Chapter 11- WAY #6 (Part 1)

112 3 0
                                    

Chapter 11- Way #6 (Part 1)

Shekairah's PoV

***K I N A B U K A S A N***

Maaga akong nakarating sa room namin kaya naman nauna ako dun sa anim. Tanging si Charlene pa lang ang nandun. Gaya ng dati, nilagpasan ko lang siya. Tss. Wala namang pinagbago.

Inilagay ko na yung bag ko sa upuan ko at saka umupo.

"Goodmorning Ara.. Nandito ata ako?" sabi niya na kinakaway kaway pa ang kamay niya. Tss. Baliw

Inirapan ko lang siya at di siya pinansin. Narinig ko na nag 'Tss' siya tapos mayamaya ay gumalaw yung katabi kong upuan. At ano pa nga ba? Tss. Manggugulo nanaman to.

Salubong ang kilay ko na tinignan siya habang umuupo habang siya naman ay nakangiti sakin. Baliw talaga.

"Kwentuhan tayo" nakangiting sabi niya sakin at saka ipinatong ang dalawa niyang siko sa desk niya. Tss. Parang tanga. Inirapan ko na lang at saka iniwas ang tingin sakanya.

Nagpangalumbaba lang ako habang nakatingin sa bintana. Psh. Alam ko namang walang kwenta ang paguusapan namin. Si Charlene pa? Tss. Wag na lang.

Ilang minuto lang akong ganun. Di siya nagsalita matapos nun pero alam kong di pa siya umaalis. Edi ako na masamang kaibigan! Leche!

Mayamaya ay bigla siyang gumalaw at kasabay nun ang pagsalita niya

"Ara nanliligaw pa din ba sayo yun?" tanong niya sakin

Napasalubong ang kilay ko sa tinanong niya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Si tanga yun. Siya lang naman kasi ang nanliligaw sakin ngayon.

Pero bakit sa dinami dami ng pwede niyang itanong, yun pang walang kwenta? Tss.

"Oo" walang ganang sagot ko ng di pa din siya tinitignan. Para tumigil lang siya. Wala akong gana makipagdaldalan sa kanya eh. Tss.Lagi naman ~_~

"Dalawang linggo na diba?" Tanong niya ulit

Agad akong napatingin sa gawi niya at saka nagtatakang tinignan siya. Seryoso lang ang mukha niya at alam kong seryoso siya na makipag usap sakin.

Ano bang gustong malaman ng babaeng to? Paki niya ba kung nanliligaw pa din sakin yun? Chismosa.

"Bakit mo naman tinatanong yan?" medyo inis na tanong ko sakanya

"Wala lang. Nagtataka lang ako"

Tss. Nagtataka? Alam ko na kung saan nagtataka to. Lahat na lang nagtataka. Psh. Pati yung lima nagtataka din. Lecheng mga chismosa yan. Kainis.

"Tss. Nagtataka ka kung bakit nagtatagal yun. Ganun ba?" sabay irap

"Oo.." sagot niya

Sabi na eh. Pareparehas talaga ang mga babaeng to. Ano bang nakakapagtaka dun? May nakapagligaw lang sakin ng dalawang linggo ganyan na sila? Bwisit!

Inis ko siyang tinignan at hinintay yung karugtong ng sinasabi niya.

"Sa pagkakaalam ko kasi laging isang linggo lang ang tinatagal ng manliligaw mo, minsan nga araw lang kaya big deal sakin ang dalawang linggong panliligaw niya sayo"

Napairap naman ako sa sinabi niya. Tss. Palibhasa di nila alam yung tungkol dun sa papel. Yung papel na gusto ko ng bawiin pabalik sakin. Tss.

"Anong gusto mong palabasin?" tanong ko ng nakasalubong ang kilay. Minsan lang magseryoso ang baliw na to kaya alam kong may gusto tong malaman. Tss. Chismosa.

"May gusto ka ba dun?" seryosong tanong niya

Agad ko siyang inirapan at inis na tinignan.

"Wag ka ngang tanga. Wala akong gusto sa tangang yun. Nagtagal yun di dahil sa gusto ko siya, nagtagal siya dahil may ginagawa siya. Baliw"

Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon