Chapter 3- THE PAPER (Part 1)

205 6 2
                                    

Chapter 3- The Paper (Part 1)

Kyle's PoV

'Wag kang magpakatanga' naalala kong sabi niya sakin bago siya umalis..

Wag akong magpakatanga? Nagpapakatanga na ba ang desididong manligaw? Tanga na ba para sakanya yun? Tsk. Di ko akalain na ganun pala talaga siya sa mga manliligaw niya. Akala ko sabi sabi lang kaya di ako naniwala at sinubukan ko pero mali... Maling mali.

Bat ba kasi nagkagusto ako sakanya eh alam ko naman ang ugali niya. Di siya yung tipo ng babaeng kapag niligawan tuwang tuwa. Iba siya. Naiinis pa siya kamo kapag may nanliligaw sakanya. Tsk. Nakakainis!!

Napasabunot ako sa buhok ko at napayuko...

Langhiya naman kasi... Dapat pala di na ako lumapit dun yan tuloy nagalit.. Tsk. Tsk.

Dapat pala di ko na lang siya kinausap nung nagkita kami at sana di na lang ako nagpanggap na masakit ang siko ko kahit hindi naman. Oo, nagpapanggap lang ako nun. Gusto ko kasing mapalapit sakanya kaya naman di ko na pinalampas pa. Kinausap ko siya kasi akala ko magigi kaming close pero yun pala nainis lang siya sakin. Wrong move..

Pagkatapos naming mag usap sa hallway nun ay nakaramdam ako ng parang wala ng pag asa kasi sa paraan na kinausap niya ako ay halatang wala lang ako sakanya kaya napagpasyahan ko na ihinto na. Pero di ko inaasahan na makita siya sa office ng English Department. Naglilinis ako nun at di niya ako napansin kaya naman tinawag ko siya. Nung time namang yun ay akala ko makakausap ko siya ng maayos pero mali nanaman. Lalo lang siyang nainis nung makita ako lalong lalo na nung sinabi kong 'I want to court you'

Akala ko magugulat siya o di kaya mapatutulala kasi ganun naman ang mga babae diba? Nagugulat kayo kapag may nagsabi sainyong ganyan pero iba si Shekairah. Di siya nagulat kundi nainis pa.

Di ko maintindihan ang ugali niya at di ko rin maintindihan kung bakit ganun siya sa mga manliligaw niya. Marami na akong naririnig na nanligaw sakanya pati na nga rin yung kaklase kong kinababaliwan ng mga babae sa batch namin niligawan siya. Sa dami ng nanligaw sakanya ni isa'y wala pa siyang sinagot. Lahat sumuko kasi mataray daw at di na nila kaya.

Naisip ko nun na 'Ang hihina naman' nila kasi akala ko simpleng taray lang ang ginagawa sakanila ni Shekairah. Di ko akalain na ganito pala. Tsk. Ibang klase siya..

Napatigil ako sa pag iisip nung may biglang tumapik sakin. Naiangat ko yung ulo ko at saka tinignan kung sino yun.

Si Aeon pala... Bestfriend ko

(A/N: pronounce as 'E yon')

Tinanguan ko siya at umupo naman siya sa tabi kong upuan

"Problema" sabi niya sakin habang inaayos ang chess board niya. Hilig niya kasing maglaro ng chess kaya lagi niya yang dala.

Inayos ko yung pieces ng puti at saka nagkwento..

"Basted na ako kaagad pre" sabi ko sakanya

Alam kong tinignan niya ako pero di ko yun pinansin kasi nag aayos pa ako.

"Agad agad?" di makapaniwalang tanong niya sakin

Tumango naman ako saka naunang tumira.. Yung horse ang una kong ginamit..

"Sabi ko naman kasi sayo pre mahirap pakisamahan ang babaeng yun..Masyadong mataray. Haha" at saka inabante niya yung isang pawn

"Di ko inaakalang ganun kataray yun" at saka ko inabante ulit yung horse ko. Inabante niya yung pawn na nasa harap ng rook niya at inabante ko naman yung isa kong knight sa kanan..

Nag isip siya saglit bago tumira.. Nagulat ako sa tinira niya... Yung knight yung inabante niya na ikinakorner nung horse ko.. Kapag umabante ako pakanan ay makakain ng knight niya ang horse ko at kapag sa kaliwa naman ay makakain ng rook niya yung horse ko..

Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon