bumaba at tingnan kung anong nangyari o baka dumating na nga talaga si aunty. Pero wala akong dinatnan sa baba. Walang tao. Mga basura na galing sa basurahan ang naabutan ko. Imposibleng may makapasok na pusa dahil saradong sarado ang pinto at bintana. Daga? Masyadong mabigat ang lalagyan ng basurahan at mahirap mapatumba. Isa pa'y simula nang dumating ako dito ay wala akong nakitang daga na pagala gala sa loob ng bahay. Pinili ko na lang na huwag ikwento kay Aunty.
Kinabukasan...
Tinanghali ako ng gising dahil sa kapapanood ng koreanovela kagabi. Isang ingay muli sa kusina ang nakapagpatayo sa akin mula sa kama. Ingay na para bang may naghuhugas ng plato. Binaba ko ito at tulad nang naabutan ko kahapon ay nagkalat na basura ulit ang naabutan ko. Hinayaan ko ito kahit puno ng pagtataka ang utak ko. Lumipas pa ang mga araw na puro pagpaparamdam ang nangyayari. Siguro nakasanayan ko na ang mga ganitong bagay kaya hindi na ito big deal sa akin.
Tanghali ng kumatok ang kapitbahay naming si Aling Lani. Kilala siya na numero unong chismosa sa lugar namin. Para din siyang tanod dahil lagi siyang naglalagi sa labas at palakad lakad lang. Nung tanghaling yon ay dumagdag sa aking iisipin ang kanyang mga sinabi...
"Uyy kumusta? Hindi ka ba nabobored dyan? Sabagay, pinupuntahan ka naman ata ng kaibigan mo dyan. Tuwing tanghali kasi o hapon pag tumatambay ako dyan sa puno katapat ng bintana niyo, nakikita ko yung babae na nasa kusina naghuhugas ata. Pinagtataka ko lang sobrang itim niya. May lahi ba yun? Taga Nigeria? Ang itim eh. Haha"
~End~
BINABASA MO ANG
Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.
Historia CortaMahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan. Ngunit paano kung bigla silang magparamdam sayo? Maniniwala ka na ba?