Chapter 2- He's so stupid
Shekairah's PoV
Bwisit na lalaki yun.. Walang kwenta! Tsk
Ako pa ang tanga sa lagay naming yun ha?! Di ba niya napapansin na nagmamadali ako?! Tapos ako pa sinisi niya kung bakit siya may gasgas sa siko niya! Ako ba may hawak ng siko niya kaya sakin niya sinisisi yun?! Leche siya!!
Parehas talaga ang mga lalaki!! Puro nakakainis!! Mga walang kwenta!!
"Nandyan ka na pala" sabi sakin ni Mama nung makita niya ako sa may pintuan.
Kumiss ako sa pisngi niya at saka ako dumiretso sa Ref namin at kumuha ng tubig. Sumunod sakin si Mama sa kusina.
"Akin na ang bag mo" sabi ni Mama at saka kinuha yung bag ko.
Inilagay niya yun dun sa may upuan. Pagkatapos kong uminom ay humarap ako kay Mama nung mapansin kong nakatingin siya sakin.
"Bakit Ma?" tanong ko sakanya
Lumapit siya sakin at agad akong niyakap.
Napasalubong ang kilay ko sa ginawa ni Mama.
"Ma may problema po ba?"
Narinig ko na humihikbi siya kaya naman medyo kinabahan ako. Hinawakan ko siya sa balikat niya at pinalayo mula sa pagkakayakap sakin para makita ko yung mukha niya. Umiiyak lang siya habang nakayuko..
"Ma bakit po ba?" nag aalalang tanong ko sakanya
"Ma" inalog ko yung balikat niya kasi di siya nagsasalita.
Inangat niya yung ulo niya at saka tumingin sakin ng diretso..
"Namimiss ko na ang Papa mo" sabi niya na ikinagitla ko
Mula sa pag aalala ay napalitan kaagad ng galit ang mga tingin ko kay Mama.
Agad kong binitawan ang balikat niya at galit na sinigawan siya.
"Yung matandang yun?! Ano ba Ma! Di ka pa rin ba nagigising sa katotohanan na wala na ang matandang yun?! Ma niloko ka niya! Iniwan niya tayo!! Ano pa bang rason ang nakikita mo para magkaganyan ka sa matandang yun?! Wag ka ngang tanga Ma!! Nakakasawa ka n-----"
*paaakkk*
Agad akong napahawak sa pisngi ko at gulat na napatingin kay Mama na napahawak sa bibig niya at mukhang nagulat sa ginawa niya
"A-nak... D-i ko sinasadya.." sabi niya ng natataranta at saka aakmang lalapit sakin pero agad akong lumayo
Di ako makapaniwalang nakatingin sakanya habang hawak hawak ang pisngi ko...
"Ma.. d-i ko akalain na pati kayo kayang s-aktan ako" sabi ko ng nangingilid ang luha sa mata ko
Nagsimula na namang umiyak si Mama at halatang nagsisisi sa ginawa niya
"P-arehas lang kayo ng matandang yun Ma." nanggigigil na sabi ko at saka naglakad paakyat sa kwarto ko.
Alam kong di sinasadya ni Mama na gawin yun kasi alam kong mali din ako. Mali ako na ginanon ko siya pero di ko maiwasang mainis kasi hanggang ngayon di niya pa rin makalimutan ang lalaking yun. Yung lalaking niloko siya at iniwan. Yung lalaking walang kwenta at pinagsisisihan kong maging tatay.
Nahiga na lang ako sa kama ko at pilit na iniiwasan ang pag iisip tungkol kanina kasi naiinis lang ako. Ayaw ko sa lahat yung pinag uusapan ang lalaking yun kasi para sakin ang kagaya niya ay ibinabaon na sa limot. Di siya karapat dapat bigyan ng pansin kasi wala siyang kwenta.. Walang kwentang tao...
**K I N A B U K A S A N**
Pagkagising ko ay agad kong ginawa ang morning rituals ko at saka bumaba na para mag almusal. Nakita ko na nasa kusina si Mama at nagluluto.
BINABASA MO ANG
Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!
أدب المراهقينI hate when someone ask... I hate when someone always following me... I hate when someone give me such things... I hate when someone texting me... I hate when someone called me in a very weird 'sweet' words... I hate when someone's courting me... I...