Chapter 5- Way #1 (Part 1)
Shekairah's PoV
Di ko alam kung bakit ko biglang binigay sakanya yung papel na yun. Ang alam ko lang ay may nakita ako sakanyang kakaiba na para bang nagsasabi na ibigay ko na yung papel.
Alam ko desidido siya na gusto niya akong ligawan lalong lalo na nung sinabi niya sakin na gusto niya daw ako.
'At naniwala ka naman?' tanong ng isip ko
Tss. Di noh! Pathetic! ~_~
Di ako naniniwala sakanya kasi pareparehas lang naman silang mga lalaki. Mga manloloko at mapaglaro ng damdamin ng babae. Tss.. Nachallenge lang kasi ako at saka gusto ko ng itry yung mga nakasulat dun..
"Ano, gagawin mo ba? Pwede kang umatras" tanong ko sa tangang kasama ko. Di si Lily ang tinutukoy ko. Yung isa pang tanga.
"Oo, gagawin ko. Madali lang naman eh" mayabang na sabi niya
Inirapan ko siya saka nagsalita.
"Yun ang akala mo. Papahirapan kita baliw" sabi ko sakanya
"Tch. Kakayanin ko lahat basta para sayo" sabi niya sabay kindat sakin
"Tanga" inis na sabi ko saka umupo na
Umupo na din siya sa tapat ko at nagsimula ng kumain. Tss.
Nandito ako ngayon sa Canteen kasama yang tangang yan. Tss. Sasama daw kasi siya kahit saan ako pumunta kasi manliligaw ko daw siya. Leche. Di naman body guard ang role niya.
Kumain na din ako since nagugutom na ako. Bwisit kasi. May pawalk out walk out pang nalalaman. Yan tuloy nagutom. ~_~
"Kelan ko ba sisimulan?" tanong niya kaya napatingin ako sakanya
"Pag namatay ka na lang siguro" seryosong sabi ko saka yumuko ulit at kumain
"Tss" narinig kong singhal niya
Paki ko ba kung kelan siya magsisimula? Basta ako taga panuod lang at kung maaari taga pahirap sa ginagawa niya. Di yata ako papayag na puro pasarap lang siya. Paghirapan niya. Tss. Pustahan, di yan magtatagal. Mga tatlo o apat lang magagawa niyan.
"Seryoso nga" parang nag papaamong sabi niya sakin
Napairap ako saka uminom ng tubig.. Humarap ako sakanya na nakatingin sakin.
"Bat sakin mo tinatanong? Ako ba manliligaw? Baliw!"
"Tss. Malay ko ba kung kelan mo gusto" sabi niya habang nagkakamot sa batok niya.
Tss. Parang tanga.
"Wala akong paki kung kelan ka magsimula. Bahala ka" seryosong sabi ko
"Edi pwede na ako magsimula ngayon?" masayang tanong niya sakin
"Tss" sabay irap
Agad niya inilabas yung papel na galing ata sa bulsa niya. Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa pagkain. Mukha kasi siyang tanga kakangiti sa papel. Tss. Dapat si Lily niligawan nito eh. Tsk. Tsk. Walang kwentang Author.
(MacriSizzy/Crissy: Walang kwenta? Ako?! Eh kung patayin kaya kita dito sa story mo?!)
Tss. Edi patayin mo.. Ako ba mawawalan? Tanga.
(MacriSizzy/Crissy: Tss. Ibang klase ka talaga....Oo na. Pasalamat ka mahal mahal kita. Haha)
Kadiri ka! Lumayas ka nga.
(MacriSizzy/Crissy: Yeah. Whatever. Fine ~_~)
Tsk. Mga stupid creatures nga naman. Bat ba dumadami ang mga taong ganyan? Tsk. Tsk.
BINABASA MO ANG
Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!
Roman pour AdolescentsI hate when someone ask... I hate when someone always following me... I hate when someone give me such things... I hate when someone texting me... I hate when someone called me in a very weird 'sweet' words... I hate when someone's courting me... I...